FOUR

25 7 3
                                    

Mayumi's POV

"Hey kapatid! Saan ang punta mo?" Bati ko kay Aya na mukhang aalis.

"Haha gala lang." Sabi nya. Wala namang pasok ngayon kaya makakapaglagalag na tong mga kapatid ko. Taksil kasi kay daddy.

Si Kitt naman nasa court naglalaro ng basketball. Sa aming tatlo kasi ako ang isa sa pinaka moody habang si Aya naman ay masungit pero makulit habang si Kitt naman ang pinakamaloko at boyish sa amin. Oo, kababaeng tao basketball ang laro. Ewan ko ba dun. At sya din ang pinaka matalino at masungit pagdating sa mga lalaki. Sya yung tipong yayabangan ka.

Nagilaw ang phone ko at nakita ko naman na pangalan ni Yohhan ang lumitaw dito. Umagang umaga.

"Your problem?" Pagtatanong ko.

[Tara gala...]

"Ayan.. oo Yohhan! Jan ka magaking eh sa gala mo."

[Dalian mo nalang nakakainip kayang mag hintay dito sa baba nyo ang boring]

"HUH! ANDITO KA NA AGAD?!" Pagkasabi ko nun ay dali dali akong bumaba.

Abno talaga tong lalaking to. Magyayaya ng gala tapos nakahanda na pala. Sarap sipain eh.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko pagkababa.

"Nakaupo, duling ka talaga. Atsaka...Ano ba yang suot mo. Hanggang ngayon naka Hello Kitty ka parin. Bilisan mo na at gagala pa tayo."

Tumakbo ako papuntang kwarto habang hawak ang dibdib ko. Juice colored, ano ba tong lalaking to. Basta basta nasulpot sa bahay. Buti nalang at sila manang ang nagpapasok sa abnong to. Kung nagkataong nagkita sila ni Kitt o Aya yari na ako sa asar nito.

Alam din kasi ng mga kapatid ko na matagal ko nang gusto si Yohhan. Well, napansin nila noon.

"Ang kupad kumilos." At dahil sa sinabi nyang yon ay nagmadali na ako. Pagkalabas ko ay nakita ko syang nakasandal sa tapat ng pintuan ko. Nagulat ako ng ipitin nya ang ulo ko sa pagitan ng braso nya at kutusan ako.

"A-aray! Ang harot mo Yohhan!" Pilit kong tinatanggal ang ulo ko sa braso nya hanggang sa tumakbo nalang ito palayo sakin.

"Sayang... hindi ko manlang nakita mga kapatid mo kanina." Heh! Buti kamo at hindi.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin sakin saka umiling.

"Wala lang. Nasa iisang school lang kasi tayo pero parang hindi ko sila makita." Napasangayon nalang ako. Kung tutuusin kasi ay magkakalaput lang halos ang mga classroom namin pero nakikita ko nalang sila pag ka nasa bahay na ako.

Pumunta ito sa tapat ng ref at binuksan. Nagulat naman ako ng ilabas nya ang...

"HOY MARSHMALLOW KO YAN! SA DINAMI DAMI NG PAGKAIN DYAN, MARSHMALLOW KO PA ANG GAGALAWIN MO!"

"Luh, pahingi lang ako ng konti."

"Tigilan mo ko Yohhan, yang konti mo ang makakaubos ng marshmallow ko. Kung gusto mong mabuhay ibaba mo yan!"

Ang ayaw ko sa lahat ay pinapakailaman ang mallows ko. Kahit pa may gisto ako sayong mokong ka hindi pwedeng pati mallows ko kunin mo! Puso ko nga kinuha mo na di mo pa binalik. Mallows ko pa kaya!

Akmang isusubo na nya ang mallows ng tumalon ako sa kanya at pilit inagaw ang mallows. Kaya lang...

Para bang may nagtatambol sa puso ko at sobrang lakas ng kabog nito. Hindi ako makahinga ng maayos. Nakapatong lang naman ako sa itaas nya! Hindi ako makakilos.

"MAYUMI CALICSIHAAAAN!"


im_SIREN

To: Her ... From: Him | (Calicsihan Sisters)Where stories live. Discover now