Chapter 4

65 7 0
                                    

Mark

Third Person's POV

PINAGMAMASDAN lang ni Daeryn si Louisse sa table nila mula sa malayo. Kanina pa siya dito at wala pa siyang balak lumabas sa pinagtataguan niya.

"Bantayan mo nang maigi si Louisse habang wala ako."

Natawa nalang si Daeryn dahil sa sinabi ng kaibigan sa kanya. He's a scardey cat.

Umalis si Wayne kanina at nowhere to be found naman si Louie. Nasa gitna siya sa pagmamasid kay Louisse nang makita niya ang lalaking hindi na dapat magpapakita pa.

Shit!

Tumakbo siya nang mabilis patungo sa puwesto nung lalaki at nung tumayo ang dalaga at lumapit sa lalaki mas binilisan pa niya ang pagtakbo at bago pa mahawakan ng lalaki si Louisse ay hinila niya ito sa pulsohan at tinago sa kanyang likuran.

Daeryn Angelo

"WHAT are you doing here Mark?" Tanong ko sa kanyang habang nakahawak parin ako sa pulsohan ni Louisse.

Nginisian niya lang ako na parang nang iinis.

"Bakit, bawal na ba ako dito Daeryn?"

"Oo. Dahil sa nangyari bawal ka ng magpakita at umapak sa teritoryo namin." Sabi ko.

"Daeryn ano'ng ibig mong sabihin? Kilala mo ba ang lalaking 'yan? Sino ba siya?" -Louisse

"Oh, where are my manners. Let me introduce myself, I'm Mark Ryker Montenegro and you are?"

"'Wag mo nang sagutin. Halika na." Sabi ko at hinila si Louisse palayo sa harap niya.

"'Wag ka namang bastos Angelo nag-uusap pa kami eh. Gusto ko lang namang malaman ang pangalan ng magandang binibini na hawak mo." Mahinang sabi ni Mark pero enough lang para marinig ko.

"Siya ba si Nami?" Muling tanong niya at hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon, halong takot at galit.

"Sinong Nami Daeryn?" Bulong ni Louisse sakin.

"Oo siya si Nami kaya 'wag na 'wag kang lalapit sa kanya kundi ako ang makakalaban mo." Sabi ko.

TINAWAGAN ko si Wayne pero cannot be reach ang loko tinawagan ko rin si Louie pero cannot be reach din.

Mga gago! Saan ba nag punta ang dalawang to? Tinext ko nalang si Wayne tungkol sa nangyari kanina at ganun din kay Louie.

"Hoy Daeryn! Your spacing out kanina pa kita tinatanong, sino ba yong lalaking 'yon?" -Louisse.

"Someone who is not important. Tara pasok na tayo sa room."

Achilles Wayne

HINGAL na hingal ako matapos kong mapatumba ang huling kalaban. Hindi sila patas lumaban, kamay at paa lang ang gamit ko samantala sila may dalang mga dos por dos at mga kutsilyo.

Tss. Pero 'di parin nila ako kayang patumbahin ng ganun ganun nalang. Kailangan kong mabuhay para sa kanya.

Pinulot ko ang phone ko na kanina pa tunog ng tunog mula sa sahig. Nahulog kasi 'to habang nakikipaglaban ako kanina.

11 missed calls at 53 unread messages mula kay Mommy, Khie at Daeryn ang iba ay unregistered number dinelete ko yun lahat sa call logs at pumunta sa messages inuna kong binasa ang kay Mommy sunod kay Khie pero mas nakuha ang atensyon ko sa mensahe ni Daeryn.

I'm In Love to a Gangster Prince [ONHOLD]Where stories live. Discover now