MILAIntramurals ngayon. Busy ang lahat. Sina Eury, Raika, at Persephone ay may laro mamaya. Mga volleyball players kasi sila e. Habang kaming apat ni Hana, Reese at Audrey ay nakatunganga lang, sabay lamon.
Every intramurals ay may mga food stalls. Ang lagi naming pinupuntahan ay iyong may mga rice toppings, at yung milktea stall. Naaafford naman namin yung mga pagkain dito. Buti nga, hindi kagaya nung last last year na Intramurals, overpriced yung mga pagkain.
"Ano na? Manonood ba tayo ng game nina Eury?" Tanong sa akin ni Reese. Tumango naman kaming dalawa ni Hana. Audrey groaned in frustration. Malamang, tinatamad 'to. Pumasok lang 'to dahil may mga pagkain, at ililibre kami ni Eury mamaya.
"All Amity volleyball players, please proceed to the gymnasium right now." Sabi ng intercom. We picked our food at nagpunta na sa gymnasium. Nandoon sina Eury, Persephone at Raika, nagwawarmup. Audrey stood up and cheered for them. "Go, PerseEuRai!" sigaw niya. Pinaupo siya namin ni Hana nang nakatingin sa kanya yung mga tao na nasa bleachers.
Lumingon ako sa mga magiging kalaban nina Raika. Aleeza, Irene, Joy and Wendy were there. Syempre, wala si Bridgette. Nandun na 'yon sa ibang bansa e. Kaming anim ay Amity, habang sila ay Dauntless. Apat lang ang teams dito, and fortunately, na kina Hana ako.
Nagulat ako nang umupo sa harap namin sina Sawyer, Justin, Terrence, Leviathan, Vernon, Kairo at si... Joaquin. I just looked at him for one second bago ko nilayo ang tingin ko.
"Go Persephone!" sigaw ni Terrence. Napalingon naman si Persephone sa kanya at ngumiti. She waved at him, then Terrence acted like he was shot by an arrow. I saw Persephone chuckled. Habang si Irene ay napahalukipkip na lang. Malamang, may crush rin 'to kay Terrence e. Pero, kay Persephone na 'to.
Humarap sa akin si Joaquin at nginitian ako. I rolled my eyes and crossed my arms. Napanguso siya. Gago! Ang sarap sapakin! Hindi bagay sa kanya. Ew.
"Rejected." Rinig kong sabi ni Justin, at tinawanan siya. Kaya sinapak siya ni Joaquin. I can't help but to laugh.
Bago pa magsimula ang game ay nilapitan ni Eury si Sawyer. Napasinghap ang lahat nang sinunggaban ni Eury si Sawyer. It took long before she let go of the kiss. "Love you babe!" Sabi nito, at tumakbo na palayo. Sawyer acted like he's going to puke. "Yuck!" Maarteng sabi nito. But, he licked his lips and smirked. Bakla ba 'to? Or nagpapabakla lang para mapansin ni Eury? Hmm.
The volleyball game started. Medyo intense nga dahil malakas ang mga serve at spike nina Joy. No one even dared to talk because of the intensity of the game. Si Audrey ay kumain ng popcorn na kabibili niya lang kanina. Eury lost, pero nakapagcomeback naman sila.
In the end, they won. Lumapit si Eury kay Sawyer at sinunggaban ulit ito ng halik. Bumitaw si Eury sa halik nang sinita siya ng mga teacher na nagmomonitor ng laro.
Ew, masyadong SPG.
**
"Guys! Since we won, I'm going to treat you lunch!" Sabi ni Eury. Humiyaw naman kaming tatlo. Yes! Hindi ko na kailangang gumastos ulit para lang sa lunch! Hahaha.
"Sali kami diyan!" Sabi ni Vernon at inakbayan si Reese. Inalis naman ni Reese ang pagkaakbay ni Vernon, kaya hinawakan niya na lang ito sa baywang. Jusko! Kailan ba ako magkakalovelife ha?
"Yes! Libre!" Sabi ni Kairo. Tiningnan ko naman siya, he was looking at Raika. Dahil sa ganda ni Raika, maraming nagpapapicture sa kanya. Ang tangkad na nga, ang ganda pa!
"Let's go! Raika!" Sigaw ni Eury. Raika signed a few notebooks before sumali sa amin. Since gutom kaming lahat, I'm sure that Eury's money will be gone.
BINABASA MO ANG
into you - jmn.
Short Storymila myoui is into joaquin park. mina x jimin. 100618 - 120518 hra: #23 in ss © ctrltzuyu, 2018.