2: Daniel and the fishball

227 50 15
                                    

Naririnig ko na ang pagwawala ng mga alaga ko sa tiyan at ang pagmamakaawa ng mga ito na pakainin ko na sila . Dala ng stress sa major ko kaya siguro naririnig ko ang mga sinasabi nila haha ewan .

Bumili lang ako ng bente pesos na fishball dahil kailangan ko magtipid at magsave ng pera para sa buwan ngayon.

inilapag ko ang isang karton na may laman na fishball at tsaka ako umupo, inayos ko muna ang mga filecase at iba pang dala kong libro sa tabi ko at ready na ako kumain .

pag tingin ko sa tapat ko nagulat ako dahil nakaupo na si daniel dun at kinakain ang fishball KO ! oo kinakain niya at sarap na sarap sya, F na F ng loko oh! Sa hindi malamang dahilan napatitig na lang ako .

" Gusto mo ? " alok niya sakin na nakangiti at inabot ang stick

hindi ako nagdalawang isip na kunin yun dahil unang una akin yun at ako ang bumili nun . tumusok ako ng isa at isinubo , kinuha niya sakin ang stick at tumusok din at kinain yun .

sarap na sarap sya sa pagkain ! at pagkatapos niya inaabot niya sakin ang stick nagtataka ako kung bakit niya kinakain ang fishball ko samantalang marami naman syang pambili nito ? mayaman naman sya at mapera diba .

Ganun at ganun lang ang nangyari kakain sya pagkatapos ako naman alternate lang ang nangyare hanggang sa isa na lang ang natira at nagkataon na nasa kanya ang stick . tiningnan niya ako at bigla syang ngumiti at tinusok ang natitirang fishball huminto muna sya at iniabot yun sakin .

" sige sayo na tong huli " nakangiti niyang sabi 

hindi ako nagdalawang isip na kunin yun at isubo . nakangiti lang sya habang nakatingin sakin naweweirduhan na ko dito kaya sa sobrang pagkailang nagpasya na kong tumayo para makalis na .

" ah . sige alis na ako " sabi

tumayo na ako at inisa isang kunin ang gamit ko . napahinto ako dahil pag kuha ko ng filecase ko,nakita ko ang isang karton na may lamang fishball . Juice colored ! napasapo na lang ako sa noo ko at nagmadaling umalis ni hindi ko sya tiningnan dahil nakikita ko naman sa pheripheral vission ko na nakangiti sya na animong nageenjoy na tingnan ako lalo kong binilisan ang paglakad hanggang sa makalabas ako ng canteen .

" sht sht ! aaaargh ! " nakalagay ang palad ko sa muka ko dahil sa kahihiyan . that time na akala ko akin yung kinakain namin yun pala ako tong makapal ang muka na nakikikain sa pagkain na binili niya shocks !

---

  Credits sa napagtanungan ko ng susunod na scene at sinabi ang point na gusto niya ^-^ haha hindi ko alam kung pano tumalon sa next seen eh thanks @sayunako12 sa suggestion mo . Anyways please do vote and comment and suggestion ^-^

Once is Enough (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon