NINE

15 7 0
                                    

Mayumi's POV

"Ano ba Ayu? Ba't ba ang likot mo? Magpatulog ka naman."

"Pano ba matulog?"

"Kitt! Itabi mo nga jan si Ayu sayo! Ang likot eh di ako makatulog!"

"Aba Aya! May kama yan ba't di mo sya dun patulugin."

"Hindi nga kasi ako makatulog." Napakamot ako sa ulo ko. Kanina pa ako nakikitabi sa mga kapatid ko kaso ayaw naman nila akong patabihin sa kanila. Hindi naman kasi ako makatulog sa kwarto ko.

Uminom na ako ng gatas para makatulog. Namapak na ako ng marshmalllows at nagaksaya ng oras mag kdrama, wattpad at paglalaro ng gameboy ni Kitt pero wala eh!

Hindi ako mapakali at hindi rin ako makatulog dahil sa kanina...

~FLASHBACK~

"Kaya pala crush mo ako." Nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sadyang makapal ang mukha nya pero dahil sa sinabi nya... baka nalaman nya?!

"M-mandiri ka nga sa sinasabi mo Yohhan. Never kaya akong nagkagusto sayo."

"Nye nye.. in denial sya ohhh."

"Nakakapanindig balahibo!" Pilit kong ginagatungan ang mga sinasabi nya at pinagmumukhang hindi totoo ang mga sinasabi nya. "Pano naman ako magkakagusto sayo eh torpe ka nga." At dahil sa sinabi kong yon ay tumakbo na ako palayo dahil sa kahihiyan.

Derederetso lang ako hanggang sa tinawagan ko si Kitt na sunduin nya ako.

~END OF THE FLASHBACK~

Nagtanong sakin si Kitt kanina kung bakit magisa lang ako. He even asked kung kasama ko daw ba si Yohhan. Pero nagsmdahilan nalang ako at sinabi umalis si Yohhan eh nalimutan ko ang kotse.

Napatingin ako kay Aya.

"Aya, how to sleep?" Bumalik ako sa kama ko at pabagsak na humilata. Magkakasama kami sa kwarto.

"Tanong mo dyan sa matalino mong kapatid. Mukha na yang libro."

Tumingin ako kay Kitt na nakaheadphones at nakapikit.

"Kitt.."

"Kitt......"

"KITT......."

"MARIKIT CALICSIHAN!"

"OO! HINDI AKO BINGI! NARIRINIG KITA! WAG MO KONG TATAWAGING MARIKIT BAKA SUNTUKIN KITA!" Napatikom ako ng bibig. Ayaw nga pala ni Kitt na tinatawag sya ng Marikit.

"Pano ba kasiiii?" Pagmamaktol ko.

"Wag mo kasing isipin si Yohhan." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"H-hindi ko naman iniisip si Yohhan eh!!

"Bahala ka. Nanghihingi ka ng tulong dyan. Nagmamalasakit lang ako."

Bahala na bukas....

----

Sa school..

Zzzzz... zzzzzzz.. zzzz.

Zzzzzz.....Zz....Zzz.....

"Ms. Calicsihan?"

"Wag ka maingay. Ang  gulo mo eh." Paninita ko sa kung sino mang maingay.

"Do you want me to put an F on your Class Card?"

"Edi lagyan mo. Bakit? Teacher ba—I'M SORRY SIR REYES!" agad akong humingi ng tawad. Shunga shunga ka Ayu!

Pano ko ba kasi malalaman kung sino yung nagsasalita eh nakapikit ako! Napahilamos nalang ako sa mukha. Buti nalang at patapos na ang period nya.

Napalingon ako sa katabi ko... wala si Yohhan. Baka nasa music room since malapit na ang JS prom. Pero parang hindi ko sya kayang harapin dahil dun sa kahapon. iiwas muna ako.

Break time na ng hindi ko namamalayan. Lumabas ako ng magisa daail wala parin sya hanggang ngayon. Dederetso sana ako papuntang cafeteria nang sa hallway palang ay natigilan na ako.

Akala ko nasa music room ka parin sa mga oras na 'to... masaya ka lang pala kasama ang iba.

Sa walang kakwenta kwentang bagay ay nawalan ako ng ganang pumunta ng cafeteria dahil sa nakita ko.

Nakita ko lang naman sya.... masayang nakikipagkwentuhan sa iba.

----

im_SIREN

To: Her ... From: Him | (Calicsihan Sisters)Where stories live. Discover now