Shit! "Gusto mo bang mamatay? " sigaw ko sa kanya ng muntik na niyang bungguin ang likod ng aking sasakyan.
"Sino bang taong gustong magpakamatay? Sigurado namang maraming makakamiss sa akin. " sagot nya sabay dungaw sa akin sa loob ng sasakyan.
"Ang hangin. Whoah! "Then I rolled my eyes. " Kung gusto mong mauna, ede mauna ka, wag kang makipagkarera. "Singhal ko pero ngumisi lamang sya.
He pouted at nagtaas ng isang kilay sabay sabing" para kanino at anong meron? "
Napatingin narin ako sa tinutukoy nya na balloons at cupcakes sa katabi ko. Wow! Payabangan pala gusto nito e. Napangisi naman ako ng lihim."Well, anniversary kasi namin ngayon ni Michael at kailangan ko syang surpresahin, ayokong malate kaya pwede ba tumabi ka mona sa daraanan ko? " medyo may diin pa yung pagkakasabi ko.
"Ohh I see, siguro naman hindi na yan magiging tigang ang ano at hindi kana rin magmamanya dyan dahil madidiligan na naman ang iyong pananim. " then he chuckled.
Nanliit ang aking mga mata. Dahan-dahang nagsink-in sa aking utak ang kanyang mga sinabi kaya't bigla na lamang pumutok ang aking butones. Shit! Ang sikip pala ng blouse kong suot kaya't kaunting pagprotesta ko ay natanggal iyon. Mabuti nalang hindi nya nakita.
"What the hell are you talking about? Ang aga-aga nambabastos kana? " pagpapatuloy ko.He just smirk at sumagot narin.
"Miss Dimagiba, hindi ako nambabastos, tinatanya ko lang ang mga pangyayari atsaka anong bastos dun ? Natural lamang iyon sa isang magnobyo. E, wag mong sabihing virgin kapa? " nakataas pa ang isang kilay nito.Nanlaki ang aking mga mata. Embes na sya ang mapikon ay ako na lamang palagi. Akala ko maiinggit sya dahil anniversary namin ni michael pero sinira nya ang araw ko. Binato ko sya ng lipstik ko. Sapol naman sya sa noo, hindi yata nakapaghanda ang demonyo.
"Ewan ko sayo, bastos na demonyo! " sabay taas ng salamin ng sasakyan ay madali kong pinaandar ang sasakyan palayo doon. Shit! Damnit!
Ako tigang? Fuck! Is he insulting me? Of course he is. Okay but before that. You need to calm down at kalimutan mona ang mga sinabi nya, andito ako para sumaya at magcelebrate. Enhale the good vibes and exhale the bad vibes.
Inayos ko mona aking sarili bago naglakad papasok sa building.
Diko na lang sya tatawagan para naman masurprise ko sya sa 3rd anniversary namin. Okay na siguro itong balloons with sweet and sassy cupcakes ko, inorder ko pa naman to kay Mel. Hindi na ako kumatok dahil lagi naman akong pumupunta dito at may susi pa ako sa unit ni Sean. Babatiin kona sana siya ng pagbukas ko ng pinto ay ibang pelikula ang nakikita ko. Hindi kona namalayang nabitawan kona pala ang mga balloon at cake na dala ko."Ana, nandito ka? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Michael sa akin. Ang babae namang kalampungan niya ay kaagad na nakahablot ng kumot para ipantakip sa hubo't hubad nitong katawan. Napasulyap ako kay Michael na ngayon ay nakasuot na pala ng boxer short pero bakat parin dito ang naghuhumindig niyang armas. Pero ang napakasakit ay ang makilala kung sino ang babae niya. Si Tanya ang kanang kamay ko sa aking restaurant.
"Anong kababuyan ito ? Tanya?" Halos pabulong kong sambit sa pangalan niya. I really can't believe it or should I say it's hard to believe na pareho nila akong tinatraydor."Kailan pa Michael? Kailan pa ?" Pasigaw kong tanong sa kanya. Hindi kona napigilan ang mga luhang kumawala sa aking mga mata.
"Ana... I'm sorry." Umiiyak na sagot ni Tanya.
"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko ahas ka!" Sa sobra kong gigil at galit ay bigla ko syang sinugod pinagsasampal at sinasabunutan. Pinigilan naman ako ng mabait ko palang boyfriend at ako pa ang sinigawan.
"Stop it Ana, enough!" Gigil nya akong hinawakan sa aking pulso. Masakit. Kaya't binawi ko ang aking kamay at sinampal sya ng todo ng lakas at napahawak na lamang sya sa kanyang pisngi na ngayon ay namumula na.
"How dare you do this to me, Michael ? Akala ko totoo kang nagmamahal sa akin e, hindi naman pala. At bakit sa dinami-dami ng babae na pwedeng ipampalit mo sa akin ay sya pa? Bakit ?" Tumutulo man ang luha ko ay nagawa ko pa ring magsigaw at nag-aalburuto na ako sa galit at dismaya. Parang anytime gusto ko ng pumatay ng tao.
"I'm sorry Ana. But... "
"But what ? Mas sexy ba sya kaysa sakin? Mas maganda ba sya kaysa sa akin. Mas-"
"No." Pinutol nya ang pagsasalita ko. Napatingin ako kay Tanya na ngayon ay humagulhol na sa kakaiyak. Ang kapal ng mukha. Sya pa may ganang umiyak. Kala mo naman sya ang naagawan?
"Bakit ? Magaling ba sya sa kama?"
Pagkasabi ko nun ay hindi sya sumagot. Sabi ko na nga ba.
Kaya pala busy kana at wala ka ng time bisitahin ako sa bahay. Kaya pala lagi ka nalang busy kapag tumatawag ako. Kaya pala nararamdaman ko na biglang lumamig ang turing mo sa akin dahil ... Biglang bumigat ang pakiramdam ko." Because she makes me happy." He said while looking straight right into my eyes.
"Dahil kaya nyang ibigay sayo ang bagay na di ko pa kayang ibigay sayo ? Kaya nagawa nyo akong lokohin ng ganun kadali ? Mga ahas!" Susugurin ko na nman sana ang babae ng bigla akong harangan ni Michael at itulak. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya sakin to.
"I love her , Ana. At wag na wag ka ng lumapit sa kanya o saktan sya dahil-
"What?"
"She's pregnant."
Halos hindi ako makakilos ng marinig iyon. Si Tanya ang kanang kamay ko buntis ? Ibig sabihin matagal na nila akong ginawang tanga ? Parang gusto ko ng lamunin ng lupa nun at mawala ng parang bula. Panaginip ba ito ? Please naman gisingin nyo ako.
BINABASA MO ANG
It Takes Two
Romance"Be mine, whether you like it or you like it." Ito ang kahuli-hulihang sinabi ng binata bago niya nilisan ang lugar na iyon. Susukatin niya kung hanggang saan ang tapang at pagmamatigas ni Ana na tanggapin ang kanyang alok na maging girlfriend nito...