***
"Punyeta! Nakakahiya!"
Luna couldn't help but curse to herself non-stop. Hiyang-hiya talaga siya sa nangyari 20 minutes ago. Paano kasi, while taking the temperature of a patient, sa sobrang lutang niya, 'yung ballpen niyang dala-dala ang nagamit niyang thermometer! Epekto ng hang-over! Napagtawanan tuloy siya nang sobra nong pasyente kanina, hassle! Prospect pa naman sana niya ito as future husband! Parati siyang nagpapacute rito whenever she does her rounds! Letche!
Habang umiinom ng red bull at kumakain ng sky flakes, a few minutes before the end of her break, bigla na lang may tumawag sa phone niya. It was Chance.
Ayaw niya sanang sagutin dahil sa tuwing tatawagan siya ni Chance, naghahatid lang 'to ng sakit ng ulo o 'di kaya'y masamang balita, pero hindi rin niya natiis na 'di sagutin ang phone.
"Luna..." tawag ni Chance sa kabilang linya.
"Ano?"
"P'wede bang i-move na lang natin next payday 'yung date ko kasama no'ng babaeng sinasabi mo?"
"At bakit naman? Off ka naman bukas 'di ba?"
"Oo nga. Pero kasi, wala akong pera. Nakakahiya naman sa date ko kung siya 'yung magbabayad."
"Paanong wala kang pera e payday ngayon 'di ba?"
"Oo nga. Kaso kasi, si Martin..."
"Sino 'yon?"
"Katrabaho ko. May sakit kasi anak niya 'e, kinailangan niya ng pera. Pinahiram ko sa kaniya sweldo ko."
"As in buong sweldo?"
"Oo."
"Tang ina."
"Okay lang naman 'e. May savings pa naman kasi ako. Kasya pa pangbayad sa renta at iba ko pang expenses for this month. Ang kaso, saktong-sakto lang talaga 'yun para sa basic needs ko. Kukulangin ako kung makikipagdate ako buka—"
"Ugh punyeta! Nakakainis ka talaga! Hindi ko na p'wede i-move 'yung date! Nakakahiya do'n kay Suzy!"
"Oh, okay. 'E 'di pautang na lang? Bayaran na lang kita next pay—"
"Ano pa nga ba! Ugh! Sinabi ko na sa'yo na wag ka nang magpapautang ng kung sino-sino a!"
"'E may sakit naman—"
"To hell with them! Problema na 'yun nong katrabaho mo! Bakit ikaw ang kailangang magsakripisyo e 'di mo naman sila kaano-ano! Isipin mo naman sarili mo minsan! Kainis ka talaga!"
BINABASA MO ANG
By any chance... will you marry him?
ComédieIto ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.