"Krystal" iminulat ko ang mga mata ko nang mukha agad ni Wendy ang nakita ko at nasa clinic pa din ako.
Hindi ito panaginip!
Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at nang namalayan ko nandito silang apat. Agad naman nanlaki ang mga mata ko ng taasan ako ng kilay ni Clark kaya dali-dali akong pumuntang palikuran at humarap sa salamin at nang...Ang panget ko!
Tulo laway pa at may muta pa sa mata. Shocks! Nakakahiya ka Krystal!
Nasa labas na kami ng clinic. Hindi ko maiwasan ang na-curious.
Medyo naguguluhan pa rin ako sa ngayon. Asan na nga ba ako? Bakit hindi ito pamilyar sa 'kin maliban sa ibang school?
Sa dami-dami ng tanong ko, niisa lang wala akong nakahanap ng sagot. Gusto ko sanang magtanong sa kanila pero kinain ako ng hiya dahil sa nangyari kanina, kaya napa buntong-hininga na lang ako.
"Mr. Cervantes , nandito lang naman pala kayo--sino siya?"tanong ng isang lalaking hindi pamilyar ang mukha
"Newbie"tipid na sagot ni Clark.
Hindi na umimik ang lalaki at agad siyang umalis kasama si Clark. Hinabol ko lang naman sila ng tingin hanggang sa lumiko sila sa left side na way.
"Saan sila pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.
"May meeting sila. Ya know President dito si Clark ng student council" aniya Wendy.
Ahh kaya pala...
"Wendy, Ivy mabuti pa't pumunta tayo sa office ni Mr.Liam sasabihin natin sa kanya na may bagong estudyante na papasok dito"aniya Jake at sumang-ayon naman ang dalawa.
"Krystal? Tara do'n sa principals office"yaya sakin ni Wendy, kaya taka akong napatingin sa kanila pero hindi nila ako pinansin. Magrereklamo sana ako ngunit kinaladkad na ako ni Wendy papuntang office.
At nang makarating kami kitang-kita ko ang laki ng pinto. Binuksan nila ito at isang malaking office. May chandelier sa kisame at may mga mamahaling gamit na naka-display, at medyo madilim din dahil sa hina ng pag-ilaw nung chandelier.
Hindi ko mapigilan ang mapanga-nga sa ganda nito. Para sa akin ibang-iba ito sa paaralang napasukan ko.
"Oh students? Bakit kayo nandito?"isang boses lalakin. Napatingin naman ako do'n at nakaupo siya sa swivel chair habang nagtatakang nakatingin sa amin.
"Mr. Liam it's a pleasure to see you. This is Krystal ang bagong estudyante dito"ani Wendy at nabigla naman ako sa sinabi niya.
What? Bagong estudyante?
Nanatili lang akong tahimik dito dahil ayaw naman ng bibig ko ang magsalita.
"I see... What's your name iha?"tanong nung principal nila kat napalunok naman ako at tumingin kala Ivy.
"K-Krystal Niomi po... Krystal Niomi Sandoval"at nang pagkasabi ko sa whole name ko nanlaki ang mga mata ni Sir kaya taka ko siyang tinignan. "Okay lang po ba kayo?"
"A-ahh yes... Medyo may pagkagulat lang"
"Ano naman po yun?"
"Ahh w-wala... Forget it"
Weird...
"K-krystal Sandoval right?"tanong ulit ni Sir at tumango naman ako. "Well, you officially enrolled" nagulat na lang ako nung pagkasabi nun ni Sir.
"H-ho?"
"You're officially enrolled"
Agad-agad?
"Ang bilis naman ho"
"Look, tinatanggap agad namin kung sino ang bago. Sa dinami-daming panahon ikaw lang ang unang estudyante ang nag-transfer dito"
Wtf? Ako pa ang kaunang-una na estudyante na nag-transfer dito?
"I heard na galing ka sa mga mundo ng mga tao"dagdag pa niya at tumango lang ako at yumuko. "Di ko inaasahan na mangyayari to"bulong niya pa pero dinig na dinig ko pero di ko pinapahalata.
"Di ko inaasahan na mangyayari to"
"Di ko inaasahan na mangyayari to"
"Di ko inaasahan na mangyayari to"
Hala? Anong ibig niyang sabihin?
So it means, ako pa lang ang unang estudyante na nag-transfer dito at di inaasahan na taga-mundo pa ng mga tao. Ang gulo , ang gulo-gulo.
"Susi mo sa dormitoryo mo. Magpasama ka kala Wendy"dagdag na namang sabi ni Sir at ibinigay ang susi kay Wendy...
"Tara?"nakangiting yaya sa akin ni Wendy at tinanguan ko na lang siya.
Lumabas na kami sa office at papunta na ngayon sa dormitory room...
"Woah! So mag dormmate pala tayo"ani Wendy.
"Talaga?"tanong ko at tinanguan niya ako ng nakangiti kaya ngumiti din ako.
"Hala! Tayo din... Eh mag dormmate kami ni Wendy eh" sulpot naman ni Ivy.
"Shheesshh tama na nga yan!"inis na sigaw ni Jake"Ang ingay niyo, nakakairita! "Dagdag niya pa.
"Edi takpan mo yung tenga mo!"sigaw naman ni Ivy.
"Tss... Whatever"singhal niya at sabay walkout kaya napatingin naman ako sa kanila.
"Anong nangyari don?"takang tanong ko sa kanila.
"Wag mo nang pansinin yun... Ganyan talaga yun minsan kung gutom. Hahahaha"natatawang sabi ni Wendy.
"Ibig sabihin mawawala siya sa mood kung gutom?"
"Ganon na nga"natatawang sagot niya, kaya napatawa din ako.
Sa haba ng pagchichikahan namin nakarating na kami sa dormitoryo namin kaya agad naman kami pumasok do'n at nang...
NGANGA...
Ang ganda dito! Malinis na malinis tsaka may chandelier. May kusina at may bathroom din syempre.hehe.
"Dito room mo"turo ni Wendy at ibinigay sa akin ang susi. "Bukas yung pasukan mo... Maya't-maya dadalhan ka ni ivy ng uniform"dagdag niya pa kaya tumango na lang ako at binuksan na ng pinto ng kwarto ko at nang.
Nganga ulit.
Kulay violet yung paint ng wall. Gosh! Favorite color ko 'to!!!
"Krystal... Tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka ha"aniya Ivy kaya tumango lang ako sa kanya.
Agad akong humiga sa kama at tumingin sa kisame na may mga kristal na chandelier...
Napatulala naman ako dahil sa ganda ng anggulo ng chandelier. Isa siyang gawa ng mga Krystal at mas nakaka-mangha pa ay may pagkahalong kulay lila yung mga ilaw. Ang ganda...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Floral Academy
FantasíaAng 'Floral Academy' ay isang paaralang nangangahulugang may isang babae na matagal ng nag-aaral sa paaralang ito. Ang Floral Academy ay para lang sa mga taong may kapangyarihan. Isa itong misteryoso, hindi ito makikita ng mga taga mundo ng tao mali...