Chapter 4: Engaged with Reapers

8 3 0
                                    

AUBREY

Tapos na si Aelfric sa pagbabalita na mawawala siya sa loob ng ilang buwan. Hindi niya binanggit ang tungkol sa misyon niyang paghahanap sa crowning empress nila. Sa ngayon ay nandito na kami sa harapan ng palasyo, inaantay ang mga magiging ka-grupo niya.




"What will happen if hindi lang buqwan ang pagtatagal niyo sa mundo namin? What if abutin kayo ng years sa paghahanap sa crowning empress niyo?" takang tanong ko. Hindi naman umimik si Aelfric, sa halip ay inisip niya na lang ang mga nasasakupan niya.





~~~

Matapos ang ilang minuto ng pag-aantay sa hari at reyna ng dalawang kaharian na siya namang magiging ka-grupo niya. Sila Pearl at Zion na naka-sakay sa kabayo nila habang nag-uusap sa pag-punta nila sa mundo ng mga tao. Ngunit kapansin-pansin naman sa kanilang mata ang halong excitement at pag-aalala para sa kaharian nila. Ito kayang si Aelfric anong nararamdaman? Nakakapagtaka nga dahil hindi ko magawang mabasa ang kanyang nasa isipan. Minsan ng nangyari ito pero hindi ko binihyan ng pansin.




"Aelfric, saan kaya tayo mamalagi sa mundo ng mga tao?" biglang tanong ni Zion habang nakatingin pa din sa harapan. Oo nga no, saan kaya sila titira? Ano kaya kung sabihin ko na doon na muna sila aa amin! Ahy, hindi pala pwede. Bakit? Hindi ko din alam kung bakit.




"Siguro naman ay bibigyan nila tayo ng pansamantalang matutuloyan!" Sagot ni Pearl.





~~~


Matapos ang paglalakad papuntang meeting room dito sa palasyo ay nagsipag-upoan na sila sa mga nakatalagang upoan sa kanila. Sa huling, pagkakataon na pakikipag-usap nila sa mga highest Priestesses bago pumunta ng misyon. At sa huling pagkakataon ngayon ay muli nilang kinanta ang nagsisilbi nilang anthem. Matapos nun ay napag-usapan na nilang simulan ang paglalakbay paputang portal. Ang una nilang destinasyon ay ang kaharian ng Zivleania, sa kahariang pinamumunoan ni Aelfric. Hindi sila pwedeng gumamit ng teleportation spell dahil mahigpit itong ipinagbawal ng mga Priestesses. Ang dahilan? Hindi ko alam.




Dito sa kanilang.....a...aming paglalakbay, ay pinaalalahanan kami ni Priestess Sylvia na hindi sila makikilala ng kanilang nasasakupan nilang isang pinuno kundi isang normal na mamamayan lamang at malala ay isang mga grupo ng takas na bilanggo. Kaya kailangan nila ng mas doble pang pag-iingat. Samantala sa kabilang grupo ay hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa kanila dahil hindi namin sila nakita kanina sa pagpupulong. Ang sabi nila ay nasa kabilang silid daw sila.




Sabay-sabay kaming umalis ng kabilang grupo pero may mga barrier na promoprotekta sa ibang grupo at sa amin para hindi makita ang isa't isa. Nang tinanong naman ni Zion kung naka-sama na daw ba ang hari ng Firen, ang sagot nila ay oo. Siya pa nga daw ang pinaka-una na dumating.






AELFRIC

Kanina pa kami naglalakbay dito at kanina ko pa din napapansin na may parang kakaiba dito. Hindi ko lang malaman kung ano.



"I think nanggaling na tayo dito!" biglang sabi ni Pearl. Nanggaling na kami dito? Pinagmasdan ko naman ang lugar at napansin ko ngang galing na kami dito. Shit!



"Hindi lang yun ang nakakapag-taka, para kasing kanina pa tayo pinagmamasadan ng kung sino. Hindi kaya pinaglalaruan tayo?" biglang sambit naman ni Zion sabay hawak ng mahigpit sa kanyang sword pati si Pearl ay inilabas na din ang kanyang whips. Pero ako ito, kalma lang. Malay ko naman kung part lang pala yan ng mga pag-subok na sinasabi ni Priestess Myari kanina.



"A-Aelfric! I'm scared! What if there's a monsters observing you?" humihikbing sambit ni Aubrey. What to do?



"Very well, your Majesties! So you've notice us!" bigla ay may nag-salita sa paligid. Alam kong malapit lang ito sa amin at nararamdaman kong hindi ito kasama sa mga pag-subok na binigay ng mga Priestesses dahil ito ay mas nahihigit pa doon.




"Mag-handa kayo!" kampanteng sambit ko. Hindi ko maitim na pati dito sa aming kaharian ay may naka-pasok na kaaway.




"Eh? Acting mighty, huh!" sambit na naman nito sabay pakita ng sarili. Iisa lang siya pero ramdam ko na madami sila. Isa siyang reapers. This is bad! Paano naka-pasok ang reapers sa kaharian ng elves?



"Still wondering kung paano kami naka-pasok?" Tama nga ako hindi lang siya iisa. Dahil pagka-bigkas niya ng kami ay isa-isang naglitawan ang mga kasamahan nitong reapers. Nasa sampu silang lahat na naka-palibot sa amin.




"So, you used some invisibility spell, huh!" biglang sambit ni Zion sabay tutok ng espada kung na saan ang tumatayong pinuno. At kasabay non ay ang pag-sugod ni Pearl ng walang pasabi. Una niyang sinugod ang pinakamalapit sa kanya. Pero ako, heto, kampante lang na nakatayo habang pinapanood sila. Sus, kaya na nila yan! Hindi sila matatawag na Hari at Reyna kung mahihina sila.




"Do you think makakapunta lang kami dito ng basta basta at sa ganoong kahina ang kondisyon!" naka ngisi nitong sabi kay Zion. Tsk! Do they also think na magiging Hari yan dahil sa siya lang ang taga pagmana ng kaharian! Isip paki gamit naman para may pakinabang!




"Let us see!" mapanghamon nitong sambit sabay atake sa reaper. Iwas lang ng iwas ang repear sa bawat atake sa kanya ni Zion gamit ang espada nitong tinatawag na earth sword. Isa itong sacred na espada na tanging mga napili lamang nito ang makakagamit ng tunay nitong kapangyarihan. Na wala namang iba kundi si Zion, ang hari ng Foresen.




Nagpalitan sila ng matatalim na tingin kasabay ng bawat hampas ng espada nila. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon sa espada ng lintek na reaper na yun. Pero alam ko, nararamdaman kong hindi ito basta bastang espada lamang. Mayron itong kakaibang aura na nararamdaman ko.




Pinapanuod ko lamang sila sa laban nila. Hindi na din ako nag abalang tulungan si Pearl sa pakikipag laban. Pero bigla ako nakaramdam na may iba oang nandito bukod sa aming tatlo at sa mga reapers.




"ARRGGHH!" malakas na daing ni Pearl kaya agad akong napatingin sa kanya. Natamaan siya sa braso na siya namang nag-iwan ng malalim na sugat.




Nabitawan niya ang kanyang whips, isa ding sacred na weapons. Isa itong uri ng whips na gawa sa purong pearls na siya namang pag-aari ng dyosa ng dagat. Nabitawan niya ito kaya naman ay agad akong lumapit sa kanya at inalalayan siya sa pakikipaglaban.




"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman ito ng bahagya. It means, she's fine! Pinulot niya na ang kanyang whips at pumorma na para ipahatid na handa na siyang makipagbakbakan.




I lunged my sword at the heart of reaper na pinaka malapit sa pwesto ko. Si Pearl naman ay pinagsusugod ang mga iba pang kalaban. Natalo na namin lahat ang mga reapers na sumugod sa amin maliban sa isa.... Ang tumatayong pinuno.




Agad naming dinaluhan si Zion sa pakikipaglaban para naman matapos na ito at makapag-patuloy na kami sa paglalakbay.




"We're not yet done, your Majesties!" nakakaloko nitong saad hanggang sa bigla na itong nag-laho.



"Damn! Better hide next time reapers!" nanggagalaiting sambit ni Zion.

~~~
TO BE CONTINUED

And better wait for the next update!!! -Zion

Right, or else.... -Pearl

Tsk! -Aelfric

Write down your opinions, questions and etc. by COMMENTING. And if do like this update better VOTE!!!

Bound To YouWhere stories live. Discover now