ONE

52 8 0
                                    

"Ano ba Yohhan... wag ka ngang magulo." Sira na ang tulog ko sayo manggugulo ka pang monggoloid ka.

"Iihhh, Ayu naman eh. Sasamahan mo lang ako sa cafeteria oh. Pakatamad eh."

"Aba! Dahil sa plano mong magmovie marathon tayo ng walang tulugan eh namugto ang eyebags ko. Sa tingin mo ba sasamahan pa kita sa canteen?"

"Ayu! Ayu! Ayu! Ayu! Ayu! Samahan mo na koooo!" At sa huli ay napapayag na ko dahil sa ingay nitong katabi ko.

He's Yohhan Fuentes, my childhood bestfriend. Isip bata, dakilang monggoloid, puro hangin ang utak at isa't kalahating may tiwang din. Full package na nga.

"Anong gusto mo?" Tanong nya.

"Kung ano iyo." Tipid kong sagot. As in inaantok talaga ako ngayon. Nabubugnot na ko.

Matapos naming umorder ay kumain din kami. Pasalamat nalang tong si Yohhan at wala kaming morning classes dahil nagmemeeting ang mga teachers para sa darating na JS prom.

Mas lalo tuloy akonh nabugnot. Hindi dahil sa walang magaaya sakin na maging date nila. Sa totoo nga lang ay madami din ang nagyayaya sakin pero ni isa sa kanila ay wala naman akong gustong makadate kaya nagiging boring lang din. . .

Hindi naman nila kasalanan kung bakit wala akong gustong maging partner sa kanil. Ewan ko ba sa sarili ko.

Ito namang si Yohhan ay hindi pa naka-attend ng JS prom kahit isang beses dahil kung minsan ay tinamad sya, nung sumunod naman ay nadengue daw sya at ayaw nga akong papuntahin sa kanila dahil daw baka mahawa ako. Baliw yun, hindi naman bulutong ang meron sya eh.

"Tapos ka nang kumain?" Magiliw na tanong ni Yohhan. Palibhasa sya ay hindi nabubugnot kaya ganyan sya kasaya.

Tumayo na kami at sinabi ko na dadaan muna kami sa locker dahil kukunin ko ang notes ko sa locker nya. Oo sa locker nya ako naglalagay ng mga mahahalaga kong gamot dahil yung locker ko ay napupuno ng mga walang katuturan na mga bagay.

"Makapagbukas ng locker ko Ayu ah, wagaaas" pagpaoarinig nya. Well, alam ko lang naman ang code ng locker nya dahil elementary palang kami ay laging *0000* ang code nya. Kahit nga sa phone o sa kahit anong bagay na kailangan ng code.

Dahil nga puro hangin ang utak mya ay makakalimutin din sya kaya ganyan ang pass nya.

Pweo natigilan ako nang makarinig ako ng kaluskos ng plastic sa tabi ko.

Nilingon ko si Yohhan na nakain ng chocolatw na galing sa locker ko. Ngumiti lang sya sabay kain ulit.

"Mukha kang aso sa ginagawa mo Yohhan."

"Eh sa masarap eh."

"Patay gutom talaga."

"Aba! Kesa naman sa nakatambak nalang dito yang mga regalo ng mga manliligaw mo. Punong puno na ang locker mo ng mga regalo't sulat pero ayaw mo manlang iuwi sa inyo." Napabuntong hininga ako.

"Gusto mo talagang malagot ako dun sa mga kapatid ko ano?" Oo may kapatid pa ako. Dalawa. Triplets kami, nakakatawa ano. Ako ang ikalawa. Si Kitt ang bunso tapos si Aya yung panganay. "Sige na kainin mo na yang mga andyan. Ubusin mo na din."

Kinuha na nya ang mga pwedeng kainin na nakapatong sa taas ng lovker ko habang ang mga bulaklak ay tinatambak nya lang don. Gawain na ni Yohhan yan.

Nang akmang ilalabas nya na ang mga sulat ay may nalaglag.

To: Her .....





From: Him

im_SIREN

To: Her ... From: Him | (Calicsihan Sisters)Where stories live. Discover now