17: Logic Quiz

90 16 2
                                    

(A/n: bare with my wrong grammars and typo . Nagsisimula na ang 2nd sem. So matatagalan nanaman ang pagupdate nito )

Isang araw nanaman na nakakabaliw,waaah diko na kaya namimiss ko na sya ng sobra sobra T.T halos tatlong araw ko na syang di nakakasama.

Dinial ko ang number niya pero panay lang ang ring,sa pangatlong beses ay sinagot na niya

"Bakit ngay--"

"Goodmorning baby" nabitin sa ere yung sasabihin ko nung nagsalita sya . Sht ang sexy halatang kagigising lang, nanlalambot tuloy ang tuhod ko sa boses pa lang niya .

"Ahmm nagising ba kita ?" Ayy ang tanga mo christine halata namang nagising mo diba ? Eh wala kasi akong masabi

"No it's ok baby,how are you?" Halos gusto ko ng umiyak ng marinig ko ang pagaalala sa boses nya

Ampayn tenkyu ? Yun diba ang dapat sabihin .

"Baby,nanjan ka pa ba ?"

"Oh . Im still here,ok lang ako daniel . Ikaw kamusta na ?" Tanong ko habang inaayos ang sarili sa tapat ng salamin

"Hmm mejo nakakapagod dahil panay ang ensayo para sa laban this friday " wow ang conyo ni babe huh .

"Hindi ka makakapagtext ?" Tanong ko pero alam ko naman na busy sya pero hindi ko talaga mapigilan na sumakit ang dibdib ko sa tuwing namimiss ko sya

"Magtetext ako kapag free ako at tatawag na din para hindi mo ako mamiss " sabi niya

Uminit naman ang pisngi ko dahil alam niya na namimiss ko sya,ganun na ba ako kahalata na kahit boses ko lang ay alam na niyang namimiss ko sya ?

"Aalis na ako daniel, maya ka na lang tumawag--" at sa pangalawang pagkakataon ay pinutol nanaman po niya

"No baby, wag mo patayin hayaan mo lang para alam ko kung ano nangyayari sayo. Gusto ko marinig ang paghinga mo" pagputol niya sa sasabihin ko

So wala naman akong magawa dahil gusto ko rin syang marinig na animo ay magkatabi lang kami,palibhasa ang yaman nito kaya ang lakas ng loob magsayang ng load eh .

Nagheadset na lang ako para hindi masyadong halata ni maam,actually kanina pa nagsasalita ang prof ko sa harap at ako naman ay kanina pa kausap si daniel .

"Im telling you some easy logic quiz and you need to answer,this is your first quiz in my subject so be attentive" rinig kong anunsyo ng aming prof. sa unahan.

Hindi ko na rin marinig si daniel sa kabilang linya kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap .

"Imagine you are in a dark room. How do you get out?" Panimula ni maam

"Like duh ! Just stop imagining" sagot ng kaklase kong maldita

"Shiela is right. Stop imagining. simple like that " sang ayon naman ni maam

"What can you catch but not throw?" Tanong ulit ni maam

Siguro sinaulo na ni maam yang ipapaquiz niya samin dahil wala syang dalang papel o kung ano man na pagkukuhaan ng mga tinatanong niya

"A cold" mahinang sabi ni nami sa harap na hindi pa nga yata sigurado

"Correct nami . Next, What kind of tree can you carry in your hand ?" Nakangiting sabi ni maam

  What ? Tree that can carry in my hand ? Ano namang puno yun eh halos lahat malalaki ? Ahmm mango tree,banana tree,acacia tree--

Naputol ang kunyaring pagiisip ko nung nagsalita ang president namin

Once is Enough (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon