Memories

254 14 2
                                    

memories| iv
"halata na kasi ng buong squad, dinedeny pa nilang dalawa"

Music:
I wish - FT island
____________________

Dahyun


Sa kanilang siyam na magkakaibigan, si Dahyun na ata ang pinakabinaby ni Jeongyeon. Iyon ang laging iniisip ng dalaga tuwing nag-aasaran silang magkakaibigan. Lagi ngang asar talo sina Sana at Chaeyoung kaya lalo pang inaasar ni Dahyun ang mga ito.

Pero recently, nang ininvite ni Nayeon-unnie yung boyfriend niya at ang buong kaibigan nito na magstay for five days sa bahay nila, medyo nakakaramdam na siya ng ibang aura sa tuwing nilalambing niya si Jeongyeon-unnie niya. Siguro kasi hindi lang sanay si Dahyun na maraming lalaki sa bahay nila. Pero iba talaga yung atmosphere simula nung dumating 'tong mga lalaking 'to. Mabait naman si Seungcheol-oppa tas laughtrip lagi si Wonwoo-oppa. Masaya din sana kasama si Jeonghan-oppa pero alam mo yung may distance pag kasama mo siya? Tapos yung pakiramdam na sinusundan yung bawat galaw mo at halos balak ka nang patayin?

Ganun yung nararamdaman niya ngayon.

Nakahiga kasi siya sa lap ni Jeongyeon sa may sala. Si Jeonyeon naman, lagi lang naman yon walang pakialam eh. Ang babaeng manhid, lagi nilang asar dito. Kaya dapat ikikiss niya sa may cheeks si Jeongyeon. Ganun kasi siya kalambing dito at for teasing purposes lang naman. Kaso biglang may sumigaw na epal.

"Dahyun-ah! Bili daw tayo ng drinks sa convenience store!" Sabi ni Vernon na mukhang namumutla na.

"Ha? Bakit kasama pa ko?"

Hinila siya nito patayo. "Basta."

Nagmamadali silang naglakad papunta sa pintuan at saka isinuot ang mga tsinelas. Parang takot na takot nga si Vernon habang hinihintay siyang masuot yung tsinelas niya at dapat aasarin niya sana kaso iba na talaga itsura nito. Kaya nanahimik na lang siya at pasimpleng natatawa.

"Ang lakas pa ng loob mong tumawa buti na lang naligtas kita. Kung gusto mo pang mabuhay, wag mo ikiss si noona."

Nagtaka naman si Dahyun. "Eh, wala lang naman yon. Parang ate ko na si Jeongyeon-unnie."

Tumingin sa kanya si Vernon at saka iniharap siya sa may bandang sala. "Nakita mo ba kung sinong pumalit sa pwesto mo?"

Tinignan ng mabuti ni Dahyun yung humiga sa lap ni Jeongyeon at siya mismo ay nagulat. Itinikom na lang niya ang bibig niya at nagmadaling lumabas ng pintuan. Nararamdaman pa ng chinita yung kabang dumating nang nakita niya kung sino yung humiga sa lap ng unnie niya.

"Kita mo na?" sabi ni Vernon na hanggang ngayon namumutla pa rin.

"Dapat pala sinabihan mo ko kanina. Paano kung napatay ako ni Jeonghan-oppa kanina?"

"Condolence na lang, Dahyun-ah."

Mingyu

Bago pa maging in a relationship si Mingyu at si Tzuyu, ang lagi niyang nahihingan ng tulong ay si Jeonghan-hyung niya. Hindi din niya alam kung bakit lagi itong handang tumulong. Pero hindi na lang niya iniisip yon kasi alam niyang nagiging mabait lang naman ito. Bihira lang naman maging mabait si Jeonghan-hyung.

me and youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon