06

372 38 10
                                    


DIVINUS FILES

HRM Department's Joaquin Park, was seen with Tourism Department's Bridgette Kang, and they are rumored to be dating. We got a fresh new couple in Divinus University! Like our page for more updates!

━━━━━━

I gasped when I saw the article. I scrolled through the pictures, it was really Joaquin and Bridgette. Napasinghap ako nang sa susunod na picture ay naghahalikan na silang dalawa. I placed my phone down and stared at nowhere.

"Wala na talaga akong pag-asa," sabi ko sa sarili ko. Joaquin has been my crush since 12th grade. Now we're in fourth year college, four to five years ko na pala siyang crush. Baka nga hindi na ito infatuation, na-inlove na talaga ako sa kanya.

Ang loyal ko talaga.

I chuckled at my own thought. Totoo naman, wala pa akong naging ibang crush simula nung nagkacrush ako kay Joaquin. Unfortunately, itong si Joaquin, hindi loyal. Papalit-palit ng girlfriends per two weeks! Tatlong araw daw ang tinagal nung recent girlfriend niya. Tangina talaga nito!

Hindi na ako magtatataka pa kung bakit maraming lumalapit sa kanyang mga babae. Gumawa pa ng fans club yung mga nakacrush sa kanya! Grabe grabe talaga. Syempre, hindi ako sumali dun. Dun kaya nagkumpulan ang mga karibal ko kay Joaquin.

I'm not obsessed with Joaquin. I'm not like those other girls who has a crush on him na sinusundan siya sa bawat galaw niya. Ang creepy nga. Buti pa ako, nagbibigay ako ng private space for him. Eh ano na yung mga fangirls niya? Siguradong turn off sila kay Joaquin. Tsk tsk tsk.

“Nandyan na si Joaquin! Omg!” sigaw nung kaklase kong mukhang clown dahil sa kapal ng make up niya. Parang ginawa nga niyang coloring book ang mukha niya sa dami ng kulay! Ang iba ay umayos na sa pag-upo, habang ang iba ay nagre-retouch pa.

Yes, Joaquin and I are classmates in the first three subjects. Ang swerte ko nga, mamamasdan ko siya for almost four hours! Nakaupo ako sa may bandang likod, kaya kitang-kita ko naman siya sa gilid. Ang ganda ng view ko parati, 'no?

Nang pumasok na siya ay nagsi-tilian ang mga fangirls niya. I covered my ears because of their high-pitched voices. It's better to protect my eardrum, baka mabingi pa ako dahil sa kanila. Napahalukipkip ako nang kumaway siya sa kanila. Some of the girls overreacted-ly fainted. I raised my eyebrow. Ang overacting!

Nang dumaan si Joaquin sa harapan ko, he gave me a smirk. He leaned down, then whispered something in my ears.

"Hi babe."

And that made me look like a tomato. That also made my heart go wild.

into you - jmn.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon