Di ko nalang sya tatawagan para naman masurprise ko sya sa 3rd anniversary namin. Okay na siguro itong balloons with sweet and sassy cupcakes ko, inorder ko pa naman to kay Mel. Hindi na lang siguro ako kakatok total lagi naman akong pumapasok dito, may susi pa nga ako sa condo ni Michael
"Hello babe, good morning. Happy-"
Bigla ko nalang nabitawan ang cupcakes at balloons na bitbit ko ng madatnan ko ang mga pangyayari na iyon sa loob ng condo at araw pa mismo ng anibersaryo namin. Bigla akong nawalan ng lakas at parang nagdilim ang aking paligid na dumating sa point na gusto ko ng pumatay ng tao."Ana, nandito ka? What are you doing here? " gulat na tanong ni Michael sa akin. Nagulat pa ito ng makita ako . Ang babae naman na kanyang kalampungan ay kaagad na nakabalot ng kumot sa katawan na parang gulat na gulat rin. Binaling ko ang aking paningin kay Michael na ngayon ay nakaboxers short na pero bakat parin ang naghuhumindig nitong armas.
BINABASA MO ANG
It Takes Two
Romance"Be mine, whether you like it or you like it." Ito ang kahuli-hulihang sinabi ng binata bago niya nilisan ang lugar na iyon. Susukatin niya kung hanggang saan ang tapang at pagmamatigas ni Ana na tanggapin ang kanyang alok na maging girlfriend nito...