Chapter Two

8 2 0
                                    

"Wow."

Sa likod pala ng luma at maduming gate na 'yun, ay may nakatagong malaki, kakaiba, at mala magical na puno.

'Maganda ba Lumire?'

Nagpalinga linga ako, nagbabakasakaling makikita ko na ang nagmamay ari nang boses na kanina pa sa'kin kumakausap.

Ngunit puro puno lamang ang nakikita ko sa paligid, simpleng gubat lang kung maituturing. Pero ang punong nasa harapan ko ngayon ay kakaiba at hindi basta basta.

Sobrang laki n'ya, may hagdan s'ya papunta sa hugis pintuan na makikita sa pinaka gitna ng katawang puno n'ya, sa loob naman ay hindi ko na alam dahil na din sa puro liwanag na lang ang nakikita ko. Orange at white na naghahalo ang kulay napaka ganda.

Hindi ko man lang namalayang nagkukusa na palang maglakad ang mga paa ko paakyat sa puno.

"Wait b-bakit hindi ko mapigilan ang mga paa ko?!"

Natatarantang tanong ko ng ayaw tumigil ng mga paa ko dahil umaakyat na s'ya papuntang pintuan sa puno.

"Ahhhh tulungan n'yo ko, waaaah! Naglalakad magisa ang mga paa ko omygash!!" natataranta na ako hindi kona alam kung anong gagawin ko.

What the fuck!

Tuluyan na akong nakapasok sa mahiwagang lagusan ng hindi nakakalaban.

"Ahhhhhh!"

Naramdam ko ang kakaibang pwersang humihila sa'kin papasok, para akong iniikot feeling ko bumaliktad 'yung sikmura ko parang gusto kong sumuka!!

Then everything went black.

'Sino 'yan?'

'Bakit gan'yan 'yung uniform n'ya?'

'Nakita mo ba? Lumabas s'ya sa puno.'

'Baka isang mortal?'

'Kung mortal yan, edi sana wala sya dito.'

Iminulat ko ang mga mata ko, naka sandal ako sa isang puno. Pero this time wala na 'yung hagdan pati mahiwagang lagusan.

'Isa ba 'yang mortal?'

'Sa tingin mo ba kung isa lamang s'yang mortal makakatapak s'ya dito?'

Agad dumapo ang mga mata ko sa nag uusap na 'yun, hindi daw ako mortal?

Kita ko ang pag hakbang nila paatras ng makitang nakatingin ako sa kanila, hindi ko na lang pinansin at nilibot ko ng tingin ang buong paligid ko kahit na panay parin ang bulungan nila.

Ngayon ko lang napansin napapalibutan pala ako ng mga estudyante dahil nakasandal ako sa puno na s'yang nag iisa dito sa gitna.

Napako ang mga mata ko sa isang lalakeng may suot ng half silver na mask tanging mga mata lang n'ya ang natatakpan, nakatayo s'ya sa gilid kagaya ng mga students dito. Kita ko ang gulat sa mga mata n'ya nung magtama ang mga mata namin bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba.

'B-bakit ganto?'

Bulong ko sa sarili ko, kakaibang saya at pangungulila ang nararamdaman ko. Sino ba s'ya?

"Anong nangyayare dito?!"

Nag bigay ng daan ang mga students nung marinig nila ang matinis na sigaw na 'yun.

Bumungad ang babaeng may suot ng kakaibang uniform, plain black skirt na above the knee, black blazer na may white lining sa magkabilang bulsa at malapit sa botones, white long sleeve sa loob pati necktie n'ya ay katulad sa kan'yang skirt plain black din, sa right chest n'ya nakalagay ang simbolo ng school.

Celestial High Where stories live. Discover now