Wala siyang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo sa ilalim ng ulanan, wala siyang pakielam kung mabasa siya ng tuluyan at wala siyang pakielam kung ano man ang pwedeng mangyari sa kanya.
"Hinding-hindi ko siya mapapatawad, niloko niya ako, pinaikot at higit sa lahat hindi niya ako minahal. NAgsisisi akong nakilala ko pa siya." sobra ang sakit na nararamdaman niya sa mga panahon na iyon.
Itinakda sana ngayon ang pag-iisang dibdib nila ni Jake pero may nangyaring hinding-hindi niya inaasahan. Hindi sumipot si Jake na minahal niya ng lubos sa kanilang kasal. Nang malaman niyang hindi ito makakasipot sa kasal nila agad naman siyang umalis para hanapin ito, pinigilan siya ng mga tao na nandoon sa simbahan pero walang sinoman ang nakapigil sa kanya dahil ang tanging gusto niyang mangyari ay ang makita at makausap niya ng masinsinan.
Siya mismo ang nag-drive ng kotse para hanapin si Jake, kung saan-saan na siya nakapunta at kung kani-kanino na rin siya nagtanong kung saan siya makikita. Hanggang sa maisip niyang pumunta sa bahay kung saan nakatira si Jake.
Lumabas siya ng kotse para alamin kung doon nga siya matatagpuan, nakita niya ang kotse na dapat sana gamit-gamit niya sa kasal nila. Kinalampag niya ang gate ng bahay para palabasin doon si Jake.
"Jake!! please lumabas ka jan kausapin mo ako." pagmamakaawa niya habang tuloy parin ang pagkalampag niya sa gate.
Wala siyang nakuhang sagot kaya tuluyan na niyang pinasok yung bahay ng walang paalam. Tuloy-tuloy siyang naglakad papasok sa bahay, dumeretsyo kaagad siya sa kwarto nito.
Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto tumumbad sa kanya si Jake na may ibang babaeng kasama sa kwarto na iyon, sapalagay niya pareho silang walang saplot sa kanilang katawan, tanging kumot lang ang tumatakip sa kanilang katawan.
"Jake." sabi niya sa boses na nadismaya at pagkalungkot dahil sa mga nakita niya.
Biglang napabalikwas sa pagkakahiga si Jake samantalang ang babaeng katabi niya ay pupungas-pungas dahil sa narinig niyang nagsasalita si Jake.
"Tenley?" gulat niyang banggit sa pangalan nito.
"Bakit Jake, bakit?" halos gumaralgal na ang kanyang boses dahil sa galit.
"Tenley, let me explain." sabi niya at tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama.
Hindi na hinintay ni Tenley na malapitan pa siya nito kaya tumakbo siya palabas ng bahay na iyon. Bago siya umalis sa kwartong iyon nagawa pa niyang sulyapan ang babaeng kasama nito, nakita pa niyang nakangiti ito naparang gustong-gusto niya ang mga nangyayari sa kanila.
Hindi niya nakuhang sumakay sa kotseng dala niya nang pumunta siya doon. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa makalayo na siya sa lugar na iyon. kasabay ng pagbagsak ng mga luha niya sa kanyang mga mata ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ang kaninang magarbo at maputing wedding gown niya ay nadungisan na ng mga putik na nagtatalsikan dahil sa kanyang patuloy na pagtakbo.
"Hinding-hindi ko siya mapapatawad, niloko niya ako, pinaikot at higit sa lahat hindi niya ako minahal at nagsisisi akong nakilala ko pa siya." sobra ang sakit na nararamdaman niya ng mga panahon na iyon.
Dahil sa lungkot at pagod na nararamdaman niya bigla na lang siyang nawalan ng balanse, bigla na lang siyang natumba at napaupo sa gitna ng kalsada. Wala siyang pakielam kung mabasa siya ng tuluyan at wala siyang pakielam kung ano man ang pwedeng mangyari sa kanya.
"TENLEY HUWAG!!!!" sigaw ni Jake kay Tenley.
_____________________________________________________________________________
Free to comment po... :)
Vote na rin kayo?
Dedication?
TNX!!! :)

BINABASA MO ANG
TIME MACHINE LOVE STORY
RomanceIsang pang pagkakataon ang ibinigay kay Jake para maitama ang lahat ng pagkakamali at kabiguan sa tulong ng TIME MACHINE? Mabago kaya niya ang pangyayaring nakatadhanang mangyari o magawa niyang imposible ang lahat? O piliin niyang layuan at iwasan...