19: Misunderstanding

71 18 2
                                    

Nabibingi ako sa lakas ng kabog sa dibdib ko,basang basa na ang mukha ko ng sariling luha at halos mapunit na ang bed sheet sa sobrang paghila ko dito .

"Baby look at me . Please look at me" pagsusumamong pakiusap sakin ni daniel

Paulit ulit lang akong umiling para malaman niya na ayokong tingnan sya . Huminga sya ng malalim bago magsalita

"Gusto kong makita mo ang taong mahal ko " tangina ! Kailangan talaga ipamukha pa sakin ? Kailangan Inuulit ?

Gusto ko ng patayin ang laptop para makaiwas sa kung ano man ang sasabihin niya pero meron din sakin na gustong malaman at makilala kung sino talaga ang mahal niya . Nanatili lang akong nakayuko at hindi nagsasalita 

"Nakilala ko sya dahil sa tukso ng isang kaibigan hindi ko alam na ang kantyawan na yun ay magiging totoo at seseryosohin ko" hindi ako makapagsalita dahil alam ko na kapag nagsalita ako at pinigilan sya ay mababasag lang ang boses ko at malalaman niya na kanina pa ako umiiyak .

"Isa syang simpleng babae,walang pakialam sa itsura at sobrang taray haha . Hindi niya alam sa kinikilos niya ay may napapahulog at napapaikot na siya sa kanyang kamay na lalaki ng hindi niya namamalayan "

Mahabang katahimikan pa bago sya ulit nagsalita .

"At isa na ako dun . Hindi din ako makapaniwala na nakuha niya ang atensyon at puso ko ng walang kahirap hirap pero sya ? Ayun pinahabol pa ako at pinaranas ng ilang katarayan niya . Ngunit sa huli nagawa ko syang makuha at maging akin . "

Parang sinasaksak ang puso ko sa mga naririnig pero sya ayun patuloy pa rin sa pagpapakilala ng kung sinong nilalang na mahal niya ! Na hindi man lang iniisip ang nararamdaman ko !

"Sinabi ko sa sarili ko na oras na maging akin ang babaeng ito ay hindi ko na sya papakawalan pa ! Haha napakaswerte ko dahil kahit hindi nya laging pinapakita alam ko naman na mahal niya rin ako . Para akong nasa cloud9  tuwing ngumingiti sya . Kaya pinangako ko sa sarili ko na papakasalan ko ang babaeng ito at aalagaan hanggang sa tumanda ."

"Kahit na masyado syang stubborn at 34 A lang ang size ng bra niya,kahit na may pag kainosente sya at mataray . MAHAL NA MAHAL KO SYA "

"Ngayon humarap ka na baby,para naman akong tanga na nagsasalita pero nakayuko ang kausap diba ?haha"

Inayos ko muna ang sarili at pinunasan ang mukha bago ako tumungo para tingnan sya .

Hindi ko sya nakita sa halip ay sarili ko lang ang nakita ko . Dun nag sink-in sa utak ko na salamin ang nakaharap sa camera at hindi sya .

"Nakita mo na sya ?" Inalis niya sa tapat ng camera ang salamin para makita ko sya pagkatapos ay binalik niya din agad .

"Baby, Mahal na mahal kita at ikaw lang ! Ikaw lang ang nakikita ng gwapo kong mata at sayo lang ang puso at makisig kong katawan,itaga mo pa sa abs ko !"

Hinawakan ko ang bibig ko habang patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko pero this time hindi dahil sa sakit ng damdamin kundi dahil sa taong nasa harap ko na pinapatunayan na mahal na mahal niya ako .

Inalis niya ang salamin at ngumiti sakin ngunit nagbago agad ang ekspresyon niya ng makita ang itsura ko .

"Oh God ! Baby hush,Ow baby please don't cry "natataranta niyang sabi at ginulo ang sariling buhok

Natawa naman ako sa ginawa niya at pinahid ng dalawang kamay ang luha ko atsaka ngumiti sa kanya .

"Hush baby,i can't stand seeing you crying " sabi niya ulit sakin

"Haha leche ka ! Akala ko kung sinong nilalang ang ipapakilala mo sakin ! Akala ko pinagpalit mo na ako dyan ! Naisip ko tuloy na nagsawa ka na sakin at ayaw mo na sakin . Huhu . Pinakaba mo akong gago ka ! Akala ko kung sino na . Akala ko si vanessa na !" Sa huli kong sinabi ay napatigil ako at pinahid ang luha na patuloy pa rin sa pagalpas kahit na kanina ko pa pinapahid

Naitakip ko na lang sa mukha ko ang kamay ko .

"No baby, hindi ko yun magagawa sayo at hindi ko yun gagawin sayo . I will promise na ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa kaya ko . Tanggalin mo sa isip mo na ipagpapalit kita kahit kanino "  seryosong sabi niya sakin

Tiningnan ko lang sya sa mata at ngumiti . Tumango at ngumiti sya sakin

"I love you daniel.natatakot lang ako" sabi ko at yumuko ulit

"Baby,I want you to trust me . If i am your boyfriend then it means i'm all for you,i don't want a relationship that will last a few days . I got into this because i saw something with you . I am yours and you are mine end of the story " mahabang litanya niya na nakapagpaangat ng ulo ko atsaka sya ngumiti .

"I love you christine" sabi niya at lumapit sa camera para kunyaring halilan ako . Napapikit na lang ako para maisip na hinalikan nga niya ako .

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang library . Napapangiti na lang ako pag naalala ko ang nangyari kagabi animo ay isa akong batang inagawan ng laruan kung makaiyak pero wala naman pala akong dapat iyakan haha natatawa na lang ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa emosyon ko na mali naman pala .

Sa susunod aalamin ko muna ang totoo bago ako magpadala sa emosyon ko dahil ang nagyari kagabi ay isang hindi pagkakaintindihan . At ayoko ng maulit yun dahil ayokong maging totoo ang narandaman ko kagabi,ayokong mawala sakin si daniel .

---

Vote.comment.suggestion and advice ^-^ Thank you po . #LameOrSabawSiUD

Once is Enough (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon