Chapter 5

12 3 1
                                    

Nasa kasaysayan na talaga sa school na to na mga terror ang mga math teachers.

Si Ms. Cecille ,First year math teacher namin. Karamihan sa mga kaklase ko ang binagsak niya. Mahirap kasi siya mag exam. Ang dali dali lang kasi ng mga tinuro ya tuwing discussion, pero pag exam na, ibang iba na yung level of difficulty. Mabuti nalang nabawi sa special projects.

Sir Antonio, math teacher namin noong second year. Ito yung ayaw na ayaw pag may ingay. Hindi naman ako masyadong naapektuhan kasi tahimik naman talaga ako, pero kawawa yung mga madaldal tulad ni Cindy. Pinapalabas agad ni sir at minus pa sa grades. One time may umutot ng malakas. Ayun sa principal office ang bagsak. Tatawa kana talaga pero bawal. Salamat din at naka survive kaming lahat.

Ms. Lea, 3rd year math teacher. Ito yata yung pinakamalala sa tatlo. Siya yung maraming surprises. Surprise assignments, surprise quizzes at surprise projects. Ang hirap kasi sa kanya, ipapa project niya sayo pero ipapasa na kinabukasan. Dapat nag-aaral ka ng mabuti sa subject niya dahil ang surprise quiz niya ay talagang nakaka surprise kasi ang test namin ay lesson niya para sa araw na yun. Kaya dapat talaga puro ka advance study or babagsak ka talaga.

At para sa Fourth year math teacher, si Ms. Mara. Sana makayanan namin ngayong taon. Last year na namin dito sa school nato sana gagraduate kami ng sabay sabay.

Kung titingnan, pangkontrabida talaga ayos ni Ms. Mara.  Naka red lipstick tsaka may pa heels pa. Tapos di pa ngumingiti.




"Pssst. Ava"
Pasimpleng tawag sa akin ni Cindy

"Nakakatakot naman si Ms. Mara. "

"Mukha nga." Sabi ko sa kanya.

" Hindi talaga mawawala sumpa ng mga math teachers sa school. Puro terror eh."

Tiningnan ko si Ms. Mara. Busy itong nagsusulat ng lesson niya sa black board.

Kung si Ms. Dory hindi naglesson kanina.

Para namang pang dalawang subject itong sinulat ni Ms. Mara, parang mapupuno na yata niya ang blackboard.



"Please copy everything that is written on the board. You should be familiarized with these terms and formulas. Next meeting will be having an oral recitation,

a GRADED oral recitation."

Ano daw graded oral recitation?.

Hala Hawaiian pizza.
Nakakakaba naman to.

Tiningnan ko yung mga kaklase ko at pare pareho kami ng reaksyon.

"This will be all for today. Class dismissed"


Paglabas ni Ms. Mara, kanya kanya ng reaksyon ang maririnig mo.

"Hala may recitation daw next meeting."

"Oo nga. Nakakakaba naman."

"Dapat mag-aral na tayo"

"Sus next meeting pa yan"

"Ano kaba bukas na yung next meeting"

"Totoo ba yan? Di ko talaga nakita yung class schedule natin."

"Yan kasi puro ka Wattpad."


"Ava, what to do. Di naman ako familiar sa words na to. Sine, cosine at tsaka ano bayang pythagorean chuchu. "

Ako din kaya.
Ang hina ko pa naman sa mathematics.

"Huwag kang mag-alala. Sure ako nasa libro lang yan. Dapat mamemorize na natin yung mga terms na yan para ready tayo bukas"

Usually nasa book lahat ng lessons na mga dinidiscuss ng mga teachers. Kung magapapa search sa internet, for other references lang.

"Friend, limited lang space ng utak ko. Ok sana kung after 2 days makaka memorize ako agad. Pero bukas agad eh. Mas instant pa to sa pancit canton. Alam mo namang weakness ko ang pagmemorize ng mga ganyan."

Hindi ko naman masisi si Cindy. May point naman siya. Mas instant talaga sa pancit canton. Wala naman tayong magagawa,
mag-aaral lang naman tayo.

"Kaya mo yan. Mag aral nalang tayo . Yan yung makakatulong sa atin para bukas."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay EstudyanteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon