almost|xii
parang sila pero hindi sila pero magiging sila2002
Sobrang busy ngayon sa Incheon Elementary School. Pasukan na kasi ng mga bata. Lahat ata excited kasi pasukan na din ng mga first grades. Maraming magulang ang nakaabang sa gate.
Pero may dalawang batang napagiwanan. Sa gitna ng mga taong nagsisialisan, nakapwesto ang dalawa sa isang upuan malapit sa classroom ng mga second grades.
"Jeonghannie! Bakit ka umiiyak?! Porket hindi ka lang nasundo ni ahjumma?!" Hiyaw ng babae sa kasama niya. Sa likuran niya ay bitbit niya ang isang backpack na may design na sailor moon. Mapapansing kahit ganito ang bag ng batang babae, kung kumilos ito ay parang lalaki.
"Ba-baket ba?! Eh ka-kasi ikaw susunduin ka ng mama mo!" Pagkasabi nito ay humagulgol ulit ang batang lalaki sa kinauupuan niya. Halata namang naaasar na ang batang babae kaya naman nilakasan pa niya ang boses niya.
"Hindi kaya! Sabi sakin ni mama hindi niya na ko susunduin no? Si ate nga hindi niya na sinusundo eh."
Tumigil sandali ang umiiyak na bata pagkatapos ay pinunasan na ang sipon niya. Nang humarap ito sa kasama, kita ang takot sa mga mata niya. "E-edi walang susundo sayo?! Pano ka ma-makakauwi?!"
"Hmph! Kaya ko na sarili ko no! Grade one na ko saka may bike naman ako eh. Ang lapit lang ng bahay namin."
"A-ako nga grade two tapos sinusundo pa rin ako ni mama. Ba-bawal pa kasi tayo kasi bata pa tayo. Baka mamaya... baka mamaya may kumidnap satin!"
Tumayo ang batang babae at pagkatapos ay hinarap ang kasama. "Kung mag-isa lang tayo makukuha tayo! Kaya nga pinuntahan kita dito kasi isasabay na kita! Hindi ka ba sasabay sakin?!"
Sininghot ng batang lalaki ang natitirang sipon sa ilong niya. "Eh? Eh pano kung dumating si mama?"
"Edi maghintay ka diyan! Uuwi na ko!" Sabay takbo nang babae.
"Jeongyeonnie! Hintayin mo ko!"
Mukhang dito nagumpisa ang kwento nang pagsasama nila.
2006
"Yoo Jeongyeon! Tangina mo yung eraser ko!" Sigaw niya habang nakatayo sa corridor ng third floor.
Iniwagayway pa ng dalaga ang eraser sa lalaki sabay takbo. "Bibig neto pota! Ibalik mo muna yung pokemon ko! Saka ko ibabalik sayo to!"
Napakamot na lang si Jeonghan sa ulo at madaling naglakad. Tumutungo na lang din siya sa mga tao sa corridor, humihiling na sana hindi na naman sila madala sa councilor. Mainit pa naman sa guidance ngayon ang mga first year. Iniisip niya kung paano niya sasabahin kay Seungyeon-noona ang kagaguhan ni Jeongyeon.
"YOON JEONGHAN! AYAW MO NA TONG KUNIN?!"
Wala siyang nagawa kundi huminga ng malalim.
Hanggang kailan ba niya makakasama sa school 'tong best friend niyang sobrang magulo?
2013
Fifth year na si Jeongyeon, huling taon naman na ni Jeonghan.
Ganun pa rin.
BINABASA MO ANG
me and you
FanfictionA compilation of one-shots about our girl crush, Yoo Jeongyeon and Seventeen's Angel, Yoon Jeonghan. There's a fine line between attraction and coincidences Disclaimer: This is merely a product of my imagination.