TMLS3: The Wedding Ring

40 1 0
                                    

Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagigising sa ospital si Tenley.  Tanging mga aparato na lang ang bumubuhay sa halos lantang gulay niyang katawan.

"Patawarin mo ako Tenley, patawarin mo ako." paghingi ng tawad ni Jake sa kanya.

"Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko." sabi niya.

Ilang araw na ring nagpupuyat si Jake para bantayan si Tenley sa ospital.  Halos mapabayaan na niya ang sarili niya, hindi niya magawang kumain at matulog dahil sa pagsisisi sa lahat ng mga nagawa niya.

"Gumising ka na please, nagmamakaawa ako gumisisng ka na at gusto ko ng makita ang mga ngiti mo."  sabi ni Jake, habang hinihimas-himas niya ang kamay nito at inilabas niya ang isang singsing at isinuot iyon sa kamay ni Tenley, ang singsing na iyon dapat ang isusuot niya sa daliri ni Tenley sa araw ng kasal nila.

"Walanghiya ka Jake anung ginawa mo sa anak ko!!" bigla na lang hinatak at bigla na lang sinuntok ng daddy ni Tenley sa mukha si Jake dahilan para matumba siya sa sahig.

Tumayo si Jake habang sapo-sapo ang kanyang pisngi.

"Lumayas ka dito kung ayaw mong mamatay sa kwartong ito!!"  pagbabanta ng nakakatandang kapatid ni Tenley kay JAke.

Wala siyang nagawa kundi ang lumabas na ng kwartong iyon at umalis na ospital na iyon.

"Kasalanan, kasalanan ko itong lahat!!"  sigaw niya habang sobra ang higpit ng pagkakakapit niya sa manibela ng sasakyan niya.

Inihinto niya at itinabi yung sasakyan niya sa gilid ng kalsada para makaiwas na rin sa disgrasya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, kasalanan ko itong lahat kung hindi lang ako naghanap ng ibang babae para lang sa pangangailangan ng pagkalalake ko, hindi dapat siya napahamak dapat ako na lang , bakit kailangang siya pa."  sobra ang galit niya sa sarili niya sa lahat ng mga nagawa niya kay Tenley.

TIME MACHINE LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon