***
Matapos maiiyak ang lahat kay Kiamika, Luna was back at being her usual self the next morning. Panay na ulit ang mura niya ng punyeta, and she's not about to cry anymore tuwing makikita si Chance.
Kahit pagod sa shifts niya, she now makes time to meet up and date with Paul regularly.
Dahil nakasweldo na ulit si Chance, sinabihan na niya 'tong magluto na ulit ng sariling dinner.
Bihira na silang magkita ni Chance these days dahil sa sobrang busy niya. Hindi pa rin ulit ito tumatawag sa kaniya since Batangas, to save him from some trouble he got himself into.
"Baka si Suzy na ang tinatawagan niya," sambit ni Luna sa sarili. "Ugh, what ever."
Inignore niya ang mga gumugulo sa isip at nagpanggap na wala lang 'yon.
--
"Luna..." tawag ni Chance pagbukas niya ng pinto.
She knows he's supposed to still be with Suzy, kaya nagulat siya nang makita ito.
'Was he dumped?' sambit niya sa sarili. Kung dati'y halos mapamura siya whenever she would think that, ngayon she couldn't help but feel excited.
"Have you been dumped again?" tanong niya, feigning indifference.
Umiling si Chance.
Parang may kung anong sumapak kay Luna.
"Nakapagdecide na ako," sabi ni Chance.
"With what?"
"Sasama ako kay Suzy sa Dubai."
Parang natunaw ang mga tuhod ni Luna.
Para bang gusto niyang mapaluhod. Sobrang hinang-hina siya.
"I'm actually thinking of proposing to her too, balak kong gawin sa airport, bago kami sumakay sa eroplano."
Gusto ni Luna magmura ng 'punyeta' pero pinigilan niya ang sarili. "Oh, okay. Good for you. Congrats," she said, instead.
"Next week na kami aalis. Nakabili na 'yung friend niya ng ticket. Pinahiram niya muna kami ng pamasahe."
Gusto na niyang umiyak at ngumalngal at this point, but siya si Luna e. She's a strong woman. There's no way na iiyak siya sa harap nitong uhogin na Chance na 'to. There's no way na iiyak siya sa harap nito't magmamakaawang 'wag itong umalis kasi... Kasi... Bakit nga ba?
"Why tell me all this?" nasabi na lang ni Luna.
"Hindi ba sabi mo, that is your dream? Ikaw agad ang una kong sinabihan because I thought it would make you happy. Aren't you happy?"
Pinilit niyang ngumiti. Heck, she even forced a laugh. "S'yempre masayang-masaya ako! Punyeta sa wakas! Makakapamuhay na rin ako nang matiwasay!"
Chance smiled at her.
Parang may umapak sa mga basag na parte ng puso niya nang mapagmasdan niyang nakangiti si Chance.
"Saan ka pupunta, Luna?" tanong ni Chance. Bigla na lang kasi niya itong nilampasan.
"Sa bar! Obviously!"
Hinabol siya ni Chance. Sinundan. "Bakit ka mag-iinom? Hindi naman ako na-dump a?"
"I know. This is me celebrating. Sobrang saya ko kasi para sa'yo."
"I see," sagot ni Chance. Tahimik na lang siyang sumunod kay Luna papunta doon sa bar.
He sat by her side and never left until she passed out of drinking.
--
"I really hope this makes you happy," bulong ni Chance habang pasan-pasan ang lasing na si Luna sa likuran niya. "I just really want to make you happy."
"I feel like I would really die if I go and live without you, but if that will make you happy, then so be it," dagdag niya pa. "You are my happiness, Luna. I live, to see you happy. I hope me, getting married and settling with someone would really make you eternally happy."
"And if it's not too much to ask, sana mas mapasaya ka ng gagawin ko, kaysa sa pagpapasaya sa'yo ni Paul."
Tears were streaming down Chance's face habang naglalakad papuntang apartment nila. He didn't bother wiping them dahil hindi naman 'yon makikita ni Luna.
Only the moon and the stars above them were able to see and hear his sadness, that night. Sila lang. Walang kamalay-malay ang tulog ang tulog na si Luna.
--
"Punyeta!" sigaw ni Luna. She just had a nightmare. In her dream, she just witness Chance and Suzy getting married, then having kids, then getting old together.
"Kainis kang subconscious ka! Sabi nang wala na nga akong pake sa kanila! Bakit ba ang kulit-kulit mo!" sigaw niya sa kisame, as if naroon ang kinagagalitan niya.
The doorbell rang.
Si Chance ang unang pumasok sa isip niya, kaya hindi siya makaimik nang si Paul ang nakita.
"Nabanggit sa akin ni Chance na naparami daw inom mo kagabi. I bought you some tonic and some soup."
Hinalikan niya si Paul sa labi. A sweet peck. "Thank you," she said.
"You're welcome, Ms. Nurse."
Si Paul naman ang humalik sa kaniya. And this time, it wasn't just a peck.
BINABASA MO ANG
By any chance... will you marry him?
HumorIto ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.