Chapter 1

145 5 0
                                    

First day

Cassandra Louisse

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm na sinet ko ng 5:30. Agad akong bumangon at naligo.

Pagkatapos maligo pumunta ako sa walk in closet ko na connected sa bathroom.

"Ate! Oy! Tapos ka na?!" Sabay katok ng malakas

"Wala pa! Sandali lang!"

Nagmamadali akong nagbihis pero hindi parin umaalis yung kumakatok.

"Shit. Oo nandyan na!" Pagkabukas ko sa pinto bumugad ang nakasimangot kong kapatid.

"Alam mo ba kung anong oras ang klase natin ate?" Ani niya.

"7:30." Maiksing sagot ko.

"7:30. Oh eh anong oras na ngayon?" Sabi niya nakasimangot parin.

Nanlaki ang mga mata nang napagtanto ko kung anong oras na sa wrist watch ko. 25 minutes nalang at malelate na ako sa school.

Nagmadali kong sinuot ang flat heels ko.

Umalis na ang kapatid ko sa harap ng pinto ko kaya sumigaw ako ng hintayin niya ako para sabay na kami pumuntang school.

Naka floral knee-length dress lang ako ngayon na spagetti strap at nag cardigan pinony-tail ang buhok at konting make up keri na.

Pagkababa ko walang tao sa salas kaya pumunta ako sa dining room at nakita ko sina mom at dad dun but no shadow of Louie. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa cheeks.

"Ma I will go ahead na malelate na kasi ako. Nasaan po ba si Louie?"

"Nauna na sa school ang tagal mo kasi anong oras ka ba natulog kagabi at tinanghali ka ng gising ha?" Haaay here we go again.

"Ah okay, una na ako ma, da baka malate pa ako. Bye!"

Lumabas na ako sa mansion at pinuntahan ang Audi R8 V10 ko sa garage at tumungo na sa school.

PAG-PARK ko palang sa sasakyan ko sa parking lot ng school namin ay agad akong pinagkaguluhan.

Ganyan talaga pag sikat. /flips hair/

Pagkababa ko sa sasakyan ay nagtutulakan silang lahat. "Aaaaaah!! Si Cassandra ang ganda talaga niya lalo na sa malapitan!" Ganyan naman lagi ang pambungad nila sakin sa umaga. Tss 'di na napagod.

Paalis na sana ako dun nang may humarang saking grupo ng mga babaeng fangirls ko raw kuno. "Ahm... Excuse me pwede bang tumabi kayo dadaan kasi ako."

"Kyaaaaah! Kinausap niya ako! Oh my gosh! Narinig niyo yun diba?!!" Nanlaki ang mata ko sa pag sigaw niya kaya hindi ko namalayan ang mga ibang taong nagmamadali patungo sa school kaya nasangga nila ako at napaupo sa sahig.

Fok ansakit ng pwet ko buti nag cycling shorts ako.

"Hoy! Tumabi nga kayo diyan!" May sumigaw na lalaki kaya tumahimik at tumabi silang lahat.

Nakita ko naman sina Wayne, Louie at ang mga gangmates nila papalapit sakin kaya dali dali akong tumayo pero malapit akong ma out balance dahil malakas ang pagkabagsak ko kanina at masakit sakit pa ang pwet ko buti nalang at nahawakan agad ako ni Wayne sa bewang para pangsupport sakin.

Nagpasalamat ako sa kanya at tumango lang siya nilapitan agad ako ng nag-alala kong kapatid.

"Ate okay ka lang ba?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Are you sure? Kasi mukhang malakas ang pagkabagsak mo kanina Louisse. Ikaw kasi Louie diba sabi ko sa'yo na isabay mo lagi si Louisse papuntang school para maiwasan ang ganitong aksidente?! Alam mo namang hindi ito ang unang beses na may nangyari sa ate mo diba?" Galit na sabi ni Wayne kaya napatango nalang si Louie.

I'm In Love to a Gangster Prince [ONHOLD]Where stories live. Discover now