Battle 8: Kreszens's Plan

11 0 0
                                    

Zen's POV

-ROOM 3A-

"Grabe cliff bilib na talaga ako sayo!" Sabi ni elton.

"Hindi ako makapaniwala na makakagawa ka ng ganun kalaking gulo." Ione added.

"I know." Cliff said.

Maya-maya bigla naman silang napatingin sakin.

"What?!" Taas kilay kong tanong sa kanila.

"How about you? May plano kana ba para kay friz?" Seryosong tanong sakin ni cliff.

"Oo nga zen. Magpapatalo kaba kay cliff? Eh kita naman natin kung paano ka binara ni friz noon sa cafeteria. Hahaha" Pang-aasar ni tanda.

Well, sa totoo lang wala pa talaga akong naiisip na plano.

Ano kayang magandang gawin sa babaeng suplada?

"Hoy zen ano na?" Tanong ni vex.

Hindi talaga marunong maghintay tong taong to, kitang nag-iisip pa ko eh.

"Oo! Meron na, meron na kong plano. Basta ako nang bahala don. Just watch and learn." Nakangisi kong sabi sa kanila.

Bigla namang pumasok sila friz, shanti at ash. Mukhang hindi yata nila kasama si moxie at sam?

"Pre tignan niyo. Parang kahapon lang si cliff yung wala tapos ngayon si sam naman. Hmm, mukhang nangangamoy destiny ah! Hahaha" Pagbibiro ni elton.

"G*go! Hindi mo ba napansin na wala din si moxie? Ugok ka talaga!" Inis na sabi ni cliff.


After 5 minutes..

Pumasok si sila sam at moxie kasabay si ms lim. Mukhang sinamahan ni moxie si sam para makapagpalit ng damit. Pagkaupo ni sam sa kinauupuan niya ay bigla siyang lumingon kay cliff at tinignan niya ito ng masama. Sinamaan naman siya ng tingin ni cliff.

"Mukhang grabe talaga yung epekto sa kanya nung ginawa mo kanina ah!" Bulong ko.

"Alam ko! Kaya kung ako sayo gagawin ko na yung plano ko bago pa mahuli ang lahat." Mahina niyang sabi.

Wala ba syang tiwala sakin? Baka di niya alam, si kreszens yu yata to.

"Noted!" Sagot ko.

Nagpatuloy naman sa pagdidiscuss si ms. lim habang kami ay tahimik na nakikinig sa kanya.

Makalipas ang ilang oras nang matapos ang klase namin, nagpaalam muna ako sa kanila para mag cr.

Pagkalabas ko sa room dumiretso agad ako sa may locker room. Hindi nga lang sa locker ng boys kundi sa girls.

Ang bawat locker dito ay may pangalan kaya madali ko lang mahahanap.

Nang mahanap ko na ang locker niya nagsimula na kong magsulat. Oo nagdala ako ng papel at ballpen nang hindi napapansin ng mga play boys. Gumawa lang naman ako ng love letter na may konting kalandian para madali siyang mahulog sa bitag ko.

Ako paba? Eh matinik ako sa mga chix kaya basic lang sakin to. Sa totoo lang hindi talaga ako marunong gumawa ng love letter. Mas sanay ako kapag personal kong sinasabi para mukhang sincere but for this plan? I know I can do this.

Lagot ka sakin ngayon friz! Makakaganti narin ako sa pagpapahiyang ginawa mo sakin sa cafeteria.

After ilang minutes, natapos ko narin yung love letter na ginawa ko at ipinasok ko na sa loob ng locker ni friz. Nagmadali narin akong umalis bago pa may makakita sakin dito.



Amazona Girls vs Play Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon