FIVE

22 8 0
                                    

Mayumi's POV

"MAYUMI CALICSIHAAAAN!" Agad akong tumayo ng marinig ko ang mala-lalaking boses ni Kitt.

"K-Kitt." Inayos ko ang damit ko habang si Yohhan naman ay napaubo at tumawa kay Kitt.

"Kayong dalawa! Anong ginagawa nyo dyan sa lapag?!"

"Haha, nakawala yung ipis na hinahabol namin eh." Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis si Kitt sa harap namin.

Pawis na pawis si Kitt at hawak ang bola nya. Mukha na talaga syang tomboy.

Nagulat naman ako nang maramdaman ko na parang tumunog na yung plastic sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko syang tapos ng lantakan ang MARSHMALLOW KO?!

"Yohhan naman eh!" Binatukan ko sya saka ako lumabas ng bahay at binuksan ang kotse nya. Sa may shotgun seat ako umupo. Nakabusangot at inis na inis sa kanya. Aba aba! Sinong di maiinis sa kanya!

Sumakay sya sa kotse na tatawa tawa at pilit pinipigilan ang hagikhik nya. Bahala sya sa buhay nya.

Binuksan ko ang speaker at nilakasan ang tunog. Pinaandar nya to nang hindi parin nawawala ang ngiti sa mukha. Hanggang sa humarap sya sakin.

"Sorry naaaaa." Humalukipkip ako at pimukit. Nagtulog-tulugan. "Ayuuuu, sorry na. Ibibili nalang kita ng mallows mamaya. Please?"

Tumagilid ako sa kanya para talikuran sya saka ako pumikit. Buong byahe namin ay nakabusangot lang ako atsaka nakatalikod sa kanya. Bahala sya sa buhay nya! Inubos ubos nya yung mallows ko.

"Ayu? Andito na tayo." Bumaba na ako ng sasakyan nang hindi sya pinapansin. Wag nya akong tinatawag. Bahala sya sa buhay nya!

Napalingon ako sa paligid at nakita kong nasa Nuvali kami. Sikat daw dito sabi ng mga kapatid ko. Gusto nga nilang pumunta dito eh.

Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita kong maganda nga dito. Masyadong maganda ang lugar na to para ma-spoil nya nalang ako bigla. Wala syang balak na manuyo matapos nyang ubusin ang mallows ko? Bahala sya!

Naglakad ako na parang wala lang sya. Ieenjoy ko magisa yung park.

Naglakad ako papunta sa isang stall.

"Miss, magkano po ang isang seat sa boat?" Pagtatanong ko sa babae na nasa stall. Naramdaman ko naman na sunod lang ng sunod si Yohhan sa likod ko at paulit ulit na sinasabing 'sorry na Ayu. Papalitan ko yun.'

Palitan nya mukha nya.

"30 pesos po mam." Ginanahan ako kaya umorder na ako ng isa. "Kasama nyo po ba yan?" Lumingon ako sa itinuro nya at nakita kong nakaturo ito kay Yohhan na nakanguso sakin.

"Ito po? Hindi ko po yan kilala. Mag-isa lang po ako dito." Napa-ahhh naman yung babae. Wag ka nang makitsismis. Puputulin ko buhok mo.

"Ayu naman eh." Bahala sya.

Sumakay na ako sa boat dahil sa sobrang excitement ko. Pinagsuot naman kami ng life vest.

May tumabi sakin—si Yohhan.

Hindi ko malang sya pinansin. Bahala sya.

----

Nung nasa boat kami kanina ay todo picture ako sa mga view. Ang ganda kaya. Pang IG.

Hindi k sya sinasama sa mga pictures at selfie ko. Magtiis sya!

Naglalakad naman kami ngayon sa bazaar. Nauuna ako dahil ayaw kong makasabay sya. Saka ko lang napansin, may mga babae na nakatingin samin.

"Yie! Ang gwapo ni kuya! Sheeems tara papicture."

"Hala mukhang matapang yung kapatid nya."

"Kapatud nya lang naman yan wag ka magalala. Tara na hehehe."

Nangunot ang noo ko sa kanila dahil nagmukha pa akong kapatid ni Yohhan.

Peeo natigilan ako. At yun na naman yung puso ko, ayaw tumigil nang maramdaman ko ang isang kamay na yumakap sa bewang ko at hinalikan ako sa noo. Geez.

"Hehe, wag ka na sumimangot Babe. Peace na tayo Babe ha? I love you."

"Y-yohhan."


---

im_SIREN

To: Her ... From: Him | (Calicsihan Sisters)Where stories live. Discover now