Chapter 1

24 3 0
                                    

Unang araw ng klase ngayon. Kaya maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nag-iisa ngayon ako sa bahay dahil wala ang mga magulang ko.

Pumunta sila sa isang pagpupulong tungkol sa pangangalaga sa kalikasan. Aabutin daw ng isang linggo, kaya solong solo ko ang bahay.

Nagtratrabaho ang mga magulang ko sa DENR isang departamento sa gobyerno na nangangasiwa sa pangangalaga sa kalikasan .

Proud na proud nga ako sa kanila.

Para silang mga Nature Rangers, protector of the environment. Dahil sa work nila, nakakapunta sila sa iba't ibang lugar.

Kaya naman nasanay na akong mag isa. Nasanay na akong iwanan.
.

.

.
.

.
.

sa bahay.

Nakakamiss rin sila minsan. Pero trabaho nila yun. At naiintindihan ko sila.

Oh my gosh

Yan tuloy sa sobrang kwento ko ay hindi ko na namalayan ang oras.

Dali dali akong naligo at nagbihis ng aking uniform. Maaga pa naman pero nilalakad ko pa kasi papuntang school.

May kalayuan ng kaunti, pero kaya namang lakarin. Makakatipid na sa pamasahe plus naka exercise pa ko.

Hitting two birds with one stone ika nga.

Mabuti nalang at naayos ko na ang mga gamit ko kagabi, kaya hindi nasayang ang oras ko sa paghahanap ng mga ito.

Nilibot ko ang aking mga mata sa lahat ng sulok ng bahay. Maayos naman ang lahat, kaya nilock ko na ang pinto at nagsimula ng maglakad papuntang paaralan.

Bago sa lahat ako pala si Ava Zanders.
17 years old. Fourth year Higschool. Nakakalungkot isipin pero isang taon nalang at mag kokolehiyo na kami. Sabi nila highschool daw ang pinakamasayang parte ng pagiging estudyante. Kaya lulubusin ko na to. Enjoy highschool to the fullest.

Malapit na ako sa paaralan. Private school ito. Scholarship ang dahilan kung bakit ako nakakaaral dito. Maganda ang pagkakagawa ng paaralan. Pero di electric fan lang kami sa kwarto. Hindi ito yung katulad ng ibang private schools na alam niyo na, may aircon bawat classroom. Pagpapawisan ka talaga paminsan minsan.

Hay salamat, nakaabot rin.
Ano bayan yung room namin nasa third floor pa. Ang dami ko panamang libro sa bag. Parang nagiging kuba na ako sa pagpasan nito.

Dagdag mo pa ang mga notebooks na required bawat subject. Ang dami dami nga pero minsan lang naman nasusulatan.

Hay konting tiis lang Ava. Malapit kana sa finish line.

Sa wakas na ka upo din



Isa-isang pumasok ang mga kaklase ko sa silid. Ganun parin naman yung mga mukha nila. Wala naman nagbag-o.

" Ava!!!!!!!!!!!"
Isang nakakabinging babae ang yumakap sa akin.

" Ano bayan Cindy, ang aga aga, nag iingay ka na."
Sambat ko sa kaibigan ko.

"Hindi mo ba ako na miss?"
Tanong nito na may halong lungkot.

Isip bata talaga ito.

"Namiss syempre, pero hindi parin ako sanay sa bunganga mo."
Sabi ko sa kanya

"Ano kaba! Ilang years na tayo, dapat nasanay kana sa mouth na to." Pagdadahilan niya sa akin.

"Hay kung hindi lang kita kaibigan. Masasabi ko na talagang nakalunok ka ng megaphone sa sobrang ingay mo." Pagkutya ko sa kanya

"Harsh mo naman, pero sabagay ang ingay ko talaga. Ahhahha"

Ayon tinawanan nalang namin ang isa't isa.

Siya pala si Cindy Carmel. Kaibigan ko mula noong 1st year highschool. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko siya naging kaibigan. We're both the opposite of each other. Maingay siya, tahimik naman ako. Sociable siya at ako naman yung pinakamahiyain sa amin. Diba, pero ganun talaga. Opposite attracts.

Hindi nagtagal ay nag bell na kaya nag si upuan na kami. Seatmate ko naman si cindy, mabuti nalang hindi ito late. May pagka cinderella to kung minsan. Kung saan malapit na mag bell, doon pa yun tatakbo.Pasalamat siya na isa siyang runner. Kaya niya takbuhin ang first floor papuntang third floor na walang kahirap hirap.

Maya maya ay dumating na rin ang aming adviser si Ms Dory, bata pa naman ito, 23 years old at kakagraduate palang. Nakakatuwa lang kasi kapangalan niya yung isda sa Finding Nemo. Maganda naman si Maam, chinita na, mestisa pa. Ayun maraming nagkakacrush sa kanya, pero dahil hindi pa uso kay maam ang pagboboyfriend, busted lahat sila. Nakakabilib nga, NBSB ito hanggang ngayon.Kung minsan parang naglalaro nga sila ng "Finding Dory" ng mga manliligaw niya. Hindi kasi ito mahanap. Ang galing ni maam magtago.

"Good Morning class" pambungad sa amin ni Ms Dory

"Gooood mooooorning Ms. Dooooory"

"Ano bayan parang mga kindergarten lang ang nasa harapan ko ah" sabi niya sa amin

Nagsitawanan kaming lahat. Ang mga lalaki kasi, parang mga gradeschool kung mag greet ng good morning. Mga pasaway padin

"It's the first day of school so before I start discussing our lesson, I want each one of you to go in front and introduce yourselves"

Siomai.
Ito na naman . Introductions. Hindi ko talaga gusto to eh. Mahiyain kasi ako. Ewan ko nga kung bakit hindi pa ako na iimpluwensiyahan sa kadaldalan ni Cindy.

Kaya mo yan Ava, kainin mo muna yung hiya mo.

Buhay EstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon