Battle 3: Getting To Know Each Other

85 2 0
                                    

Sam's POV

Sa totoo lang ito talaga yung pinaka ayaw kong gawin sa lahat eh lalo na kapag first day of school, nakakapagod kasing magsalita, sayang laway ko. Sa lahat ng subject na nagdaan ngayong araw, parang siya lang ata ang nagpagawa ng ganito?? Well siguro okay narin to para makilala ko kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan at ituring na kaaway.


Later on..

Nagsimula na ang pagpapakilala ng bawat isa, at talagang nauna pang magpakilala ang mga bruha. Alam niyo na kung sinong mga salot ang tinutukoy ko.

"Hi classmates! I know na kilala niyo na ko as your Queen B. dito sa saint celestine right? Anyway magpapakilala parin ako para sa mga hindi pa nakakakilala sakin ng lubos. My name is Agatha Mae Martinez, 15 years old, captain of SCA cheering squad and that's all thank you!" *winked and evil smile*

May pakindat-kindat pang nalalaman. Kinaganda mo na yan? *raising eyebrows* Tss! Hapdi mo sa mata sa totoo lang.

Sunod namang nagpakilala yung isa sa mga alipores niya.

"Hi classmates! My name is Cathleya Gonzales, but you can call me Leya, I'm 15 years old and a member of SCA cheering squad, that's all thank you!"

"Mga feeling sikat, wala namang binatbat. Tss!" Moxie said.

"I strongly agree." Ash added.

Sunod na nagpakilala ay yung isa pang alipores ni agatha.

"Hello there, my fellow classmates. My name is Allyson Rosales, Ally for short, 15 years old and I am also a member of SCA cheering squad. That's all thank you."

Pagkatapos magpakilala ng mga babaeng gubat, well now  it's our turn. Syempre ako na ang unang nagpakilala para matapos na agad tong kalokohan na to. Habang naglalakad ako papunta sa harap, umepal na naman yung cliff na yun. Argh! Nakakainis na siya ha! Panira siya ng araw sa totoo lang! Bagay talaga sila ni agatha mga moment destroyer!

"Go baby! You can do it!" Pang-aasar ni cliff sakin. Nako! Nanggigigil na talaga ako sa kapreng to! Kung hindi lang ako nag-aaral nang mabuti kanina ko pa to pinatulan eh! Ayoko lang talaga mabigyan ng detention.

Oo maldita at masama ang ugali ko! Pero sa maniwala kayo't sa hindi, wala pa kong record sa guidance. Yah! You heard me right. Madalas kaming napapaaway dito sa campus pero after non, lahat ng nakakabangga namin ay binabalaan na namin agad bago namin sila bitawan, na walang makakarating na kahit anong sumbong sa guidance o sa principal's office about sa mga ginawa namin sa kanila. Alam nang lahat ng teacher dito sa campus na may pagka pasaway kami dahil sa mga naririnig nilang sabi-sabi ng mga estudyante dito tungkol samin pero hindi pa nila kami nagagawang parusahan dahil wala pa silang nakikitang ebidensya or any complainant.

"Hi everyone! My name is Sammeia Savard, but you can call me Sam. Im 15 years old. Half  thai, pure maldita. And that's all! K̄habkhuṇ." Agad naman akong bumalik sa kinauupuan ko.

[K̄habkhuṇ] Thank you in Thai.

Nagulat ako nang biglang pumalakpak si cliff.

"Ang galing talaga ng baby ko *evil smile* right baby sammeia?" Bigla namang nagtawanan ang mga kaibigan niya. Bwisit talaga! Baby? Yuck ha! Ang baduy niya. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga pang-aasar nitong kapreng to sakin! Feeling close masyado, pero kailangan kong magpigil sa ngayon. Relax sam! Relax.

"Sam wag mo nang pansinin, baka magkasagutan na naman kayo eh, mamaya mo nalang patulan yan pagkatapos ng klase natin." Pagreremind ni friz bago siya tuluyang naglakad papunta sa unahan.

Amazona Girls vs Play Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon