"Maam naman, kaylangan ba yan?"
" Oo nga, kilala mo naman kaming lahat"
"Ang tanda na namin para diyan."Angal ng mga kaklase ko.
Go lang mga classmates. Push niyo pa yan. Parang makakatakas ako ngayon ah.
"Im sorry class, but your introductions will serve as your attendance."
Parang wala na akong takas.
Fudgee bar naman. Kahit minsan lang po. Mahiyain po talaga ako."So let's do this in alphabetical order."
Yes mabuti nalang ako yung pinakahuli sa amin. Oh my gosh thank you Lord. Ang lakas lakas ko talaga sa inyo.
"But let's start from the last up to the first person"
Peanut butter jelly sandwich.
Ang bilis naman Lord, wala pang isang minuto, binawi mo na agad.
"Ms. Zanders" Ayun na, tinawag na ako ni Maam Dory
"friend ang lucky mo naman, ikaw yung pinakafirst mag introduce." Nakangiting sabi sa akin ni Cindy.
It's totally not luck.
Wala naman akong magagawa, kaya tumayo ako at naglakad, papunta sa gitna.
At nagsimula na akong mag introduce ng aking sarili." Good morning every one, I am Ava Zanders. " binilisan ko nalang ang pagsasalita ko , pero hindi ko nakalimutan ngumiti pagkatapos kong mag introduce,
"Thanks Ms. Zanders. Next Mr.... "
Bumalik ako agad papunta sa upuan ko. Hay salamat. Kahit papaano natapos narin ako. That went well,
It think this year will be good to me.
I hope
Pagkatapos ko, ay sunod sunod na nag introduce ang aking mga kaklase.
Hindi mawawala ang kalokohan sa isang klasi. At hindi magpapahuli ang iba jan. Bilib talaga ako sa kanila. Karamihan kasi sa kanila ay magaling magpatawa. Kapag sinimulan kasi nang isa mag loko. Ayun nag pasahan na ng korona ng lokohan.Meron yung pakilig
" Hi ako pala si James Salvacion,
Paalala ko lang, Huwag mo akong titigan,
baka mahalin mo ako ng sobra pa sa kaibigan.""Ako pala si John Perez
Alam kong magpaibig
Gamit ang aking mga titig""Hi my name is Jeth Rivera
And Im good at thinking...
Thingking of you."Meron naman yung may pinaghuhugotan
"Good morning, Im Mariel Reyes
Magaling po ako sa taguan,taguan ng feelings."
"Ako pala si Mikaela Ramos
Ako tung tipong handang magpakatanga sa taong may mahal ng iba. "At yung may extraordinary na talent at special skill
"Ako pala si Miguel Quezon,
Special skill ko ang pumasa sa klase, at magpaasa ng mga babae."."Pogi mo bro"
"Lab you bro!"May topak talaga mga tao dito. Infairness, ang saya namin dahil sa simpleng introductions lang.
Natapos na lahat mag introduce ng kanilang mga sarili. Sana Lord, ito na yung last.
"Class, I know it is very exciting for all of you because it's your first day in school. That's why hindi muna ako magkaklasi."
"Yesssss"
"Dabest ka talaga maam""Pero. I'll leave you an assignment to be passed tommorow. At sana aralin niyo dahil may quiz tayo bukas."
First day, first assignment. Expected na marami pa silang magpaparamdam sa future.
"So walang ng tanong about sa assignment niyo?"
Tahimik lang ang lahat
"If then class dismissed."
BINABASA MO ANG
Buhay Estudyante
Teen FictionAko yung tipong mahiyain, at paminsan minsan lang nagiging madaldal So expect me to be the silent type in higshchool. Hindi ko rin inaasahan, pero ito pala ang tatambad sa akin pag tapak ko ng fourth year. Assignments, quizzes, exams. Terror teach...