[Someone's Pov]
"Kamusta? Nagawa mo naba?"
"Tapos na po, sa Monday makakapasok na s'ya sa klase, ngayon ipinalilibot ko s'ya para mafamiliarize s'ya sa buong academy. Naayos ko na din pati uniforms at mga gagastusin n'ya."
"Hindi ba sya naghinala?"
"Hindi naman po." nakayukong sambit nya.
"Good, huwag mo sanang hahayaang masaktan s'ya ng kahit na sino. Dahil alam mo ang mangyayare sa kan'ya sa oras na masaktan s'ya."
"Masusunod po Headmaster."
After n'yang sabihin 'yun bumukas ng malakas ang pintuan ng office ko. Bumungad sa'ming harapan ang galit na galit na mga mata.
"Sige na Mr. Principal maari kanang umalis." yumuko muna s'ya bago umalis bilang respeto.
Pagkasarang pagkasara pa lang ng pinto may apoy na papunta sa direction ko.
Itinaas ko ang kaliwang kamay ko upang salubungin ang apoy. Agad na pumasok ang apoy na inihagis n'ya sa aking kaliwang kamay at naglaho na.
"Kumalma ka nga muna aking apo." mahinahong sambit ko.
"Kumalma? Paano akong kakalma gayong any moment pwede s'yang mapahamak! Akala koba pupunta lamang s'ya dito kapag 18 na s'ya?"
"'Yan din ang aking nais, ngunit ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para makabalik s'ya sa lugar na pinanggalingan n'ya." mahinahong paliwanag ko.
"Edi sana pinigilan n'yo s'ya para hindi pumasok sa portal!" pasigaw na sagot n'ya.
Galit talaga s'ya, basta talaga pag involved s'ya, hindi napipigilan ang emotion n'ya.
"Ayaw mo bang andito s'ya? Atleast makakasama at makikita mo na s'ya ng malapitan, hindi mo ba namiss ang--."
"Alam mo naman ang bond na meron sa'ming dalawa, mas lumakas 'yun dahil andito na s'ya. Ayokong masaktan s'ya kapag nasasaktan ako."
Napabuntong hininga ako, kahit na matagal na silang 'di nagkikita hindi nagbabago ang pagmamahal n'ya para sa kan'ya.
"May inutusan na akong magbabantay sa kan'ya. Ipabantay mo din ang guardian mo upang makasiguro ka, o ikaw mismo ang magbantay sa kan'ya bilang protector nya."
Natahimik s'ya na tila ba nag iisip, bigla na lamang s'yang umalis sa aking opisina, pero hindi nakalagpas sa aking mga mata ang isang ngiting kay tagal ko nang hindi nakita. Kahit kailan talaga isang tao lang nakakapag pangiti sa kan'ya at 'yun ay walang iba kundi si Lumire Celeste.
--*
[Lumire's Pov]
Agad naming nahanap ang magiging dorm room ko dahil na din sa ground floor lang naman 'yun nakalagay.
Tama lang naman ang laki ng room namin, hinanap ko ang magiging kama ko, hinanap ko ang kamang walang laman maliban sa unan at kumot. Hindi naman ako nabigo dahil nasa pinakadulo 'yun malapit sa pader, may study table na at andun din sa gilid ang cabinet kung nasaan ang mga magiging gamit ko.
Lumapit ako du'n upang tignan ang laman ng cabinet, pag bukas ko bumungad sa'king harapan ang maraming damit. May limang set ng uniforms at dalawang PE.
Kinuha ko ang isang uniform at nagtungo sa cr, buti na lang may sariling cr dito sa loob.
Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.

YOU ARE READING
Celestial High
FantasíaWhat if kung may natuklasan kang kakaibang puno na may pinto? At dahil sa curiosity mo napunta ka sa isang lugar na hindi mo kailan man naisip na nag e'exist pala? What if lahat ng katanungang bumabagabag sa 'yo ay doon mo matatagpuan ang sagot? M...