Huvera's Point of View,
Kaka-uwi lang namin ni Czynna galing dun sa salon ng dalawang bakla, napatagal kasi kami ng konti ang dami kasing chika ni mama Daley.
'oh? Alam mo na yung chika ngayon ah'
'psh pa'nong 'di ko malalaman eh laging bukam-bibig nung dalawa yun'
'ohhh.. reasons'
'heh! Shathap!'
"Uy dre! Ano? Tulaley ang ganap?" Untag sa'kin ni Czynna.
"Oyy! Inayos mo na ba mga gamit mo huh? Aba! Ilang minuto nalang papasok na tayo" dadag niya pa habang naka-upo at nag-aayos ng buhok sa harap ng vanity table.
"Tsss.. ako pa ba? No'ng isang araw ko pa naayos yun" pagmamalaki ko sabay chin-up.
"Nakkks iba ka talaga! Advance mag-isip!" Sabi niya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
Nag patuloy ang aming usapan habang parehong nag-aayos ng mukha at buhok. Magkasama parin kasi kami ni Czynna sa iisang condo, pareho kasi kaming independent type hehe.
-
"Hey! Bro look nandiyan na 'yong mga dakilang bi' ng AFIC!" anunsiyo ng isang lalaki pagka-pasok namin sa gate.
"Luh! Oo nga! Lintek kung 'di lang siguro tibo 'tong dalawang 'to psh niligawan ko na yan."
"Like duhh... As if naman sasagutin ka ni Miss Vera or ni Miss Czynna noh!"
"Yeah right! Tignan niyo nga si Czynna oh! Hindi kayo ang type niyan dahil ang type niya ay 'yung mga ganitong ganda!" Maarteng sabi ng isang babae na mukhang freshmen.
Ilan lang yan sa mga naiintindihan ko sa mga sinasabi ng mga estudyante sa paligid namin habang naglalakad, halos lahat sila ay nagsisi-pagtabi para bigyan kami ng daan. Oh diba instant celebrity ang mga lola niyo! Dahil hindi lang mga lalaki ang nagkaka-gusto pati mga babae.
'ganyan kami ka-gwapo^_^'
Patuloy lang kami sa pag-lalakad ang iba sa mga babae ay nililingon ko habang ang mga lalaki ay tinatanguan ko naman. Si Czynna ay halos ngitian na lahat ng babae dito sa campus.
"Eyy meeen! Kumusta!" Bati ni Eunwoo ng maka-pasok kami sa room.
"Eyy!" Nakipag-apir ako sakanya sabay yakap ng kalahati. Ganon din ang ginawa nila ni Czynna.
"Meeeenn! First day na first day nakikipag-buyo ka agad sa mga libro" biro ko kay Xiemen nang lumapit ako sa kanya. Eh pa'no kasi seryosong-seryoso sa binabasa.
"Meenn! Ano na! Libro parin ba ang bebe mo?" Tudyo ni Czynna kay Xiemen. Tinignan lang siya ni Xiemen at nginitian matapos ay yumuko na ulit para mag-basa.
'psh inggit ka lang sa mga libro niya, Czynna hehe'
"Hey hey hey! Wag niyo'ng inaasar 'yang si Xiemen sadyang hopeless romantic lang!" Biglang nangibabaw ang boses ni Brix mula sa likod. Kaya naman nagtawanan kami.
YOU ARE READING
EX LOVERS WILL NEVER BE FRIENDS [ONGOING]
RomanceEx lovers will never be friends they say. Totoo ba'ng di mo na magiging kaibigan ang ex mo?Huvera Brion Alvestre moved on believing this. Para sa kanya napaka-imposibleng maging magkaibigan ang mag- ex bukod sa awkward ay may mas malalim pa s'yang d...