"Jake, masaya ka bang ikakasal na tayo?" tanong ni Tenley habang nasa kabilang linya ng telepono.
"Oo naman, bakit kailangang itanong mo pa?"
"Hindi lang kasi ako makapaghintay sa araw ng kasal natin." sabi niya.
"Don't worry, masaya ako at alam kong wala akong pagsisisihan kung ikaw ang maging asawa ko." sabi ni Jake.
"I love you, Jake." paglalambing niya.
"Mahal na mahal din kita, ikaw lang wala ng iba." sagot ni Jake ng punong-puno ng pagmamahal.
Ilang araw na lang bago ang nakatakdang araw para mag-isang dibdib silang dalawa. Kaya nagkayayaang magkaroon ng party si Jake na para lang sa kalalakihan kung saan i-cecelebrate ang pagtatapos ng yugto ng pagiging binata ni Jake.
NAging masaya ang lahat at nalango ang karamihan sa alak, parte ng party na iyon ang pagkakaroon ng babae para pasayahin si Jake.
"Vienna?" gulat na gulat si Jake dahil si Vienna pala ang isa sa mga babae na nandoon.
"yes honey!!" pangaakit naman nito.
"What are you doing here?" tanong niya habang si Vienna ay nakakandong na sa kanya.
"i'm here for you Jake." bulong niya sa tenga nito.
"NO!! hindi na tama ito." sabi niya sabay tumayo siya bigla at bigla namang nahulog si Vienna sa sahig.
"Hey relax bro, s Vienna yan ano ka ba naman." sabi ni Renzo na kaibigian niya.
Minsan ring may namagitan kanila Vienna at Jake pero dahil nalman ni Jake na isang entertainer sa isang club si Vienna doon na nagsimula ang pagkakalabuan nila dahilan naman para tuluyan na silang magkahiwalay.
Dahl sa marami na ang nainom ni Jake bigla na lang siyang nahilo a napaupo ulit sa kinauupuan niya.
"I need to go now, Renzo." sabi niya at tinangka a niyang tumayo pero hindi niya kinaya dahil sa hilo.
"Hindi pwede, masyadong marami na ang nainom, dito ka na lang magpahinga." sabi ni Renzo sa kanya.
"Uuwi na ako." sabi niya at pinilit niya ulit tumayo pero inalalayan siya ni Vienna.
"Please Vienna dalhin mo na lang siya sa kwarto sa itaas." paguutos ni Renzo sa kanya.
Siunod ni Vienna ang sinabi ni Renzo. Pagkarating nila sa kwarto inilalayan ni vienna si Jake para makahiga na sa kama.
Sandaling pinagmasdan ni Vienna si Jake, maya-maya unti-unti na niyang tinatanggal ang botones ng kanyang suot na polo. Sinumulang halikan ni Vienna sa leeg si Jake anggang sa maglapat ang kanilang mga labi.
"TEnley." banggit ni Jake sa pangalan ni Tenley sa gitna ng kanilang paghahalikan.
Hindi pinansin ni Vienna ang sinabi nito kaya patuloy pa rin ang ginagawa nilang dalawa hanggang sa tuluyang may mangyari sa kanilang dalawa.
"Bakit kasi hindi ka na lang maging sakin?" tanong ni Vienna habang hinihimas-himas niya ang pisngi ni Jake at habang tulog na tulog naman si Jake.
"Anong ginagawa ko rito?!" gulat na tanong ni Jake nang magmulat siya ng mga mata.
"Bakit honey hind ka ba masaya dahil nandito ako?"
"What?! ano bang pinagsasabi mo alam mo namang ikakasal na ako kay Tenley, diba?"
"Bakit sa tingin mo kung malalaman ni Tenley kung ano ang nangyari sa atin ng nagdaang gabi matutuwa siya?!"
"Wala kang ibang pagsasabihan nito kahit na kanino lalong-lalo na kay Tenley, naiintindihan mo!!?!" sabi niya habang hawak hawak niya ng mahigit ang magkabilang braso nito.
"pwede bang bitawan mo ako." binitawan naman siya nito.
"kung ayaw mong magsalita ako, gusto kong hindi lang dito matapos ang lahat ng nangyari sa atin kagabi."
"Anong gusto mong mangyari?!" tanong niya.
Gaya ng kagustuhan maitago ang nangyari sa kanilang dalawa ni Vienna, hindi lang natapos ang lahat doon. Nagagawa nilang magkita ng patago ara hindi makita i Tenley at paulit-uit na may nangyari sa kanila.
Hanggang sa dumating ang gabi bago ang kanilang nakatakdang kasal ay nagpatuloy pa rin ang kanyang pagtataksil kay Tenley.
Dahil sa nangyari hindi nakapunta si jake sa oras ng kasal nila kaya nahuli sila sa akto ni Tenley dahilan para magalit at mapahamak siya.
Kaya ngayon walang imik at walang malay si Tenley na natutulog sa ospital.

BINABASA MO ANG
TIME MACHINE LOVE STORY
RomanceIsang pang pagkakataon ang ibinigay kay Jake para maitama ang lahat ng pagkakamali at kabiguan sa tulong ng TIME MACHINE? Mabago kaya niya ang pangyayaring nakatadhanang mangyari o magawa niyang imposible ang lahat? O piliin niyang layuan at iwasan...