Chapter Four: The Meeting

1.4K 35 9
                                    

AUTHOR'S NOTE, PLEASE READ!

HEY GUYS!

As of now, meron ng 251 reads ang "Arranged or not?" sobrang thank you po sa mga nagbabasa neto. maraming salamat po!

A special shout out to bebi Sara Mae, Happy reading! :**

Sana magustuhan nyo itong chapter na toh. keep on supporting po ^^

Don't forget to vote and comment :3

Forgive the typos and grammar errors.

Enjoy!

==========================================================================

Haley's POV

Napadukdok ako sa aking lamesa. Baka nananaginip lang ako. tama! isa lang itong masamang panaginip. wake up haley! Pero ng umayos ako sa aking pagkakaupo ay naroon pa rin si Victoria. Ok, I'm not having a nightmare. Andito talaga sya RLIS, isa rin syang 4thyr HS. Ang pinaka matindi nun, classmate ko pa sya! Ayos di ba?! Tumingin ako sa kanya, ngumiti sya sa akin.

"Hey hal." Halos pabulong nya akong tinawag kasi nag sisimula ng mag discuss si mam. patuloy sya sa kanyang pagsasalita, "sabay tayong mag lunch ha? kayo pa lang kasi kakilala ko dito sa school bukod kela nathan." Nag-nod lang ako sa kanya habang nakaharap ako sa board at kunwari'y busy sa aking pagsusulat ng notes. 

Classes just went by. Nag ring na rin ang bell, Lunch break na. lumabas na kami ng room. Sumunod naman si victoria sa amin. Actually, victoria seems to be nice. pero ikaw ba, gugustuhin mo bang makasama araw-araw ang girlfriend ng crush mo?! 

So ayun, pumunta na kami ng canteen. We searched for tables na available. weird, walang available. Bakit parang ang daming tao ngayon sa canteen? Maliban nalang kung... andito ang grupo nila nathan? I mean, once in a blue moon lang sila andito sa canteen, meron naman kasi silang sariling kainan. 

Then nagulat nalang ako dahil may tao na pala sa harapan ko. Pagtingala ko si Nathan na pala ang kaharap ko. parang naramdaman kong nag-init ung mukha ko. Napaatras ako ng kaunti. "H-hello." ngumiti lang ako pagkatapos kong sabihin un. si victoria naman na-hyper, "Hi nathan! kumaen ka na ba?" sabay hawak nya sa braso neto. Umiling lang si nathan sa kanya at humarap ulit sa akin.

"Haley, dun na daw kayo sa table namin umupo. kasya tayong lahat dun." parang gusto ko syang sagutin ng, weh? sasabay kami sa inyo? pero hindi ko na ginawa. nakakahiya naman, hindi naman kami close. at kami na nga ang inaalok ng upuan aayaw pa ba kami? tinignan ko muna si emz, aba't ang loka nakangisi na. "O-ok lang naman, di ba emz?" nahawa ata sa pagkahyper ni victoria tong si emz. "OO NAMAN NOH! Tara na! san ba nate?" aba, nakiki-nate na rin sya ha! close sila? hahaha.

Nagsimula ng maglakad si nathan kaya sumunod na rin kami. Etong si victoria naman makapalupot kay nathan parang ahas eh! kairita =____= 

Napatingin ako kung saan nakaupo si Kenneth, kierby at lucas. Napatingin din si lucas sa akin, ngumiti sya. unconciously I smiled back. bakit ganun? parang iba ung feeling ko kapag andiyan si lucas? aish. hayaan mo na nga. wala lang siguro toh.

"Haley! Emz! dito kayo oh!" Sigaw ni kenneth na agad namang binatukan ni kierby. "ano ka ba, para kang nasa kabliang baryo! ang lapit lapit lang nila eh!" natawa kaming tatlo. si kierby naman tinap ung katabi nyang upuan na nakapagitna sa kanilang dalawa ni lucas. "Dito ka haley oh." Nag-nod ako at naupo sa tabi nya. napansin kong tahimik lang si lucas. Ano namang problema neto? sabagay ganyan naman talaga sya. tahimik lang. Si kenn at emz naman ang magkatabi. trip na trip ni kenneth asarin si emz eh. hahaha. Habang si Nathan at victoria naman ang magkatabi. haays... hanggang pasulyap sulyap nalang talaga ako.

Arranged or not?(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon