Chapter 1

3 0 0
                                    

I'm in the corner watching you kiss her oh oh
I'm right over here why can't you see me oh oh
And I'm giving it my all but Im not the girl you're taking home ohhhh
I keep dancing on my own..  Hmmm

"Wow!  Ganda ng boses natin ah, pang  Asia's Got Talent. "

Sa sobrang gulat ko ay natutok ko sa kanya ang hawak kong hose at nabasa sya na kaagad namang nakapagprotesta.

"Ano ba!?  Ginulat mo naman ako. " galit kong singhal sa kanya.  Napansin kong nakapangbasketball shorts lang pala sya at topless sa taas.  TssAkala mo naman maganda ang pangangatawan. Hmp.

"Ano ka rin ba,  mas lalo mo naman akong binabasa ah. " patuloy nya at ngumisi ng nakakaloko. "Ayan tuloy mas lalo akong naging hot tingnan. " then he bit his lower lip.

"Wow!  Ang kapal,  ang yabang. Mahiya ka naman kahit minsan. " asik ko sa kanya.

"Bakit naman ako mahihiya ? " tanong nya sakin while smirking.
AckPara talaga akong masusuka sa pagmumukha nya.

"Baliw.  Umalis ka na nga dyan kung ayaw mong mabasa! " singhal ko sa kanya. Nakakabadmood ng umaga.

"Hey!  Easy ka lang,  hindi naman talaga ikaw ang sadya ko dito ,  napadaan lang ako ,  nakalimutan mo sigurong magkapit-bahay lang tayo. " sabi nya at ngumuso. Napalingon narin ako sa bahay nyang katabi ko lang pala. Oo nga pala. I just rolled my eyes at tinalikuran ko na sya.  Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagdidilig ng mga halaman.
Tumikhim-tikhim pa sya pero di kona pinansin, alam kona ang kahambugan nito. Sumisipol-sipol pa ito.  BastosPaglingon ko'y nakapasok na pala sya sa kanyang gate. Napabuntong-hininga na lamang ako. 

ArayNapatingin ako sa aking paa na ngayon ay andami na palang langgam. ShitAng sakitPinagpag ko ang mga iyon.  Noon ko lamang din narealize na nakashorts lang pala ako ng White cotton at sleeveless na black. Bigla akong napatakip sa aking dibdib ng marealize ang mga bagay.  Kaya pala kung ganun na lamang makatingin ang gago. Pagtingala ko sa bahay nya ay nandun na sya sa kanyang terrace at nakatingin pa sa akin. Sinamaan ko lamang sya ng tingin pagkuwa'y pumasok na sa loob.      Nambubwesit talaga ng umaga
Total naman Sabado at wala akong trabaho ngayon ay gusto ko lamang magpahinga ng bahay sa buong araw.  Nakakastress narin lalo pa't lagi na lamang absent si Haide ,  napilitan pa akong pumasok araw-araw imbes na may day. off ako sa martes at huwebes.  Wala ng magmamanage sa ibang branch ko,  wala rin akong ibang mapagkakatiwalaan.  Hayy.
Magluto na lamang ako ng sweet and spicy cantoon sa aking breakfast. Pagbukas ko sa aking ref ay bigla na lamang akong nanlupaypay.  Wala na kasing laman at gutom na gutom na ako.  HayyMasyado na talaga akong poor. Kumuha na lamang ako ng pera sa pitaka at sa kabilang kanto na lamang ako bibili,  5 mins. lang naman ang lalakarin.
Ay butikiMuntik pa akong mabuwal ng halos banggain na ako ng isang pick-up na sasakyan. Grabe naman kung makapagbacking halos ipasok na sa garahe ko.
"Hoy ulol,  nananadya kaba ? " singhal ko sa kanya.  Bumaba naman ang bintana ng kanyang sasakyan at dumangaw sa akin sabay baba ng kanyang shades.  Ang pangit ng gago! Kala mo artista ang lolo.

"Pasensya na,  akala ko kasi walang tao. " sagot nya sabay ngisi.
Nanginginsulto yata ang demonyong itoSa galit ko ay tinadyakan ko ng malakas ang kanyang gulong sabay talikod at naglakad na.

"Hey,  that's expensive you know? " protesta nya.

"Hell I care. " sigaw ko at pinakyuhan sya without looking him.  Narinig ko na lamang syang tumawa pero ang totoo'y ang sakit ng paa ko.  Medyo malakas nga yun.  Hindi na ako nagpahalata.
Pero napaisip narin ako kung may duty ba sya ngayon sa prisento eh sabado naman ?  AisshAno bang paki ko ?
At bakit ba hindi na ako nasanay sa kahambugan nya,  eh ganyang-ganyan na sya simula nung highschool kami.  Nagtatrabaho pa lamang ang nanay ko sa kanila bilang kasambahay at pag-uwi ko galing sa skwela ay dumiretso na ako sa kanila para tumulong at maaga kaming makauwi. Lagi pa niya akong kinakawawa at binubully.  Ewan ko lang kung bakit naging police yan and at the same time ay isang businessman eh laging mgcucutting at hindi gumagawa ng assignments,  minsan ay ako pa ang pinapagawa ng mga thesis nya.  Kapal talaga.  
"Oyy sabi pala ni Luis magkita daw kayo mamaya sa basketball court 5 pm kaylangan dumating ka at may sasabihin sya sayong importante. " wika sakin ni Mae,  kaibigan ko na classmate ni Luis ,  junior lang ako at senior na sila pero schoolmate naman kami.

"Ganun, bakit daw? " kinakabahan ako na parang excited.  Ewan pero hindi ko maipaliwanag,  nagawa ko paring mang-usisa. 

"Hindi ko alam eh. Yun lang sabi nya.  Sige Ana ha, mauna na ako at malelate na ako. " then she waved at nagmadaling tumakbo.

Ano kayang importanteng sasabihin ng hambog na yun?   Baka...  Oh my godBaka sa tinagal-tagal ng panahon ay narealize na nyang gusto nya pala ako kaya magcoconfess na syaBigla na naman akong kinabahan sa sariling isipin. Pero hindi ehmalaboAko lang yata ang nagpapantasya na magustuhan nya kaya ganun na lamang nya ako kung tratuhin. :(

It Takes TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon