Habang tumatagal parami ng parami na ang mga tao dito sa canteen.
Para sa akin parang isang jungle ang canteen. Survival of the fittest.
Kung di ka mabilis, mahuhuli ka talaga sa pila. Mabuti kung madami kang kaibigan at pasasabay kalang sa pagbili.
Hindi to katulad sa mga drama, na kung gwapo/maganda o popular ka ay magbibigay daan lahat sila sa iyo. Ito talaga yung realidad.
"Ate sandwich po dalawa!"
"Ate Oreo po . Kulay blue."
"Peanut butter po. Hindi cheese".
"Kuya pansinin mo naman ako. Zest-o lang sa akin"
"Yan po ate. Tatlo servings"Nakakatawa talaga yung mga ganitong eksena. Parang mga artista yung mga taga-canteen
"Ate !! Ahhh idol kita!"
"Kyaaaa. Ang gwapo mo. Pa autograph naman po ."
"Kuya. Notice me naman."
"Ate papicture!."Diba iba talaga nagagawa ng imagination.
" Mabuti nalang early nag dismiss si Ms. Dory. If not ganun yung situation natin ngayon."
Biglang sabi ni Cindy.And I totally agree with her. Basta talaga pagkain, pagsisiksikan mo ang sarili mo para sa isang sandwich at zest-o
"Ava look. Ang gwapo niya!!!" Sabay turo sa isang lalaki sa malayo
"Ang gwapo din ng mga kasama niya.
First year ata ang mga yan. Nag transfer sa school natin. Pero ang gwapo nung matangkad talaga. Parang bagay kayo."Hala. Nadamay pa ako.
"Ano ba. Wala namang ganyanan." Binibiro naman ako nung babaeng to.
"Gwapo naman ah. Dibaaaa" Hindi ko siya sinagot.
Patuloy lang ako sa pagkain.
"Hay nako! Kailangan kapa ba mag boboyfriend. Fourth year na tayo NBSB ka parin. "
Tinatanong ko din yung sarili ko kung bakit hindi pa ako nag bbf. Siguro sobrang loyal ko pa sa studies ko. Pinaprioritize ko muna ang pag-aaral, tsaka na yung lovelife. Naniniwala talaga ako na may tamang panahon para sa pag-ibig at ang mga bagay na katulad niyan ay dapat sinerseryoso at hindi puro experimento.
"Alam mo namang idol ko si Ms. Dory, tingnan mo siya 23 years old na, NBSB parin hanggang ngayon. "
Nakakapagtaka nga eh. Ang ganda talaga ni Ms. Dory, pero wala paring nakapagpakilig sa kanya.
"Of my goodness. Nag cocompete ba kayo ni Ms. Dory sa Guiness World of Records sa pinakamatagal na NBSB na babae sa mundo.!!!!!"
Loka loka talaga to.
"Gutom lang yan. Ubusan mo na nga yang sandwich mo. Nakakadalawa na ako, nasa kalahati kapa din."
Di na siya nagsalita at kumain nalang.
Kung titingnan mo ang canteen. Mas payapa na ngayon hindi tulad kanina.
Karamihan dito mga mukhang nakasanayan ko ng makita. Meron din yung mga baguhan. Pero nakakalungkot na ang mga ate at kuya ko dito sa school, ay di ko makakasama mag-aaral pa dito.
"Hala Ava! Malapit ng magbell. Punta na tayo sa room. May new teacher daw tayo. Rinig ko strikto daw yun sa mga late."
Kaya dali dali kaming tumakbo papuntang room. Mabuti nalang pagpasok namin ay nag bell.
Muntikan na kami dun ah.Maya maya may pumasok na babae sa silid. Ito na yata yung new teacher namin. Sa totoo lang parang magka edad sila ni Ms. Dory. Maikli ang buhok at nakalipstick ng red.
Parang siyang kontrabida sa mga drama.
"Good morning. My name is Ms. Mara Cruz. I'll be your new Math teacher. "
Oh no. Apple mango
Math teacher siya namin.Parang sumpa na talaga dito sa school na to na mga terror talaga ang mga math teacher.
Mukha palang ni maam parang walang joke na tatalab sa kanya.
"As your new teacher. Let me first state my rules.
Number 1, do your assignments. Better pass it on time or there will be deductions on your grades.
Number 2, we will be having alot of quizzes, so be expectant in every meeting that i'll give you one
Number 3, no cheating. Better not try doing so, cause if you did, better prepare yourseleves to be sent to the principal's office.
Number 4, tardiness is a no-no, if you don't get here on time, don't even bother in entering this room cause i don't welcome late comers
And lastlyNumber 5, pass my subject or not graduate at all.
Remember these rules.
Hindi naman mahirap intindihan diba"Pineapple pie.
Napa ka terror naman ni Ms. Mara.
Grabe talaga ang sumpa ng mga Math teachers dito sa paaralan na to.
BINABASA MO ANG
Buhay Estudyante
Teen FictionAko yung tipong mahiyain, at paminsan minsan lang nagiging madaldal So expect me to be the silent type in higshchool. Hindi ko rin inaasahan, pero ito pala ang tatambad sa akin pag tapak ko ng fourth year. Assignments, quizzes, exams. Terror teach...