***
"Ano na naman ba kasing ginawa mo this time?"
Kahit na kalmado ang pagtatanong sa kaniya ni Luna this time, Chance was still being mindful of their distance. Natatakot pa rin siyang saktan siya nito any moment, so he's still on his guard.
Umusod muna siya nang konti palayo rito bago siya sumagot. "Hindi ko alam. Ang sabi niya lang, 'e bakit hindi na lang si Luna ang i-date mo, gago!'."
"Ako? Paano ako nadamay?"
"Hindi ko nga rin alam, e. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain tapos bigla na lang niyang sinigaw 'yon, sabay walk out."
"Ano bang pinagkukwentuhan niyo?"
"Tungkol sa rabbit niya."
"Anong sinabi mo?"
"Sabi ko, 'si Luna, may rabbit din nong mga bata kami'. Tapos, kinwento ko sa kaniya kung paano mo iniyakan nang ilang araw no'ng takasan ka no'n. Then, somehow, I ended up telling her about our childhood escapades. Pati pala 'yung fiasco nong prom natin no'ng highschool. Tsaka ilang nakakatuwang events na nangyari sa atin nong college day—"
Binatukan ni Luna si Chance. Sobrang lakas.
"Aray!" daing nito. "Bakit!"
"E gago ka nga talaga! S'yempre maiinis nga 'yon. Puro memories ba naman natin together ang ikwento mo sa kaniya? Sira ka ba?"
"Anong masama do'n? I honestly thought those moments were fun. Di ba ang sabi mo sa akin, I should talk about something fun with my girlfriend?"
"Oo. Pero dapat 'yung fun din para sa kasama mo, hindi para sa'yo lang!" Napainom si Luna ng beer dahil sa frustration. "Pake ba niya sa pinagsamahan natin! Isa pa, Chance, babae ako. Kahit pa sabihing alam niya na may bf ako at na magkababata lang tayo, magseselos pa rin 'yun if all you do is talk about us! About me!"
Nagkamot si Chance ng ulo. "Gano'n ba 'yon?"
Nag-face palm si Luna. "Oo! Ugh! Kainis ka talaga!"
"Sorry. 'Di ko naman alam e."
Pumalatak lang si Luna.
"So? Ano nang gagawin ko? Sino naman ang bagong ide-date ko?"
"Siya ulit."
"Ha? E ayaw na nga niya sa akin. Nakipag-break na nga."
"Iba naman siya sa ibang nan-dump sa'yo. May pag-asa pang tanggapin ka niya ulit. All you need to do is repent and say sorry."
![](https://img.wattpad.com/cover/163829555-288-k884452.jpg)
BINABASA MO ANG
By any chance... will you marry him?
UmorismoIto ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.