Dedicated to: aesthix
[A/N: thank u nga pla kay aesthix sa pag-gawa ng book cover. Salamat dre!
May contain foul words, mature content and other effect. Char!
[Please play Pagsuko by Jireh Lim]
Czynna's Point of View,
ako nga pala si Czynna Ryin Benzon! Ang bespren ni Huvera Brion Alvestre skl. Ako muna ngayon ah ichichika ko lang sainyu yung past ng bespren ko.
Kasalukuyang nakikipag-tawanan si Vera sa mag-pinsang bakla habang inaayusan siya ng mga ito. Nakakatuwa lang na pilit niyang pinaniniwala ang sarili na naka-moved on na talaga siya kahit ang totoo ay sinasabi niya lang iyon para kumbinsihin ang sarili niyang nakalimutan na talaga niya si Zeid.
"Hahahaha taray mo Mama Daley ah! Next time sama mo naman kami ni Czynna diyan!" Sabi ni Vera kay Mama Daley dahilan para mag-tawanan sila.
Nakakatawa na pilit niyang itinatago ang tunay niyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-tawa, alam ko kahit hindi niya sabihin o ipakita na nasasaktan parin siya ay napapansin ko. Maaaring ang ibang tao ay kaya niyang paniwalain pero hindi ako, nakakatawa na simula ng mangyari yung break-up nila two years ago ay hindi ko man lang nakitang umiyak si Vera, at iyon ang pagkatao niya ayaw niyang ipakita sa ibang tao na nasasaktan siya dahil kilala siya bilang matapang, maangas at kinatatakutan ng lahat, ayaw niyang makita ng iba na si Huvera Brion Alvestre the Worst Nightmare you've ever encounter ay iiyak ng dahil sa lalaki. Nakakalungkot isipin na kahit sa'king bestfriend niya ay hindi niya magawang maipakita na mahina siya, gaya nalang kanina alam ko'ng umiyak na naman siya buong gabi para makatulog alam ko'ng hanggang ngayon ay hinahabol parin siya ng masasakit na ala-ala nilang dalawa ni Zeid at mahirap para sa'kin iyon.
'No matter how great you pretend Vera I know that you were still hunted by the memories you once had with him'
~Flashback~
"Dre! Tignan mo toh oh! Boom ang lupet diba" sabi sa'kin ni Brion habang ipinapakita ang larawan ng bagong labas na mercedes benz CLA-Class.
"Oo nga dre! Hah! Ano bibilhin mo ba?"
"Gagi! 'di nalang muna siguro diba may pinapatayo pa tayong gym"
"Sabagay... Mas tipid yun pag nagkataon"
Ipinag-patuloy lang namin ang masayang kuwentuhan kasabay nang pagpla-plano sa kung anong magandang design sa gym na pinapatayo namin, ngunit naputol ang usapang iyon ng may mag-chat kay Brion.
"Sino yan dre? Si Zeid mo na ba?" Nang-aasar ang tono ko'ng tanong sakanya.
"Hindi dre eh Chinese yung pangalan 'di ko mabasa" naka-kunot noo niyang sinabi iyon.
"Ahh basahin mo na baka si Denzel na yan! Diba chinese yun?"
Tumawa lang siya at binuksan na ang message na iyon ngunit nabigla ako ng unti-unting mawala ang mga ngiti sa labi ni Brion at halos mabasag ang cellphone niya dahil sa sobrang higpit ng pagkaka-hawak niya.
YOU ARE READING
EX LOVERS WILL NEVER BE FRIENDS [ONGOING]
RomanceEx lovers will never be friends they say. Totoo ba'ng di mo na magiging kaibigan ang ex mo?Huvera Brion Alvestre moved on believing this. Para sa kanya napaka-imposibleng maging magkaibigan ang mag- ex bukod sa awkward ay may mas malalim pa s'yang d...