Chapter 4

9 0 0
                                    

Clark's P.O.V.

"Ok, dismissed"sabi ng principal kaya lumabas na agad ako at tinawag naman ako ng sekretarya ko.

"Ahh sir, nakalimutan kong sabihin kanina na may magaganap ng meeting sa mga estudyante mamaya dahil papalapit na ang Festas... At sa susunod na buwan na yun igaganap" tugon sa'kin ni Flora, yung secretary ko kaya napatango lang ako bilang sagot niya at lumabas na ng Office.

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si Krystal habang ine-enjoy ang view ng football field kaya inosente akong nilapitan siya.

"What are you doing here?"napatalon naman siya dahil sa gulat at napahawak pa sa kanyang dibdib kaya binigyan ko siya ng nagtataka na tingin. "I thought na nasa dormitory ka na ngayon?" Dagdag ko pa.

"Ahhh...Nagpapahangin lang ako dito, medyo boring kasi sa dormitory at also maiinit do'n"napatango na lang ako sa sinabi niya. Agad kong sinuksok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko at nagsalita.

"You should go back to your dorm kahit maiinit para makapag-pahinga ka na" usad ko pa kaya napatango na lang siya at umalis na sa harap ko.

Bumalik na ako sa dormitoryo ko nang masagip ko ang isang papel na naka-ipit sa ballpen ko kaya agad ko naman kinuha iyun at isang liham na walang pangalan.

Pagdating ng panahon, masisilayan na kita muli. Mahal ko.

Hindi ko alam pero parang na-curious ako dahil sa liham na ito. May isang babae lang naman ang sumulat nito, ay walang iba kungdi si... Roshana...

Roshana Quivara. Ang tanging babae na nagpapatibok sa puso ko pero siya ding ang nagpasakit sa damdamin ko. Namatay siya pero hindi ko na lang sasabihin sa inyo kung bakit.

Napa-buntog hininga na lang ako at nilukot yung papel sabay tapon sa basurahan.

Hiniga ko na ang katawan ko sa kama dahil sa pagod. Pinagmasdan ko lang ang kisame na may chandelier at napahilamos naman ako ng mukha at nang pumasok sa isipan ko si Krystal.

Hindi ko alam pero parang nay kakaiba sa babaeng yun. New student at galing pa sa mga mundo ng mga tao eh kung gano'n pa'no siya nakarating dito?.

Wendy's P.O.V.

"'San ka galing Krystal?"tanong ko sa kanya pagdating niya sa dormitory room.

"Sa football field, bakit?" Sagot niya.

"Anong ginagawa mo dun?"taas kilay na tanong ko.

"Nagpapahangin, medyo bored kasi dito kaya naisipan ko kanina ang lumabas."

"Sa lagay mong yan, eh hindi mo nga kabisado ang pasikot-sikot eh"banat ko.

"Wendy...Anong lugar ba ito? Bakit kakaiba ito kaysa sa mga ordinaryong paaralan?"tanong niya at bakas sa mukha niya ang wala talagang alam sa  paaralang ito.

"Pasensya na ngunit hindi ko sasabihin sa'yo pero malalaman mo rin 'pag dating ng panahon"

"Ayoko na sa ibang panahon gusto ko ngayon mismo... Dahil sa totoo lang gusto ko nang bumalik sa school ko" hindi naman ako nagsalita sa sinabi niya.

Patawad ngnuit hindi ka na makakalabas sa paaralang ito.

"Wendy?" Napatingin naman ako sa kanya  at may luha ng pumatak sa kanyang mga mata.

"Sa kwarto muna ako"paalam ko at tumayo na at iniwan siyang parang estatwa sa pintuan.

Krystal's P.O.V.

Nalilito ako... Nalilito ako sa inaasta ni Wendy. Bakit hindi niya sinasabi sa'kin ang tungkol sa paaralang ito? Sadyang napaka-misteryoso talaga 'to.

Padabog kong sinarado ang pinto at humiga sa kama. Inis akong tinakpan ang mukha ko sa unan at sumigaw.

"Anong nandito sa paaralang ito?!" Sigaw ko. Nagulat na lang ako nang lumiwanag ang Kuwintas na suot ko at nang may isang paru-paro na lumabas.

Teka?! Ito yung paru-parong lipad ng lipad at siya ang may kasalanan kung bakit ako nandito...

Bigla na lang lumipad ang paru-paro patungo sa labas at sa bintana pa dumaan. Kaya hindi naman matiis ang paa ko na sundan siya kaya sinundan ko yung paru-paro.

Nang makalabas ako ng dormitory, hinahanap ko ang yung nilalang na iyon nang makita ko siya do'n sa football field, agad naman akong nagtungo do'n.

Nagulat na lang ako nang isang magandang dilag ang nakita ko. Nakasuot siya ng bestida na kulay lila at may pakpak ito. Sumasayaw ito kasabay ng mga maliliit na ilitaptap na pinapalibutan siya nito.

Naistatwa naman ako sa makalayuan ng magtama ang paningin naming dalawa, ngumiti siya ng matamis yung tipong nakakaakit at bagay na bagay sa kagandahan niya.

Napaatras naman ako ng lumapit siya sa'kin. Bigla na lang nagdilim ang paligid at tanging kami lang dalawa ang nandito ngayon magkaharap.

"Estal... Wag kang matakot, ako ito si Roshana, hindi mo ba ako maalala?" Nakangiting tanong niya kaya napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Whut?

"Sandali l-lang...mukhang namumukhaan kita pero di ko alam kung kailan kita nakita" imik ko pa at tumawa naman siya ng mahina.

"Hindi na mahalaga kung kailan tayo nagkita basta ang importante, ingatan mo siya" banta pa niya kaya napakunot naman ako ng noo.

What did she mean?

"Ano ang ibig mong sabihin?"takang tanong ko pero nanatili lang siya tahimik at nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.

"Hindi ko na sasabihin kung sino ang ingatan mo basta ingatan mo siya"aniya pa at bigla na lang lumaho na parang bula.

"Krystal!"natauhan na lang ako ng tinawag ni Ivy ang pangalan ko.

Nasa football field ako ngayon pero wala na yung babaeng nangangalang Roshana na nakita ko kanina.

"Krystal? ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong ni Jake at napatango na lang ako. Nagulat na lang ako ng magtama ang nga mata namin ni Clark dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong nangyayari sa'kin?

Ivy's P.O.V.

Nagtungo ako kanina sa canteen ng masagip ko ang tingin ko kay Krystal na tulala sa football feild.

Agad ko naman siyang nilapitan at tinawag ang kanyang pangalan pero nakatingin lang siya sa'kin.

"Krystal? Ayos ka lang ba?"nagulat na lang ako sa nagsalita at si Jake lang pala, at kasama niya si Clark.

Napatango na lang siya bilang sagot at binaling ang tingin kay Clark at ngayon ay nagka-eye contact ang dalawa.

Kami naman ni Jake ay palipat-lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa.

"Ahh...may lakad pa pala kami ni Ivy. Una na kami bye"paalam ni Jake sabay hila sa'kin pero nagulat na lang ako dahil hindi man lang umimik ang dalawa.

At ngayon ay hila-hila ako ni Jake kaya nagpumiglas ako ngunit hindi ko magawa dahil mahigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"H-hoy! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"reklamo ko.

"Ano ba?! Wag ka ngang maingay. May pupuntahan tayo!"

"Saan na naman ba?"

"Sekretong malupet!"

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Floral AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon