Chapter Six: Ngiti

1.1K 29 0
                                    

AUTHOR'S NOTE, PLEASE READ!

Hello po!

This is just a short Update, kailangan ko pa kasing mag-review dahil biglaan ang aming Midterm. kaya pag-pasensyahan nyo na kung maikli lang ito.

Anyways, I hope you can still enjoy this!

Forgive the typos and grammar errors.

Enjoy.

======================================================================

Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng malaman ni nathan at haley ang tungkol sa engagement nilang dalawa. Ngunit ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng huli silang mag-usap. Dahil ito sa mga nabitawang salita ni Nathan kay haley. Pero ang hindi alam ni haley ay sinadya ito ni nathan. Naaalala ni nathan ang lahat ng nangyari sa park. Nasabi lang ni nathan ang mga bagay na iyon dahil gusto nyang mapalapit si Lucas kay Haley. Dahil kaibigan nya si lucas, gusto nya itong mapalapit kay haley. 

At kaya natagpuan ni lucas si haley sa park nung araw na yun ay sinabi ito ni Nathan na baka andun si haley, pero sinabi nya kay lucas na wag nalang sabihin na naaalala pa nya ito. 

Pero bakit tila ayaw nyang mapalapit sa dalagang ito? Marahil ay ayaw nyang masaktan si haley. O 'di kaya nasaktan na sya noon. at natatakot syang masaktan muli.

NATHAN'S POV

"Asan na ba ung mga un?!" Kanina ko pa sila inaantay dito sa usual naming kinakainan pero wala pa rin sila. Ng makatanggap ako ng text galing kay kenneth.

"Dito canteen, kasama namin sila haley."

Haley... I sighed. Sooner or later kailangan na naming mag-usap. bakit ba kasi kailangan ko pang sabihin ang mga bagay na yun? 

Mabait naman si Haley, maganda, matalino at talented. Pero ewan ko... natatakot ako. Hindi dahil sa kasuklam suklam si haley. Sa totoo lang kung mapapalapit ka sa kanya, napakabuti nyang tao. 

Natatakot lang siguro ako sa pwede kong maramdaman pag-napalapit ako ng sobra sa kanya.

ilang sandali pa ay nakatanggap ulit ako ng message galing kay kenneth,

"Dude asan ka na? Ang tagal mo!"

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nag-simula ng mag-lakad papunta sa canteen. 

dito ay una kong nakita ang mukha ni Haley, masaya sya. tinignan ko kung sino katabi nya, sino pa ba? Edi si lucas. Eto naman ang gusto ko eh, ang makitang magkasama silang dalawa. Alam ko kasing mas sasaya sya kay luke. Mabuting tao si luke. kaya nararapat lang sya kay haley.

Lumapit ako sa table kung saan nandoon sila. Si emz, ken at kerb ay nagkukulitan as usual. Pero si haley, unting unti nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Dahil siguro nandito ako. at dahil sa mga salitang nabitawan ko sa kanya. Pero bakit parang nalungkot ako ng mawala ang mga ngiti nya? 

Umupo ako sa tabi ni victoria. Wala naman kasing ibang bakanteng upuan. at nireserve daw nya talaga ito para sa akin, tss. Bakit parang gusto ko tabihan si haley? Bakit gusto ko syang makitang ngumiti kahit hindi ako ang dahilan? Naguguluhan na ako...

'di ba sabi ko natatakot ako? Pero kapag ngumingiti sya, parang mas gusto ko ang ideya na ako ang nagpapangiti sa kanya? HAYS! 

Kinalabit naman ako ni victoria, "Babe, kumain ka na ba? tara bili na tayo ng pagkaen natin. umalis na sila kenneth oh." Wala akong gana kumain. gusto ko makausap si haley. Pero para saan? 'di ba mas gusto kong makita syang kasama ni lucas?

Nilapitan ko sila ni lucas, "Kumaen na ba kayo?" tanong ko kay lucas. Pero hindi nakatingin sa akin si haley. "Oo eh, nauna na kami. ikaw brad? kumaen ka na." sinagot ko sya at sinabi kong wala akong gana kumain. tumango lang sya.

Napatingin ako kay haley, napatingin din sya sa akin. pero binaling nya ulit ang kanyang atensyon kay lucas. "Uhm, luke.. mauna na ako. balik na ako sa room." tapos tumayo na sya at umalis. 

"Haley..." Bigla nalang lumabas sa aking bibig ang kanyang pangalan. hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko gusto ko syang tawagin. Naramdaman kong may nakatayo sa aking likuran. "Si haley nasa likod mo. tingin ko kailangan nyong mag-usap." seryosong sabi sa akin ni luke.

Humarap ako kay haley. "Nathan. kailangan natin sigurong mag-usap." tumalikod sya at nag-simulang maglakad. sumunod ako agad sa kanya.

We found ourselves at the rooftop. 

"H-haley.. I-I'm sorry." tae, bakit ba kinakabahan ako?

"Okay lang." Ngumiti sya. napangiti rin ako.

"Sinabi na sa akin ni luke ang totoo. na naaalala mo ang lahat." nagulat ako sa sinabi nya. nag-patuloy sya sa kanyang pag-sasalita. "Mabait si luke, sobra. pinili nyang sabihin ang totoo kesa mag-sinungaling sa akin. kaya nya naman daw akong antayin. kapag hindi ko na kaya." Luke, bakit ang tanga mo? tsk.

"Nathan, tingin mo hindi mag-wowork ang engagement natin? bakit kailangan mo akong ipagtabuyan? at kailangan ibigay mo ako kay luke?"

"Mas sasaya ka kay lucas."

"Ayaw mo ba talagang subukan?" Ayaw ko nga ba? bahala na.

"Subukan natin." 

"kung ayaw m-- ANO?" natawa ako ng kunti.

"Sabi ko, subukan natin." Ngumiti sya at niyakap nya ako. I hugged her back. 

"Salamat Nathan. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya."

Pero kaya ba talaga kitang pasayahin gaya ng pag-papasaya sayo ni lucas?

=====================================================================

AUTHORS NOTE:

THANK YOU FOR READING PO! SANA NAGUSTUHAN NYO.

Don't forget to Vote and comment!

isshi~

Arranged or not?(REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon