Chapter 1

16 1 0
                                    

Krystal's P.O.V.

Nagbabasa ako ng libro dito sa library. Gusto ko dito kasi tahimik at higit sa lahat makapag-focus ka sa bawat pag rereview. Well malapit na ang 1st class ko kaya sina-uli ko na ang libro sa bookshelf. Well saktong-sakto naman tumunog na ang bell. Lumabas na ako sa library at pumunta na ako sa classroom ko.

At the Classroom

Nakarating na ako at ang ingay ng mga estudyante dito. Grabe, parang walang bukas makapag-kuwentuhan 'tong mga 'to. Umupo na ako sa seat ko habang hinihintay ang prof. Hayst, ang tagal naman ng prof, bakit ba palagi lang sila pumapasok ng late? Hayst nakakawala tuloy ng gana.

Few Minutes later

Dumating na ang prof at nagsitahimikan silang lahat. Haha buti nga sa inyo wahahaha. "Good Morning students"bati ng prof samin "Good Morning Mr. Jones"bati din namin sa kanya.

"Sorry late ako pumasok kasi alam niyo namang marami kaming inaasikaso para sa First Grading activities ninyo"

"It's okay Sir, it's no big deal"sabi ng kaklase kong si Trisha.

Ngumiti lang si Mr. Jones at sinumula na niya ang discussion. At nang may tumatawag sa pangalan ko

Krystal...

Eh? Ang creepy ng voice... Eh ang tahimik namin dito.Baka gutom lang 'to hayst oo nga pala, hindi ako nakapag-almusal kanina.

Fast Forward

Woh! Lunch break na! Yes, saktong-sakto gutom na ako e, hehe. Pumunta ako sa cafeteria para um-order ng makakain.

Tsaka nga pala, hindi pa pala ako nagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Krystal Niomi Sandoval... 17 years old and A senior high school student. Well wala akong kaibigan niisa lang, wala. Well mahilig akong mag archer. At hobby ko ang pagbabasa. I'm not a nerd pero gusto ko lang talaga mag-basa ng libro.

Umupo na ako sa paborito kong table at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako, nakaramdam ako ng kakaiba, hindi ko malaman kung ano yun.

Krystal...

Krystal...

Krystal...

Ahh... Ano ba? Bakit may tumatawag na naman sa pangalan ko?! Ahh baka nga talaga gutom lang 'to. Pero hindi e, tapos na kaya akong kumain.

Tumayo na lang ako at naglalakad papuntang locker room. At nang pagdating ko, walang tao. Kinuha ko na ang libro ko at lumabas na ng locker room at nang may tuwamag na naman sa pangalan ko

Krystal...

"Ahh! Di mo ba ako titigilan?!"

Napabigla kong sabi... Buti na lang walang tao dito,nandun kasi lahat sila sa cafeteria. At nang may isang matanda akong nakita at nakatingin siya sakin. Hala? Bakit siya nakapasok dito. Naglakad naman ang matanda papalapit sa direksyon ko kaya agad naman akong napaatras.

"Ikaw ba yung babaeng naliligaw dito sa mundo ng mga tao?"luh? Pinagsasabi neto?

"What do you mean?"na-curious tuloy ako. Bakit ako naliligaw e kabisado ko na nga ang mga lugar dito. Sa 17 years kong namumuhay sa mundong ito, tapos pagsabihan lang na naliligaw ako? Haha nagpapatawa ka ba lola?

"Pasensya ka na hija"may kinuha siyang bagay sa kanyang bulsa at nang makita ko ito. Isang Kuwintas? Ano naman gagawin ko jan?

"Ahh Lola para san ho yan?"tanong ko

"Tanggapin mo 'to hija, kailangang-kailangan mo ito"kinuha ko naman ang kuwentas na binigay sakin ni lola at may nakalagay itong isang krystal.

"Oh sya aalis na ako hija" nakatitig lang ako sa kuwintas, hindi ko namalayan na umalis yung matanda, pero bakit ang bilis ata nawala?

Pero nung nakita ko yung matanda kanina? Bakit parang may something sa sinabi niya? Na-curious tuloy ako.

Dormitory...

Nandito ako ngayon sa dorm ko habang pinapahinga ang katawan ko dahil sa dami ng projects kahit first day pa lang. Hayst.

Naalala ko naman yung binigay ng kuwintas sa'kin nung lola kaya kinapa ko yun sa bulsa at pinagmasdan ang kristal niyang pendant.

Parang may kumirot sa puso ko nung makita ko ang tekstura, at porma na kristal na ito. Parang nakita ko na ito dati pero di ko maalala.

Napaupo naman ako sa kama habang nasa kuwintas pa din ang atensyon ko.
Sinuot ko naman ang kuwintas kahit na ayaw ko pero itong kamay ko kapag alahas na parang ahas na.

Nagulat na lang ako ng umilaw ito pero saglit lang. Kinusot ko naman ang mga mata ko ngunit hindi na umilaw pa kaya napahiga ulit ako at napahilamos sa mukha.

Baka pagod lang ako kaya napansin kong umilaw ito...

Agad ko naman pinikit ang aking mga  mata hanggang sa makatulog ako.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡Itutuloy

A/N: Short chap ang shaklap!*face palm*

Sensya na kung short lang ang chapter na 'to... dami ko kasing assignments eh. Yaan niyo babawi ako next time. Hehe. *hugs*

Floral AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon