Krystal's P.O.V.
**
Gumising ako ng maaga kasi trip ko lang. Haha. Di biro lang.Well, naligo na ako at pagkatapos nagbihis na ng uniporme tsaka lumabas ng dorm at pumunta na sa cafeteria para mag-almusal.
At the Cafeteria
Nag-order na ako tsaka pumunta sa table para kumain. Ilang sandali lang ay naubos ko na ang pagkain ko.
Hindi naman sa matakaw ako sadyang malakas lang talaga ako kumain.
Pumunta muna ako sa comfort room para makapag-ayos naman kunti at nang pagdating ko dun. Wala na namang tao.
Nag-aayos ako sa sarili ko at nang napansin ko na umiilaw ang kuwintas na binigay sakin ng matanda kahapon. Kulay Lila ang kulay neto habang umiilaw at nang may nagpakita sa akin na isang paru-paro. Ang ganda ng pakpak neto. Yung lila na may halong itim at puti.
Bigla na lang lumipad papalayo ang nilalang na yun, para bang gusto ko etong sundan. Well, malayo pa naman ang oras para sa first class ko kaya sinundan ko na lang ito.
Lakad lang ako ng lakad. Nagtataka nga ang mga schoolmates ko ng patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa paru-paro.
Ilang minuto na akong naglalakad sa kakasunod sa paru-parong ito. Nagsisimula na ata yung 1st class.
Bahala na...
Wala akong magawa kungdi sunod lang ng sunod sa paru-paro na yun at nang makarating na kami sa isang gubat.
Maraming mga matataas na puno dito at tanging mga tuyong dahon sa lupa lang ang naririnig ko dahil sa yapak ko.
Namalyan ko na lang na hindi ko alam ang gubat na ito... Shocks! Naligaw ba ako? No!!!
Tinignan ko ang paligid, wala na ang paru-paro. Aalis na sana ako sa gibat na yun at nang bigla akong natumba dahil sa pagkahilo ko.
Pinipilit ko pa din imulat ang mga mata ko ngunit malabo na ang nakikita ko hanggang sa nagdilim na ang paligid ko.
**
Krystal...
Krystal...
"Krystal?!"minulat ko mata ko at nang isang babae ang bumugad sa mukha ko. Nanlaki naman ang mga mata ko at napasigaw.
"Ahh!!! Sino ka?"Aba! Hindi lang siya nag-iisa, tatlo sila nandito ah! "Sino kayo?"
"Ahh Krystal-"hindi ko pinatapos ang babae kanina at nang nagsalita ako "Bakit ako nandito? Bakit alam mo yung pangalan ko? Tsaka anong nangyari sakin nung isang araw?"sabay-sabay kong tanong sa kanila.
"Woah take it easy. Isa-isa lang muna okay?"sabi pa nang isang lalaki dun malapit sa pintuan.
"Natagpuan ka namin sa labas ng Academy kaya dinala ka na namin dito upang ipagamot yang gasgas sa braso at kamay mo"sabi ng babae na katabi ko ngayon. Tinignan ko pa ang braso at kamay ko ngunit wala pang banda ito.
"Gagamutin eh hindi niyo pa nga ginagamot 'tong sugat ko pero bakit ako nandito eh diba sa ospital na ako ngayon? Tsaka magpakilala nga kayo"sabi ko sa kanila at ngumiti naman yung babaeng katabi ko dahilan para ma-creepyhan ako.
"Well, si Clark ang gagamot sa'yo Ako nga pala si Wendy"pakilala niya sa'kin sabay ngiti.
"Ako naman si Jake"sabi naman ng lalaki dun malapit sa pintuan.
"At ako naman si ivy"sabi naman ng babae na malapit naman sa bintana.
Tsaka biglang tumayo si Wendy at nagsalita."Tatawagin ko muna si Clark... ah Ivy, Jake kayo na bahala kay Krystal"kumindat siya sakin at tsaka umalis.
Grabe ang ganda naman niya. Pero bakit may mga kuwintas din sila? Umiilaw din kaya sa kanila katulad sakin? Hays makapag-panibago nga lang kasi iba ang kulay ng mga mata nila.
Tahimik lang kaming tatlo dito sa isang Clinic ng Academy ata nila. At nang makalipas ng sampung minuto may dumating, lalaki siya. Siya siguro yung Clark na sinasabi nila. Matangkad, gwapo tsaka ang angas ng dating.
"Ahh si Clark Cervantes pala, Krystal. Ang President of the Student Council" pakilala ni Wendy kay Clark sa'kin.
Hindi naman siya kumibo pero nakatingin siya sakin. OmO! Kulay berde yung mata niya hindi katulad kala Jake, Wendy at Ivy. Kakaiba lang kasi eh, parang hindi sila ordinaryong mga tao pero malakas ang kutob ko na iba sila sa mga ito.
Tinignan ko silang apat, at ang kanilang mga mata ay may iba't-ibang kulay eh samantalang sa akin ay brown lang. Yung kay wendy blue, kay Jake naman yellow at kay Ivy pink.
Nakakamangha tuloy.
"Ah Krystal kaya ko pinapatawag si Clark para mapagamot ang sugat mo sa braso"nakangiting sabi sakin ni Wendy kaya napatingin naman ako sa braso ko at may sugat nga ito...
Agad namang lumapit si Clark kaya napaatras naman ako.
"Ano ba? Gagamitin ko lang ang sugat mo. Aatras ka na? Tss."inis na sabi niya dahilan para taasan ko siya ng kilay.
"Wow... Pa'no ako lalapit eh hindi ako lumalapit sa mga stranger na katulad mo"pang-eecheos ko sa kanya kaya napakamot siya ng ulo at lumapit muli sa'kin.
"Stranger? Hello? Gagamutin ko lang ang sugat mo wag kang ano?"aniya pa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Natahimik naman ako at agad naman niyang kinuha ang braso ko at agad ginamit yun.
"Wag kang gagalaw medyo masakit to kaya tiisin mo"
"Sige---Aray!!!"
Ang hapdi...Pramis...
"Araaaaaayy!!!"
"Wag ka ngang maingay!"inis na sabi niya.
"Mahapdi eh"
"Tiisin mo!"
"Arraaaayy... Ayoko naaaa"
"Tiisin mo Krystal"ani Ivy kaya napatingin naman ako sa kanya.
At nang makalipas ang ilang minuto.
"Oh ayan tapos na" aniya habang kumuha ng benda para sa braso ko.
Agad naman niyang tinabunan ito nang malinis na cotton at sinabayan ng benda.
"Salamat"
Hindi siya sumagot at kusa lang lumabas ng clinic.
Tss... Walang galang...
"Maiwan ka muna namin dito Krystal"paalam ni Wendy kaya tumango lang naman ako.
Lumabas na sila ng clinic kaya naiwan akong mag-isa dito sa loob. Hangin lang ang naririnig ko mula sa bintana kaya ipinikit ko ang mga mata ko at hanggang sa makatulog ako.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Floral Academy
FantasíaAng 'Floral Academy' ay isang paaralang nangangahulugang may isang babae na matagal ng nag-aaral sa paaralang ito. Ang Floral Academy ay para lang sa mga taong may kapangyarihan. Isa itong misteryoso, hindi ito makikita ng mga taga mundo ng tao mali...