CHAPTER TEN
It was past midnight nung maisipan kong bumaba para uminom ng tubig. I couldn't sleep kasi samo't saring mga bagay ang pumapasok sa utak ko. Yeah, I was thinking of Den mostly, pero andyan din yung sumisingit sa utak ko si Jovee and even si Ella.
I wasn't surprised to see her standing on the doorway. Actually, pagdating ko pa lang kanina after naming maghiwalay ni Kim, alam kong gustong gusto na nya akong kausapin.
"I know what you're going to say Ella", I said flatly."Pero pwede bang ipagpabukas na lang natin? Madaling araw na eh."
"No, mag-uusap tayo ngayon," she said authoritatively. She followed me on the kitchen.
Ella paced the lenght of the kitchen before turning to face me. "Aly, alam mo ba pinaggagagawa mo? Nag-iisip ka ba?"
I looked at her but I remained silent. I know there was nothing I could say that would make this conversation easier. Alam kong galit na galit sya sa akin ngayon.
Ella clenched her teeth. "Akala ko ba sabi mo sa akin kanina, wala kang nararamdaman sa kanya? Tapos ano yung kanina Aly? Yung selos mo kay Myco?"
"So tama nga pala talaga ang hinala ko?" Pagpapatuloy nya. "Tama yung hinala ko na-"
"Yes Ella. I love Den. I love her."
She slapped me hard across the face.
"God, Aly! Alam mo ba ang pinagsasabi mo?" She started violently shaking my shoulder. ”She's your bestfriend, naiintindihan mo ba ako? Pareho kayong babae. At may boyfriend ka Aly. Stop this nonsense feeling of yours or else sasabihin ko to kay Den," pagbabanta nya.
I was too stunned to speak dala na rin siguro ng naging sampal ni Ella sa akin. Sobrang masakit but I knew I deserved every bit of it. Hindi ko sya magawang tingnan dahil alam kong bawat salitang binibitawan nya ay tama, nanatili lang akong nakayuko.
"Aly, makinig ka sa akin naman oh," she begged. "It's not yet too late para itama mo etong ginagawa mong kalokohan. Itigil mo na. Ikaw lang ang masasaktan. Ayokong magkasakitan kayong dalawa."
Ella's anger, exploded to the surface as I still remained quiet. "Akala mo ba matutuwa sya kapag nalaman nya to? Akala mo ba mamahalin ka rin nya katulad ng iniisip mo?" She cried.
"Hindi Aly.HINDI. Hindi si Den ang taong makikipagrelasyon sa kapareho nyang babae. Kahit ikaw pa yun Aly, at alam kong alam mo yan. Kaya gumising kana sa katotohanan."
Somehow this made my pride hurt. Dahan dahan kong inalis ang mga kamay nyang nanatili pa ring nakahawak sa aking mga balikat. Alam kong kinagulat nya yun.
"You dont know anything, Ella." I said quietly slowly looking at her. Her eyes mirroring my own pain.
"Mali ba ang mahalin sya, huh, Ella?"
"Huwag kang magpakaselfish. You still have time to make this right."
"She loves me Ella."
"Wa- what?"
"She loves me. Ikaw na rin maysabi na ako favorite athlete nya. That's her clue."
Bakas sa mukha ni Ella ang pagkagulat sa mga sinabi ko. "Pero, Aly-"
"Stop." I demanded. "If this is being selfish, so be it."