Huvera's POV,'t*ngina! tell me this is not real!'
Yan nalang ang nasabi ko, hindi ko alam kung pa'no magre-react! tangina naman kasi! Tahimik na buhay saka pa susulpot tong pesteng problema na'to!
Halos lahat ng mata ng mga kaklase ko ay nagsasalitan ng tingin sa'min. Halos lahat kasi ng estudyante dito ay saksi sa nakaraan namin. At yun ang masaklap! Pa'no nako neto ngayon? Anong gagawin ko? Huhu! Pasimple akong lumingon kay Czynna pero ayun siya parang na-star struck sa nakikita, sinilip ko rin yung tatlo pero gaya ni Czynna para silang nakakita ng tao na inakala nilang patay na at muli lang nabuhay.
'huhuhuta! Tulungan niyo nga ako! 'di yung basa lang kayo ng basa jan! At naghihintay lang sa susunod na mangyayari! Mag-comment kayo! Tulungan niyo ko!!!!!'
(+_+)
Oo tama ang iniisip niyo, si ZEIDICE PARK NAGBABALIK! At siya yung tinutukoy ni miss na exchange student huta! Mukhang nagtaka naman si Miss sa mga naging reaction namin kaya hindi niya rin nagawang magsalita. Ang mga mata niya ay nagpapalipat-lipat sa aming mga nakaupo at kay Zeid.
Pero agad na nakabawi si miss at inutusan si Zeid na umupo na. "Ok you may take your seat, Mr. Park take the sit beside that girl from the back" sabi niya sabay turo sa upuang nasa tabi ni Czynna. SH*T! SO IT MEANS SA LIKOD KO SIYA UUPO!!! "So before we proceed to our topic can you please introduce yourself infront."
Malapit na si Zeid sa uupuan niya tumigil siya saglit sa harap ko at saglit kaming nagkatitigan, nginitian niya lang ako at bumaling sa mga kaibigan. (Oo bestfriends niya sila Brix, kaya ko lang naman naging kaibigan yung tatlo ay dahil kay Zeid) "Mga dude! Musta na!" Bati niya sa tatlo ng makaupo.
"Ayos naman dude! Tagal mo'ng 'di nagpakita ah!" Sabi ni Eunwoo.
"Alam mo naman yung issue 'bout dad diba?" -Zeid.
"Oh about that dude, ok na ba?" -Xiemen.
"Oo kaya nagdecide ako na bumalik dito, namiss ko rin yung presence niyo eh" sabi niya sabay sulyap sakin, napansin ko yun kahit ang mga mata ko ay kunwaring tutok sa nagpapakilala sa harap.
'leche! Dapat di ka na bumalik! Peste ka!'
"Brix! Kamusta! Nakks halatang naggy-gym ah!" Pagtawag pansin niya kay Brix na seryoso sa pakikinig. Bumaling ito sakanya at ngumiti. Tipid.
"Haha oo! Napapadalas sa gym nila Vera eh" sabi niya sabay sulyap sa'kin. "Ikaw musta na?"
"Eto mas lalo lang gumwapo" nagtawanan silang apat matapos niyang sabihin yon. Gwapo? Ngena san banda? Bigwasan ko siya eh. "Ikaw Czynna? Mukang naging babae kana kahit papano ah" baling niya sa katabi.
"A-ah hehe anong babae sino nagsabi sayo?" Pilit na ngiti ang ipinaskil ni Czynna sa labi.
"Hahahaha nakow! Dude! May kwento kami sayo tungkol d'yan kay Czynna! Hahaha" biglang singit ni Eunwoo. Siniringan naman siya ni Czynna.
"Hoy! Koryanong hilaw! Manahimik ka nga kung ayaw mong ipa-hunting kita kay Hipolito bukas!" Bulyaw sakanya ni Czynna, ako naman ay lumingon na sakanila at nakitawa. Lumabas naman si miss kaya ok lang.
YOU ARE READING
EX LOVERS WILL NEVER BE FRIENDS [ONGOING]
RomanceEx lovers will never be friends they say. Totoo ba'ng di mo na magiging kaibigan ang ex mo?Huvera Brion Alvestre moved on believing this. Para sa kanya napaka-imposibleng maging magkaibigan ang mag- ex bukod sa awkward ay may mas malalim pa s'yang d...