Early pa nag dismiss si Ms. Dory. Kaya ang dami namin sa canteen. Tambay muna kami dito, hintay hintay muna para sa next subject.
"Hoy friend kamusta na!"
Biglang tanong sa akin ni Cindy."Ok naman" maikling sagot ko sa kanya
"Housemaid naman ba situation mo ngayon. Umalis kasi si mama for some DENR stuff and I know kasama diyan parents mo."
Magkakatrabaho ang mga magulang namin ni Cindy. Siguro ito din yung dahilan kung bakit naging close kami."
"Talaga. How could you survive, alam mo nung umalis si mama, nagtiis kaming magkakapatid sa luto ni dad. Imagine 7 days, at 7 days na puro itlog at hotdog . Pasalamat kami kung di sunog yung kinakain namin. Imagine what we have been through."
"Loka! Sabi ko sayo magpaturo ka na kay tita paano magluto. Para at least, alam mong makaka survive kayo kung aalis ulit siya."
"Alam mo naman, hindi ko kaya yun. Mortal Enemy ko yung pagluluto. At remember, kung si dad nga hindi marunong magluto, ano pa kaya ako na anak lang."
Ayan, like father like daughter talaga tong si Cindy. Naalala ko dati pumunta to sa bahay para daw magluto ng ulam namin. Wala talaga, kahit powers ko sa pagtuturo hindi tumalab sa kanya.
. . .
"Friend!!!!! Ako na mag prito ng hotdog. Turuan mo ko ha. Para naman hindi nakami magtiis sa luto ni dad."
Sus yun lang pala eh
"Madali lang yan. Una handa mo yung frying pan. Tapos i on mo yung stove. Tapos mantika, yung tama tama lang pangprito, wag sobra. Sayang lang yun. Tapos hintayin mong uminit yung mantika. Tsaka lagay mo yung hotdog. Bantayan mo kasi madali yang maluto. Tsaka wag mong kalimutang hugasan yvung hotdog ah"
Agad naman ginawa ni Cindy ang mga sinabi ko sa kanya.
"It so easy naman pala. Bakit kaya palagi nasusunog ni dad to."
Mukhang alam naman ni Cindy yung ginagawa niya. Iwanan ko muna ang babae to ang magsampay ng mga linabhan sa labas.
"Ahhhhh"
Si Cindy yun ah. Dali dali akong pinuntahan ang kinaroroonan niya.
"Cindy anong nangyare"
Hindi pa nga ako nakakasampay kahit isang damit. Nung narinig ko yung hiyaw ng babaeng to.
"Friend!!!!! Hate talaga ako ng mantika. Kanina pa talsik ng talsik nito sa akin. Ginawa ko naman lahat ng sinabi mo sa akin. But whyyy."
Pinatay ko muna yung stove. Sa isang tingin lang alam mong, hindi na pwedeng makain to.
"Hay nako. Bakit may plastic pa yung hotdog. Di mo ba tinanggal bago mo lutuin."
Strawberry jam
Sino ba kumamakain ng hotdog namay plastic."Friend di muna naman sinabi. Diba sabi mo, ihanda ko tong frying pan, tapos sunod yung mantika, then wait ko muna uminit then lagay ko na yung hotdog. Sabi mo din hugasan ko pa. Oh saan yung kukunin yung plastic dun."
Ok kalma ka lang Ava. Kaibigan mo pa rin yan.
"Cindy sabihin mo nga sa akin. Kumakain kaba ng plastic?"
"Off course not."
"Simple diba. Kaya nga dapat balatan mo muna yung hotdog bago mo pritohin. Hay nako. Yung ulam natin."
Manang mana talaga to sa tatay niya
"Friend sorry na. Di talaga sa akin nakatadhana ang pagluluto. Ako nalang mag sampay ng mga linabhan mo."
Mabuti pang ganun yung gawin niya.
"O sige. Ako na magluto dito. "
. . .
"Oo nga naalala ko pa yung linuto mong hotdog sa bahay."
Paalala ko sa kanya
"Huwag ka friend. Gadun di pala si dad nung unang luto niya ng hotdog. Kaya sisihin mo yung genes namin."
Ok na sana kung pagluluto lang ang kahinaan ni Cindy, pero hanggang pagsasampay, hindi mo talaga maasahan ang babaeng to.
Talagang sinampay lang yung damit. Walang clip o hanger kaya ayun humangin ng malakas. Lahat nahulog sa lupa. Laba ulit ako T..T"Ok na po. Si Tito na yung may kasalan."
BINABASA MO ANG
Buhay Estudyante
Teen FictionAko yung tipong mahiyain, at paminsan minsan lang nagiging madaldal So expect me to be the silent type in higshchool. Hindi ko rin inaasahan, pero ito pala ang tatambad sa akin pag tapak ko ng fourth year. Assignments, quizzes, exams. Terror teach...