TMLS4: Life Support

28 1 0
                                    

“ kuya Jake, nasaan po kayo ngayon ? “ tanong ni Gia ang nakakabatang kapatid nito.

“Gia, bakit ?”

“ Si ate Tenley po, tatanggalin na po yung life support niya.”sabi nito habang humahagulgol ng iyak.

“ Okay gia, papunta na ako.”

“ Kuya bilisan mo po at baka po hindi mo siya maabutan.”

Ibinaba na niya yung telepono, agad siyang sumakay sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Lahat ng sasakyang nakaharang sa daan ay nagawa niyang iwasan makarating lang siya doon kaagad.

“ Shit!! Paano nila magagawa ito kay tenley, Bakit?” galit na galit na sabi niya.

Minalas siya sa mga oras na iyon, hindi niya napansing traffic doon at hindi na siya makaabante pa.

Nainip siya sa kakahintay para lang umusad ang mga sasakyan pero masikip talaga ang traffic.

Nagpasya siyang lumabas ng kotse at tumakbo nalang papunta sa ospital at kung hindi baka hindi na niya maabutan pa si Tenley.

Hingal na hingal siya ng makarating siya sa harap ng kwarto ni Tenley sa ospital. Binuksan niya ang pinto pero wala na siyang naabutan doon kundi ang isang lalake na nagtitiklop ngkamadoon.

“Nasaan ang pasyente na nandito?” tanong niya

Umiling ang lalake at sinabing nasa morgue na ito. Agad siyang nagpunta doon,gayang inaasahan niya nandoon ang buong pamilya ni Tenley.

“ Bakit hindi niyo ako sinabihan sa balak niyo bakit?!” galit na sabi ni Jake.

“ You don’t deserve my daughter Jake!”  sabi naman ng mommy ni Tenley.

“ I’m her fiancée, bakit wala ba akong karapatan para malaman ko ito.” Sabi niya

“ Tama ka wala kang karapatan sa anak ko, ikaw ang dahilan kung bakit siya napahamak!”

“ Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon lahat ng nakapalibot sa akin ako ang sinisisi sa pagkamatay ni Tenley.”

“ Tama sila ako ang may kasalanan nitong lahat.”

TIME MACHINE LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon