Chapter 2

75 5 0
                                    

She's back

Achilles Wayne

ANG tagal ni Louisse tss.

Tumayo ako para sundan siya sa restroom.

"Saan ka pupunta Wayne?" Tanong ng kasama ko.

"Susundan ko lang si Louisse. Masama ang kutob ko baka may nangyari na dun."

Umalis na ako at narinig ko naman ang 'di na panipabago sa pandinig ko na mga tukso nila pero ang mukha ni Louie parang sinakluban ng langit at lupa.

Papalapit na ako sa ladies' restroom nang may naririnig akong mga nagsisigawan. "Anong ginagawa mo dito ha?!"

Teka—boses 'to ni Louisse ah. "Nag high school ka lang tumapang ka na Cassandra ah?! Sinusubukan mo ba talaga ako?!" May narinig akong mga pangkaraniwang ingay 'pag may nag-aaway.

"Ano lalaban ka pa?!" 'Tas narinig ko ang isang malutong na sampal at pagkatumba.

Hindi ko na kinaya at lumabas ako sa pinagtataguan ko at nakita ko si Louisse na pilit ibinubuka ang mga mata, tumingin siya sakin at may sinabi pero hindi ko yun nakuha bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng nasa harapan ko ng sabay sabay silang lumingon sa gawi ko.

"BABE!" Sigaw nung isang babae at dali daling lumapit sakin at niyakap. "Babe, kamusta ka na? I missed you so much! Did you miss me?" Sunod sunod na tanong nung babae pero sinamaan ko lang siya ng tingin at tinignan mula ulo hanggang paa at pinuntahan ang walang malay na si Louisse.

Narinig ko naman ang pagsinghap niya at ang mga kasama niyang babae. "Babe! Ano ba ang ginagawa mo?! Tinatanong kita kung namiss mo ba ako bakit nilapitan mo yang pesteng 'yan imbes na sagutin mo 'ko?! Mas importante ba siya kesa sakin?!" Humarap ako sa kanya at marahas na hinawakan ang braso niya.

"B-babe mas-sakit." Maluha luha niyang sabi.

"Call her that again and I'll make your life miserable. Hinay-hinay din sa pagsasalita mo, baka hindi mo alam pumapatol din ako sa mga babae." Binitawan ko siya at agad binuhat si Louisse ng bridal style.

"Make sure na hindi na ulit magtatagpo ang landas natin baka sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko at mapatay ko kayo." Sabi ko na naka talikod sa kanila at nagmamadali ngunit maingat na nagtungo sa school clinic.

MALAKAS kong sinipa ang pinto ng clinic at inihiga si Louisse sa bed mabilis namang kumilos ang nurse at inasikaso agad siya.

"Sir ano po ang nangyari sa kanya?"

"Can't you just do you fvcking job? Heal her wounds." Madiin kong sabi.

"Y-yes sir." Tss.

Agad kong kinontak si Louie at ibinalita ang nangyari sa kapatid niya at sinabi kung nasaan kami ngayon. Maya maya lang dumating kaagad si Louie na hingal na hingal. Agad niyang nilapitan si Louisse na unconscious parin.

"Paano nangyari 'to?" Naggigigil na tanong niya.

"Hindi ko alam ang buong istorya basta pinagtulungan siya ng isang grupo ng mga babae sa labas ng ladies' restroom."

"Tangina." He hissed.

Napalingon ako sa mga bagong dating na sina Daeryn at iba pa naming ka grupo na hingal na hingal din ang iba pa nakahawak sa kanang tagiliran nila.

I'm In Love to a Gangster Prince [ONHOLD]Where stories live. Discover now