Battle 1: First Encounter

268 4 0
                                    

Sam's POV

*kkkrrringgg*

Aish ! Kainis naman ang ingay ingay.

No choice, kaya bumangon nalang ako at naglakad pababa ng hagdan.

Parang gusto ko pang matulog eh, pero hindi pwede dahil ngayon ang unang araw ng pasukan namin.

Matawagan nga muna si moxie.

Dialing ...

Moxie: Hello? Havinu's residence here! What can I do for you?

Sam: Hmm. Can I punch your mouth?

Moxie: No way! and no one can destroy my pretty face.

Sam: So, I am the one who can do that!

Moxie: Hahaha! Enough na nga, mukhang bad mood kana eh! Ang aga aga napaka highblood mo. Oh! bakit ka nga pala napatawag?

Sam: Bakit nga ba?

Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ako tumawag sa kanya.

Moxie: Hahaha! Mukang kulang kapa yata sa tulog ah! Higa ka ulit tapos itulog mo yan!

Sam: Ngò! Sige na, I need to prepare. Malelate pa ako sa first class natin dahil sayo eh!

[Ngo] "Stupid" in Thai

Moxie: Sige na! Distorbo ka rin eh!

Sam: Che! Ang ingay mo! Dinaig mo pa alarm clock ko eh!

*Call ended*

Hindi uso saming mga amazona ang word na "Goodbye". Alam nyo kung bakit? dahil "There's no good in saying the word Goodbye."

Oh! Nakakuha na naman kayo ng bagong trivia sakin. Psh! Enough this nonsense explanation, magpeprepare pa ko for school. Mag-aral nalang kayo para malaman niyo.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit na dadalhin ko sa school, tinawag ko ang tatanga-tanga naming katulong na ubod ng pagkanerbyosa at mabagal pa sa pagong ang kilos at sirkulasyon ng utak.

"YAYAA! LALAYAS NA KO! LINISIN MO 'TONG BUONG BAHAY HA!? KAILANGAN PAGDATING KO MAMAYA MAKINTAB NA DAPAT YUNG BUONG TILES, YUNG TIPONG PWEDE NAKONG MANALAMIN. YAYA! DO YOU UNDERSTAND?!!" Pasigaw kong utos habang nagmamadali.

"O-opo Madam,masusunod po." Natataranta niyang sagot sakin.

Mahahalata mo talaga ang bakas ng pagkanerbyos at takot sa mukha niya.

Aba dapat lang noh! Dapat kapag ako ang nag-utos lagi silang alerto, at dapat lang din na may takot sila sa nag-iisang amo nila.

Fast forward..

-Saint Celestine Academy-

Pagkarating ko sa school, as usual ako nanaman ang unang nakarating. Ano pa bang bago? Eh sa mababagal talaga kumilos yung mga yun eh!

"Damn it!" Ayoko pa naman yung pinaghihintay ako nang matagal.

"Ayun pala si sam oh!" Rinig kong sabi ni moxie sa di kalayuan.

Saang sulok ng daigdig kaya nanggaling tong mga babaeng to?

I crossed my arms with raising eyebrows, habang unti-unti silang palapit sakin.

Mukhang naghintayan pa nga yata sila sa labas ng school kaya sila nagtagal.

"Ano ba yan sam, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita-kita after ng sembreak ganyan agad isasalubong mo samin." Iritang sabi ni moxie.

Amazona Girls vs Play Boys [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon