Battle 6: Clifford's Plan

59 2 0
                                    

Cliff's POV

"Hoy! Sam akin na nga yang notebook ko!"

"Sinabi nang ayoko diba are you stupid or what?!" Bwisit na babae to naiinis nako sa kanya ipapahiya ko talaga to. 

"ISA! Kapag hindi mo yan binigay ipapahiya talaga kita!" Umuusok na yung ilong ko sa inis.

Nagawa niya pa talaga akong ngitian. Talagang gusto niya mapahiya ha! 

Magsasalita na sana ko kaso nagulat ako sa sunod niyang ginawa!

"Sh*t!.."

Pinunit lang naman ng babaeng to yung notebook ko then crinumple niya at ishinoot sa trash. Arghhhh!

Sa sobrang inis ko hinablot ko sa kanya yung notebook at nilagay ko sa bag. Sinuot ko yung bag ko at naglakad diretsyo palabas ng room. Narinig ko namang tinawag ako ni ms. lim at ng mga play boys pero dire-diretso lang ako.

HUMANDA KA SAKIN SAMMEIA!

-Gymnasium-

Nandito ako ngayon sa gymnasium, nag yosi muna ko para matanggal ng kahit konti yung inis ko sa amazonang yun. That girl! Argh! Sisimulan ko na yung plano ko bukas, and for sure na matutuwa siya sa igaganti ko sa kanya. 

Maya-maya naman, nagtext si elton sakin.

From: LTon.
Cliff asan ka? Hinahanap kana ni Ms. Lim. Hindi kaba papasok ng last sub?

Nireplyan ko siya.

Hindi na! Dun muna ko sa bar nila ione. Pasabi nga rin pala kay agatha na puntahan niya ko don, after class.

Message sent!

Nagreply naman agad siya.

From: LTon.
Okay noted!

Pagkatapos kong magyosi, dumiretso agad ako sa bar nila ione. Nang makarating ako, umorder muna ako ng wine dahil almost two hours pa yata ang hihintayin ko bago matapos ang klase. 

"One Pinot Noir please!" I said to the bartender.

After 2 hours..

"Hi babe! Miss me agad? Haha. So sweet of yours." 

Here she goes..

"Can you take your sit first?" Utos ko.

Agad naman siyang umupo sa tabi ko. Hatalang curious siya kaya hindi niya na napigilang magtanong.

"What's going on?" Nagtatakang tanong niya and sinagot ko naman agad siya.

"Can you do me a favor?" 

Nagulat yata siya sa sinabi ko kaya nagtanong ulit siya.

"What kind of favor?" Taas kilay niyang tanong sakin.

I take some deep breathe before I continue.

"Diba mortal enemy mo si sam?" Biglang nagsalubong yung kilay niya pagkasabi ko niyan.

"THAT GIRL!!" Galit niyang sabi at muli siyang nagsalita.

"Oh ano namang meron sa babaeng yun? Kung gagamitin mo lang ako para mapalapit ka sa kanya, then ngayon palang magbaback out na ko!" Hindi ko napigilang matawa sa mga sinabi niya hahaha. Nagseselos ba siya?

"What's funny?" Nagtataka niyang tanong habang naiirita na sakin.

"Wait agatha. Listen tome first." 

Amazona Girls vs Play Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon