Battle 4: Secret Plans

72 1 0
                                    

Kinabukasan..


Sam's POV

"Tara na sam, pumasok na tayo. Baka malate pa tayo sa first subject natin." Pagyayaya ni moxie

"K!" Matipid kong sagot.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa room. Nagulat kami nang may biglang sumulpot na kapre sa harapan namin.

"Hi baby Sam! *creepy smile*" Sa sobrang gulat ko napasigaw tuloy ako nang wala sa oras.

"AY KAPRE!" Sabay hawak ko sa dibdib ko.

Dahil sa sinabi kong yun biglang nagtawanan ang mga amazona at ang mga kapre. Samantalang nanlaki naman ang mga mata ni cliff. Akma namang lumapit si zen kay cliff para hawakan ang mukha nito at binaling pakaliwa't pakanan.

"Sa mukha mong yan pre, parang di ko naman makita na may hawig ka sa mga kapre eh." Pang-aasar ni vex kay cliff at pagalit niyang tinanggal ang kamay ni vex sa mukha nya. 

Aba kasalanan ko bang nagulat ako? Eh siya nga itong bigla-bigla nalang susulpot sa harapan ko.

"Uy sam! Grabe ka naman sa baby mo. Hahaha" Natatawang sabi ni zen. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"WHAT DID YOU SAY?!" Iritang sigaw ni cliff sakin. 

Ay? kailangan talagang sumigaw? At sya pa talaga ang may ganang magalit ha.

"Bakit? Kasalanan ko bang paharang harang ka sa daraanan ko? Kasalanan ko rin bang nagulat ako sa laki ng mukha mo?!" *raising eyebrows* Wag mokong susubukan di mo pa ko kilala.

"Burn! Hahaha." Ione said. 

Maya-maya biglang bumulong sakin si friz.

"Sam we're running late. We have 3 minutes left." Pagpapaalala sakin ni friz. 

Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan, buti pinaalalahanan ako ni friz. Kung di lang kasi umepal tong kapre na to eh! Nakakaasar panira siya ng araw.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya.

"Pwede ba! Dadaan kami, and next time make sure na bago niyo ko kausapin may baon kayong pambara sakin para hindi kayo masyadong napapahiya. Lalo kana! *pointed to cliff*" Hindi na siya nakasagot pa. Aba dapat lang! Kung tutuusin wala talaga siyang binatbat sakin. Hindi ko narin siya hinintay pang makasagot kaya nagsimula narin kaming maglakad. 

Bago pa man kami makalayo, huminto muna ako at humarap sa kanila.

"Oh wait! I forgot one more thing." Nakangiti kong sabi.

"Pwede ba sa susunod, wag mokong tatawaging baby kasi hindi moko anak." Pagkatapos kong sabihin yun kay cliff ay tumalikod na ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Akala ko hindi na siya magsasalita pa pero mukhang natauhan ata siya.

"Hindi pa tayo tapos sammeia!"

Hindi ko na siya nilingon pa at nagwave nalang ako ng kamay as a sign of "Okay!" at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.




Cliff's POV

"Grabe hindi ko kinaya si sam. Hahaha" Elton said.

"Oo nga eh! Grabe ang talas ng dila. Totoo pala talaga yung mga sabi-sabi dito sa campus na napaka maldita ng babaeng yun." Ione said.

Amazona Girls vs Play Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon