pretty u| ii
"May mga tao talaga na magkaparehong magkaiba."Sa totoo lang, kahit sabihin ng mga kaibigan ko na gwapo ako, hindi ako naniniwala. Kahit sina mama sinasabi sakin yon pero hindi pa rin ako naniniwala kasi nga, maraming mga bagay sa mundo na hindi maipaliwanag.
Kagaya ngayon.
"Jeong, I know we've been friends for how many years pero hindi ko ata kayang magpaligaw sayo." she said to me while having an aghast look.
"I get that, masyadong mabilis ba?" Pilit ko namang tanong.
"Hindi kasi yun 'yon."
Eh ano, tanong ko sa sarili ko. Pero parang narinig niya yung tanong ko at sumagot.
"Mahirap kasing magkaboyfriend ng mas maganda pa sakin. Sorry ah."
Kaya hindi ako naniniwalang gwapo ako. Kasi 'maganda' daw talaga ako.
S.V.T.
Kasalanan ko bang kailangan kong magpahaba ng buhok dahil sa trabaho ko? Weird kasi yung boss ko at yung restaurant na pinagtatrabahuan ko, kailangan ng mahabang buhok na waiter. No choice naman ako kasi eto lang yung libreng trabaho para sakin kasi nag-aaral pa ko. Buti na nga lang walang policy sa school na bawal magpahaba ng buhok.
Patay ako kung ganun.
"Pre, bat naman kasi siya pa yung ginusto mo? Eh alam mo namang patay na patay yon kay Seungcheol." Sabi sakin ni Joshua habang nililinis namin yung table.
Tanghali na rin nung binuksan namin yung restaurant. Buti na lang at day off ni Seungcheol ngayon kasi kung hindi, mahaba habang usapan na naman ang mangyayari.
"Pre, hindi naman kasi napipili yung nagugustuhan mo. Bakit ikaw? Sinagot ka na ba nung nililigawan mo ha? Batukan kita jan eh!" Sagot ko naman sa kanya.
Tinawanan ako ng gago. "MU na kasi kami. At least may progress kesa naman yung sayo. Alam mo bagay sayo yung babaeng mas mukhang lalaki sayo. Magandang lalaki plus gwapong babae. Nice pre! Hanapan kita ng ganun."
Lecheng kaibigan. Walang naitutulong.
Biglang bumukas yung pintuan sa entrance at narinig ko na naman yung boses ni Seungkwan. "Jeonghan-hyung! Hindi pa daw ba magbubukas?"
Napatiklop naman ako ng braso ko at tinignan si Seungkwan. "Hindi mo ba nakikita yung sign na 'we're open' sa labas?"
"Ang sungit mo ngayon hyung! Sorry na ah. Bulag kasi ako. Bulag." Sagot naman nito sa akin.
"Hayaan mo na yan. Nabasted kasi, Seungkwan. Pabayaan mo muna magmukmok." Sabi naman ni Joshua sa kanya.
"Ay weh? Aigoo, dapat kasi hindi si Nayeon-noona yung niligawan mo eh. Wag ka mag-alala eomma, lalaki daw kasi bagay sayo." Biro ni Seungkwan sakin.
Kapag ako nabwiset, guguputin ko na talaga tong buhok na 'to. Hindi ko na lang pinansin yung dalawa at pumunta sa kabilang table para ayun naman ang punasan. Bumukas ulit yung pintuan at balak ko sanang magsungit nung nakita kong customer pala yon. Tinignan tignan niya muna yung loob ng restaurant habang nakalagay sa tainga niya yung cellphone niya.
BINABASA MO ANG
me and you
FanfictionA compilation of one-shots about our girl crush, Yoo Jeongyeon and Seventeen's Angel, Yoon Jeonghan. There's a fine line between attraction and coincidences Disclaimer: This is merely a product of my imagination.