To you, cheonsa

238 12 3
                                    

To you, cheonsa| vi
Letters that were not meant to be opened

Day 365
Cheonsa,
Alam ko imagination lang kita. Illusion na binuo lang ng utak ko. Habang nanginginig ang mga kamay kong nagsusulat, inaalala ko kung paano mo ko inalagaan. We've been roommates in this four sided room since day one. Kahit hindi sabihin ng utak ko, nabuo ka sa lungkot ko. Hindi ka totoo. Pero bakit ramdam ko ang bawat luha na pumapatak sa mga mata mo kanina? Uumpisahan ko ang sulat na ito sa pinakaunang araw kung paano kita nakilala. Para saan pa nga ba tong sulat ko? Hindi ko naman ipapabasa to sayo eh.

I contradict every word I say.

<~>

Day 1
Sa mamang kasama ko sa kwarto,
Tangina mo po. Pinapaabot ko lang sayo yung wipes kasi nalaglag, di mo man lang inabot.
Kung hindi lang ako bugbog sarado kanina sa chemo edi inabot ko na yon magisa. Sana gumaling ka na para di na kita roommate.

Napakaganda,
Jeong yeon-sunbaenim

<~>

Day 3
Bakla,
Di mo naman sakin sinabi. Bekikang ka pala. Gwapo ng jowa mo ah may paflowers flowers pang nalalaman. Bet namin ni Mina pareho kaya lang bebe mo na pala sayang. Sana di mo na lang kami sinigawan kaninang gago ka. Tatahimik naman kamo eh. Sa susunod promise. Bubulong na lang kami.

Lalong gumaganda,
Jeong yeon-ssi

<~>

Day 5
Baklang hinatian ko ng lunch kanina,
Sana naman nagthank you ka sakin kanina no? Ikaw na nga inayang maglunch kasi wala kang pagkain tapos ikaw pa nagsungit. Sorry ah nagkakawang gawa kasi ako sa mga taong hindi makatao. (Lol) Wag mo na pansinin yung nurse na malandutay kanina. Ako na bahala sa kanya tomorrow. Pag happy kasi roommate ko happy life din ako dito sa room. Mawawala na din naman ako tiis tiis lang ah.

Paganda ng paganda,
Jeong yeon

<~>

Day 7
Beks,
Uy okay ka lang? Ganyan talaga pag nakichemo. Masakit talaga siya. Yung tipong hindi ka na makakagalaw. Okay lang yan beks. Masusurvive mo din yan. Hindi pa naman malala stage ng cancer mo eh. May possibility pa na mamatay yung cancer cells. Tiwala lang. Kahit nakasimangot ka kanina, don't worry di ako nandiri sa suka mo. Hello? Doctor din ako alam ko na pinagdadaan ng cancer patients. Patient din ako. So alam na alam ko talaga. Skl naman para matawa ka lang.

Bakit ba ako lalong gumaganda,
Jeong yeon

PS: Bakit naging diary to tungkol sayo? Dapat sa pangaraw araw ko lang to eh.

<~>
Day 11
Jeong han,
Uy alam ko na name niya hahahaha. Si Seungcheol-ssi pala ang bait no? San mo napulot yang kaibigan mong yan ha? Papalit naman. Sayo na si Nayeon. Kaibigan ko na lang si Seungcheol-ssi. Anyways, hindi ka pala bakla jusko. Kahiya. Nakichismiss pako kay Seungcheol-ssi. Nice naman ngumiti siya kanina. Good mood ka kanina? Wala kasing basag na plato sa lapag ng higaan mo eh. Napansin ko lang. Di ka man lang nag-aya na kumain. Mukhang masarap pagkain mo ah. Peborit ko pa naman yon.

Pretty as always,
Yeonie

<~>

me and youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon