TMLS6: Family Picture

28 1 0
                                    

Lumabas si Jake ng bahay para mag-jogging para naman makasagap siya ng sariwang hangin.  Ilang araw na kasi siyang umiinom kada gabi para makalimot ng panandalian sa lahat ng mga pangyayari.

Tumakbo siya ng tumakbo sa iba’t-ibang lugar saBaguio, hanggang sa makaramdam na siya ng pagot at umuwi na.

Nang makabalik na siya sa bahay bakasyunan nila pasalampak siyang umupo sa sofa dahil sa sobrang pagod niya sa pagtakbo, nakasandal ang kanyang likod sa malambot na sofa habang ang kanyang ulo ay nakahilig patalikod.

Nakarining siya ng kumakanta sa kabilang bahagi ng lighthouse na iyon.  Umikot siya para makita kung sino iyon.  Sa pag-ikot niya papunta doon nakita niya ang isang babae na nakasuot ng putting-putting damit.

“Tenley ikaw ba yan?”  tanong niya ng mapansing pamilyar ang babae.

Tumigil sa pagkanta ang babae at lumingon sa kanya.  Tumambad sa kanya si Tenley na duguan ang mukha at ang kanyang maputing damit ay nadudungisan na ng mapupulang mantas ng dugo.

“Tenley?”  banggit niya sa pangalan nito.

Nakita niya ang unti-unting pagtulo ng mga luha ni Tenley sa kanyang mapupungay na mata.  Nilapitan niya ito para damayan pero bigla na lang itong nawala.

“Huwag kang umalis!!”  sabi niya at bigla na lang siyang nagising sa isa na namang hindi magandang panaginip.

Hindi niya magawang alisin sa isip niya si Tenley, inabala na niya ang sarili niya sa pagpapakalasing sa alak ng lubos pero hindi pa sapat iyon para makalimot.

Nagulat siya sa malakas na kalampag na nanggaling sa itaas na parang may mabigat na bagay ang bumagsak.  Tinungo niya ang lugar kung saan niya narinig ang ingay na iyon.  Umakyat siya sa attic kung saan siya nakatulog ng nagdaang gabi. sa pagakyat niya doon, may nakita siyang malaking daga na nginangatngat yung lumang upuang kahoy.

“Shu-shu!!”  pagtataboy niya sa daga.

Lumapit siya sa upuang kahoy at may nakita siyang lumang kahon doon, hinipan niya yung makapal na alikabok na nasa takip ng kahon at binuksan niya iyon.  Kinuha niya yung mga laman non, marami ang mga lumang litrato doon.  Inisa-isa niyang tingnan iyon at nakita niya ang mga larawan ng kanyang mga magulang at ng kanyang nakakatandang kapatid.

“Jake anak, halina kayo ditto ng kuya mo.” Tawag ng mommy niya sa kanilang magkapatid.

“Opo nandiyan na po.”   Sabi niya sabay tumakbo na sila ng kuya niya papunta sa ilalim ng puno kung nasaan yung mommy nila.

Masayang nagtatawanan ang buong pamilya habang pinagsasaluhan nila ang inihandanag pagkain ng kanilang mommy.

“Buti na lang at nagpunta tayo ditto sa Baguio para makapagrelax naman tayo Dear.”  Masayang sabi ng mommy nila.

“Oo naman sweetheart para sa inyo ng mga anak natin.” Paglalambing ng daddy nila.

 “Yuck corny niyo naman dad.” Sabi ni Joshua na kuya ni Jake.

“Oo nga corny.” Tuwang-tuwang banggit ng daddy nila.

“O sha-sha tapusin niyo na yang kinakain niyo para makapaglaro na koyo doon.” Sabi ng mommy nila.

“Mommy, tapos na po kami ni kuya.” Sabi ni Jake at tinapik pa niya ang kuya niya at tumakbo na sila para makapaglaro na.

Pumunta ang magkapatid sa malayo kaya hindi na nila tanaw ang mga magulang nila na nasa ilalim ng puno at nagpapahinga.

Habang naglalaro silang magkapatid sa malayo, may narinig silang mga sasakyan na nagpapaharurot sa loob ng bahay bakasyunan nila kasabay non ang mga sunod-sunod na pagputok ng baril.

“Kuya!!!Ano yun?!” takot na takot na sabi ni Jake.

“Dito ka lang Jake, titingnan ko lang sila mommy.” Tarantang sabi niya.

“Pero kuya-.” Pagpigil niya pero bigla na lang itong tumakbo palayo sa kanya kaya sinundan niya ito.

Nadatnan niyang nakaluhod ang kuya niya at may mga lalake ang nakapalibot sa kanya at may nakatutok na baril ditto.  Nagtago siya sa llikod ng puno dahil sa sobrang takot.

“Nasaan ang isa mo pang kaparid?”  mariing tanong ng isang lalake sa kuya niya.

“Hindi ko po alam, hindi ko po alam.”  Paulit-ulit na sabi nito.

Nagpalinga-linga ng tingin si Jake para hanapin ang mga magulang niya at nakita niya ang mga ito na nakahandusay atduguan sa damuhan.

“Hinid mo ba talaga sasabihin, kung nasaan ang kapatid mo?!!”

“Hindi ko po talaga alam.”  Sa pagkakataong iyon umiiyak na siya.

“Ikaw na bahala jan.”  sabi nung isang lalake dun sa isa pa.

Narinig ni Jake ang isang malakas na pagputok ng baril, sa pagkakataong iyon nakita niya ang kuya niya na nakadapa sa damuhan.

Sa insidenteng iyon namatay ang buong pamilya niya.  Isang politico ang kanayang ama, hindi niya alam kung ano at bakit nila nagawa iyon sa pamilya niya.  Pero alam niya sa sarili na nakamit na ng pamilya niya ang katarungan dahil naparusahan na ang lahat ng may kasalanan ng pagkamatay ng buong pamilya niya.

Bumalik ang isang hindi magandang ala-ala ng kanyang nakaraan na itinuring niyang pinakamasamang bangungot ng kanyang buhay nang makita niya ang mga larawan nilng magpapamilya noon.  Hindi niya napansing may mga butyl na ng luha sa kanyang mga mata.

“Lahat na lang ba ng taong mahal ko ay iniiwan ako?”  tanong niya sa sarili.

Napalingon siya sa gilid ng kwartong iyon at may nakita siyang malaking bagay na natatakpan ng maalikabok na putting tela.  Nilapitan niya iyon para makita.  Tinnanggal niya ang tela na tumatakip sa bagay na iyon, nakita niya ang isang malaking makenang bakal, hindi niya masuri kung ano ang baagay na iyon.  Sinubukan niyang pindutin ang mga boton doon pero kahit isa walang nagpagana doon nang may makita siyang kulay itim na boton ay agad naman niyang pinindot iyon at napaandar noon ang makena.

Napakaingay ng makena na iyon ng umandar ito kaya agad naman niyang pinindot uli ang itim na boton pero hindi ito namamatay sinubukan rin niya ang ibang pindutan pero wala pa ring nangyayari.

Isang nakakabinging tunog ang nilikha nito kasabay noon ay ang isang napakaliwanag na ilaw na nanggagaling sa makena na iton.

‘Anong nangyayri dito?”  sabi niya habang takip takip niya ng braso ang kanyang mga mata dahil masyadong maliwanag na iyon. 

Lalabas nasanasiya ng kwartong iyon pero bigla na lang siyang hinigop ng makena at wala na siyang nagawa pang iba.

“AAAHHHH!!!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIME MACHINE LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon